NANG matapos ang kasal ay dumiretso na sila sa bahay ni Lithe. Huminto sila sa mala-mansyon na bahay nito at agad umibis at umikot para alalayan sya bumaba.
Gentleman naman pala ang hudyo na to.. Bat kinikilig ako? Huy! Kumalma ka!
Nang makababa sya ng kotse maglalakad na sana sya papasok ng pigilan sya ng matipunong braso ni Lithe. Napalingon sya at napatingin sa kamay nito na nasa braso nya. “bakit?”
“newly weds tayo diba? Dapat bubuhatin ng groom ang bride papasok. Tapos honeymoon na” nang-aasar nanaman ang mukha nito sabay kindat
“Hoy! Anong honeymoon ka dyan! Tumigil ka ha!” dinuro nya ito para pagbantaan. Pero kinakabahan sya sa itsura nito. Hindi pa ko ready!
Tanging malakas na tawa lang ang sinagot nito at walang sabi-sabing binuhat sya nito pa-bridal style. Napatili sya at awtomatikong napakapit sa mga leeg nito habang ineenjoy ang amoy nitong lalaking-lalaki na nakahalo sa gamit nitong pabango.
Ang lakas ng t***k ng puso nya.. Gagawin ba talaga namin yun? Oh my gosh!
“Don’t worry, Munchkin. I don’t force women to jump into bed with me. Sila ang nagkukusa. Kaya hihintayin nalang din kitang magkusa” Waring nabasa nito ang kaba nya at gumatong nanaman ng pambubwisit sa kanya
“nek-nek mo! Ikusa ko yang mukha mo dyan eh” gigil nyang turan dito. Nakuuu.. Parang maaga akong tatanda sa kunsumisyon sa lalaking toh!
Kumagat labi pa ito at pinasingkit ang mata.. Napakasiraulo!
Nilapag sya nito pagdating sa may sala. Napakalawak ng bahay nito. “ikaw lang mag-isa dito?”
“Yung mga House cleaner every week sila nagpupunta para maglinis dito” sagot nito na inuumpisahan ng luwagan ang bow ng tuxedo nito
“pero walang stay-in na House helper? Buti name-maintain mo ang linis ng bahay” wika nya dito
“wala din naman magkakalat eh kaya malinis” pilosopo talaga ang hayop
Umirap sya dito at nilibot ang mata sa kabuuan ng bahay. Napakaganda ng interior at pumasa sa taste nya na minimalist lang. “you like it, Munchkin?”
“oo ang ganda!” Habang busy padin sya sa paglibot ng mata nya. Na miss nya ang Ate Jena nya. Lagi silang nagkukwentuhan ng mga dream house nila at ganitong eksakto ang pangarap nyang bahay..
Napakunot noo sya ng nalingunan nya si Lithe na mataman lang na nakatingin sa kanya habang nakangiti. “Saya yan?” untag nya dito
Ngumisi ito “Yeah. Very much, Munchkin”
Unti-unti na syang nasasanay sa endearment nitong pang-dunkin donut..
“C'mon, i'll show you our room” at hinila sya nito paakyat sa ikalawang palapag
“Our room?” pagkumpirma nya dito
“Yeah. Why?” nagsalubong ang kilay nitong tanong
“I want a separate room” mahinang turan nya habang nilalaro ang daliri. Gusto nyang magsisi sa sinabi dahil nakita nya ang pagdaan ng lungkot sa mata nito na dagli din nawala dahil ngumiti ito ng tipid at nagsalita
“Okay, Munchkin. Dun ka sa master’s bedroom mas malaki yun. Dun nalang ako sa guest room”
Nakagat nya ang ibabang labi nya gustuhin man nyang bawiin ang sinabi nya ay huli na. Narinig nya ang buntong-hininga nito bago muli syang hinila papuntang master’s bedroom.
Napaawang ang labi nya at nagningning ang mata nya ng makita nya ang master’s bedroom. Eto ang pangarap nyang interior at kulay! “you liked our room?” tanong nito
“Alam mo bang ganitong bedroom ang dream ko? Pati yung touch of mint green color at pastel colors. Wow!” manghang-mangha talaga sya
“I’m happy that you liked it, My Munchkin” nakangiti ito hanggang mata.
Gwapo naman talaga nito lalo na at seryoso at hindi nambubully.
