Matapos kumain ay humiwalay na kami ni Kiko sa kanila. Nagpunta kami sa garden kung saan tahimik at walang tao. There's like that swing na pang-grupo sa pinakadulo nung garden. Natatabunan iyun nung mga puno, and it feels like you're in a really small paradise when you're in there. We sat there habang magkahawak ang mga kamay. "What are you planning to do after today? May plano ka na ba?" tanong ni Kiko matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. Umiling ako. "I'm still thinking." Hinatak niya ako palapit sa kanya. "Live with me." Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. What does he mean by that? "Let's live together kahit saan mo gusto. I will provide you everything you need. I will make you my queen." ul

