Amanda NAKATAYO ako sa harap ng elevator naghihintay sa pagbukas no'n. Paakyat na ako pabalik sa condo ni Tarinio. Ilang sandali ay bumukas na iyon, walang tao kaya pinindot ko agad ang close. Pasara na ang elevator nang makita ko ang pagdaan ni Tarinio at Amari. Sinubukan kong pindutin ang open pero hindi ko na nabuksan. Hindi ako maaaring magkamali, si Tarinio 'yon. Inip akong hinintay na lumapag sa huling palapag para mapindot ko pabalik sa baba ang elevator. May kabang namuo sa dibdib ko. Kinuha ko ang cellphone ko at umaasang may text siya at nagpaalam na kasama si Amari tulad ng lagi niyang ginagawang pag-update sa'kin sa tuwing hindi kami magkasama. Pero wala ni isang text mula sa kanya. Nang lumapag sa floor niya ay pinindot ko rin pababa. I dialed his number, pero hindi ni

