Bumaba na si Kiko mula sa taas. Agad siyang umupo sa tabi ko. Nakatatak na sa isip ko yung nakita. How can he hide that thing in his pants? How does he do that? Wait, why am I thinking about that. "So are we talking now?" tanong niya. Wala na akong choice. Hindi ko dapat sasabihin sa kanya dahil ayaw ko na ng gulo pero ang kulit eh. Malamang hindi niya ako titigilan hangga't na sabihin ko sa kanya ang totoo. "Your ex approached me this morning." Kumunot ang noo niya. "Safara..." he said like he's sure na yung Safara ang lumapit sa akin. "What the hell did that b***h tell you?" Kinuwento ko sa kanya lahat. Word by word. Wala akong iniwan na detalye. Pansin ko ang pamumula ng leeg nito at ang pagkuyom niya ng kamao habang nagsa

