Emi's POV Nakikipagtitigan ako sa kanya ng ilang minuto hanggang sa tumawa na lang ito na parang walang bukas. Pinagttripan lang ata ako ng isa 'to. "Charot lang din." At wala sa sariling nabatukan 'ko siya. Napakamot siya ng kanyang buhok habang tawa pa rin ng tawa. "Charot-an pala ngayon ah," umalis na nga ako sa kandungan niya. "You're teasing me." Napapadyak akong lumabas sa kubo at nilanghap ang sariwang hangin. Baka sakaling mawala ang badtrip 'ko pero sadyang tinamaan ng kakulitan 'tong si V at nasa harapan 'ko ngayon na may pa-dila pang nalalaman, kagatin 'ko 'to eh. I rolled my eyes heavenwards. "Shoo~ hindi ka cute. Utang na loob mag-evaporate ka sa harapan 'ko. Hindi na ako natutuwa sa pagpapacute mo, hindi ka cute." Nagawa 'ko pa atang paikotin ang eyeballs 'ko para kunw

