Emi's POV Pasimple 'kong sinusulyapan si V habang naglalakad. Hindi 'ko maiwasan isipin ang nangyari kanina, iyon ba ang sinasabi niyang hindi makapagpigil? Eh ano iyong ended up with me na sinabi rin niya kanina? Sa sobrang preoccupied 'ko ay nabangga 'ko ang likuran ng kung sino. Tiningala 'ko kung sino 'yon at hindi ako nagkamali sa pang-amoy na dumikit sa akin, ang kasama ko. "Iniisip mo pa rin ba ang halik kanina? You can just forget it if its doesn't taste good." He was teasing me. Naningkit ang mata 'ko. "Walang nakakatuwa doon sa ginawa mo." Bago 'ko siya lampasan ay hinampas 'ko muna ito sa balikat. Napa-aray siya sa ginawa 'ko. Serves him right. Akmang maglalakad ako nang mapansin 'ko ang malagkit na likido sa kamay 'ko. Napaawang ang bibig 'ko. F*ck! May sugat siya? Humar