“Come I’ll show you the veranda” hinawakan sya ulit nito sa kamay
“yung totoo? Ano to house tour?” nakangiti nyang wika
“ito-tour kita sa bahay ni kuya” ganting biro nito
“Okay na eh! Kumorni lang sa part na yan” sabay tawa sya. Napatigil sya ng makitang titig na titig ito sa kanya
“Bakit? May dumi ako sa mukha?” hindi nya natiis na tanong dito
Umiling ito “wala wala.. Nalobo kasi pisngi mo pag nangiti ka. Medyo humahawig ka kay Jollibee” nagumpisa nanaman sya
Sinimangutan nya ito at hinampas ito sa dibdib. Tumatawa naman itong sumalag sa hampas nya at hinuli ang kamay nya. Hindi sya nakahuma ng bigla sya nitong kabigin papalapit dito at hapitin sa beywang. Naitukod nya ang dalawang kamay sa magkabilang dibdib nito.
“L-Lithe” kandautal na bigkas nya sa pangalan nito. Ayan nanaman ang pagrigodon ng puso nya na halos ikabingi nya sa lakas
Napapikit nalang ang mga mata nya ng makitang papalapit na ang mukha ni Lithe sa kanya. Aaminin nya gusto nya ang mga halik nito.. At totoong nakakaadik ito..
Ngunit parang ilang segundo na ay di pa din lumalapat ang labi nito. Napagpasyahan nyang dumilat.. At ang hayop na lalaki ay nakangiti lang na nakatunghay sa mukha nya.
“you’re so cute, my munchkin” nanunudyo nanaman ang itsura nito
Dahil sa naramdamang pagkapahiya ay tinulak nya ito para mapalayo ang katawan nya dito ngunit malakas ito at hindi natinag habang nakangisi padin.
“bitawan mo nga ko, Mr. Del Fuego!” piksi nya dito
“I won’t, Mrs. Del Fuego. I will never let you go. Never in a million years” wika nito at dagli nitong tinawid ang pagitan nila at masuyong hinalikan ito sa labi.
Marahang gumalaw ang mga labi nito. Masuyo at maingat. Hindi namalayan ni Jent na tinutugon na nya ang halik ng asawa. Hanggang sa lumalim ito at naging mapaghanap. Dahan dahan nitong binuka ang labi nya at ng magkatsansa ay ginalugad nito ang bawat sulok ng bibig nya at nagespadahan ang mga dila nila “Uhmmm” hindi sya makapaniwala na sa kanya nanggaling ang ungol na yun
Naghiwalay ang mga labi nila ng maubusan ng hangin.. Bahagya nya itong tinulak at iniwas ang mukha. Naiinis sya sa sarili nya dahil sa hindi nya matanggihan ang mga halik nito
“Munchkin” paos na anas nito sa kanya habang mapungay ang mga mata na nakatitig sa kanya
Napakurap sya at hinihingal na nagsalita “pa-pasok na ko sa room” halos pabulong na wika nya dito
Narinig ko ang paghigit nito ng malalim na hinga bago unti-unting lumuwag ang pagkakahapit nito sa kanya.
Akmang maglalakad na sya ng pigilin sya nito at walang sabi-sabing binuhat sya at naglakad papuntang master’s bedroom. Hindi na sya nagprotesta dahil nanghihina din ang tuhod nya na dulot ng halik nito
Pagpasok sa master’s bedroom ay binaba sya nito sa may kama at pinaupo. Napaawang ang labi nya ng lumuhod ito at inumpisahang tanggalin ang mga sapatos nya
“Lithe! Kaya ko na yan”
“let me do it, munchkin. Relax kalang dyan” ngumiti ito sa kanya
Pagtanggal ng sapatos ay tumayo ito at sunod na inabot ay ang zipper ng wedding dress nya. Nagpanic sya at napasigaw “Lithe! Anong ginagawa mo?”
“makasigaw naman toh kala mo gagahasain? Ibababa ko lang toh para dika mahirapan hubarin” natatawang sagot nito
Namula yata ang pisngi nya sa pagkapahiya. Maya maya ay naramdaman ko ang mga palad nito sa pisngi ko. “goodnight, my munchkin” at hinalikan sya sa noo. Tumayo na ito at lumabas ng kwarto.