I don't know why they disclosed the case. Nagulantang na lang kami sa mga oras na 'yon nang biglang pumasok ang mga gwardiya ng school sa loob ng infirmary at dinampot ang bata na para bang napakalaking threat ito sa school. Siguro ay may nagsumbong kaya nalaman ng nakakataas ang tungkol doon. Hanggang ngayon ay palaisipan ko pa rin kung anong nangyari sa bata. Pinakawalan ba nila o ano? Pagkatapos mangyari 'yon, wala na kaming narinig na balita. Sinubukan kong magtanong sa SSG officers pero maski sila ay wala ring alam. Ilang araw na akong hindi mapakali. Iniisip ko pa rin talaga ang batang 'yon. Hindi matanggal sa isip ko. Kung siguro nandito si V, baka natulungan pa niya ako. "Iniisip mo pa rin ba kung anong nangyari sa bata?" Trex asked. "Kanina ko pa napapansin na panay buntong h

