CHAPTER 6

904 Words
HABANG nagluluto sya ng makakain nila at ng ihahain mamaya sa dalawang Lola nila ay naging abala naman si Lithe sa study room nito para sa mga papeles na kailangan nito ireview at pirmahan. Sa sobrang busy din nya ay hindi nya napansin na lagpas alas dose na at hindi pa sya kumakain ng tanghalian at ang asawa naman ay hindi pa din nalabas ng study room. Nagpasya syang akyatan nalang ito ng pagkain. Kumatok sya at narinig nya ang boses nito na sumagot “Come in” Pagbukas nya ng pinto ay nakita nya ang tambak ng papeles at folders na nagkalat sa lamesa nito. Naawa sya dito mukhang aabutin sya ng 48 years bago matapos ireview ang mga papeles na tambak. “Lithe, lampas alas dose na. Kumain ka muna” wika nya dito. Dagli itong napatingin sa relo “Sorry, Munchkin. Mauna ka na muna kumain. Tatapusin ko lang to.” At pinagpatuloy ang ginagawa Nainis sya kaya dinampot nya lahat ng papeles na nagkalat. Wala syang pakialam kung maghalo halo man yun. Napaangat ng tingin si Lithe ng nakaawang ang labi Lumigid sya papunta sa tabi nito at inabot ang laptop at sinara ito. Hinarap nya si Lithe ng nakahalukipkip at nakataas ang kilay “O ano? Ang pagkain hindi dapat yan pinaghihintay. Hindi mawawala ang mga papeles na yan. Kumain ka na” at inilapit ang pagkain dito Mula sa pagkakaawang ng bibig nito ay ang dagling pagsilay ng ngiti sa labi nito. “O ano?” pagtataray nito. Naiinis talaga sya lagi pang ngumingisi ito ng ganyan Pero imbes na sumagot ay hinila sya nito sanhi para mapaupo sya sa hita nito. “Ano ba, Mr. Del Fuego! Sabi mo ang dami mong gagawin pero ang dami mong pasakalye eh kakain kalang naman!” gigil nyang turan Akma syang tatayo mula sa pagkakaupo nya sa hita nito ngunit pinulupot nito ang braso sa beywang nya. “Subuan mo ko, Munchkin” nakalabi nitong wika. Parang batang paslit na gusto magpasubo sa nanay. Kaloka! “kelan ka pa naimbalido, Lithe Del Fuego?” nameywang sya habang nakaupo sa hita nito Nakita nya ang paniningkit ng mata nito at ang pagtawa ng mahina bago sya hinapit nito at binaon ang mukha sa leeg nya. Agad nyang hinarang ang mga palad sa mukha nito para hindi lumapat sa balat nya ang mukha nito. “Sige na please, Munchkin!” pagsusumamo nito “Oo na. Susubuan na kita. Kakaloka ka. Ang arte mo!” maktol nya. Nagdadabog na kinuha ang kutsara at nagsimulang sumandok ng pagkain at sinubo dito. Halos mapunit naman ang bibig nito sa pag ngiti.. Saya yern? DUMATING ang dalawang Lola nila. Nakakainggit ang friendship ng dalawang toh.. Pang-till death do us part! “Kamusta ang unang araw nyo bilang mag-asawa apo?” wika ni Lola Mila “Hindi namin maenjoy Lola kasi may istorbo” sagot ni Lithe sa Lola nito Sinipa nya si Lithe sa paa. Magkatapat kasi sila sa lamesa. Katabi nya ang Lola Edel nya at katabi naman nito ang Lola Mila nya. Napatawa naman ang dalawang matanda sa pagmamaktol ni Lithe “Hoy Lithe, wag mo isisi sakin kung sadyang babagal bagal ka! Parang hindi ka Del Fuego!” wika ng Lola nito habang dinuduro si Lithe. Nakakaaliw ang mga ito tignan. Parang parte ng lambingan ng mga ito ang magbangayan. Haha! Nilingon nya ang lola nya na bakas din ang saya sa mukha. Humilig sya dito at hinaplos ang buhok nya. ALAS nueve na ng gabi ay nasa sala silang apat. May ipapatikim daw samin na masarap na tsaa si lola Mila. Ang dalawang matanda ang naghanda ng maiinom nila sa kusina habang naiwan sila ni Lithe sa sala. “Ang weird ng mga matatanda no?” wika ni Lithe Napatawa sya “Ang cute nga eh. Ganun yata talaga pag matanda na. Makukulit. Pero sila Lola Mila at Lola Edel, sobrang cool nila kahit makukulit” nakangiti nyang sambit habang mataman na nakatitig sa kanya ang asawa Maya maya ay lumabas na ang dalawang matanda at may dalang apat na tasa ng tsaa. Inabot sa kanila ang mga tasa na umuusok usok pa. “Ang bango nito lola!” wika nya at dahan dahan hinigop. “Ang sarap!” sambit nya. Medyo may kakaibang after taste pero masarap ang tsaa na iyon Humigop na din si Lithe gayundin ang mga matatanda. Nang matapos magtsaa ay nagpaalam na ang mga matanda. Pagtayo nya ay parang may kakaiba sa pakiramdam nya. Parang ang init? Dala marahil ng mainit na tsaa. Hinatid nila ang dalawang matanda hanggang sa sasakyan. Nakita ko din si Lithe na panay ang hatak sa kwelyo ng damit nito. Yumuko ito sa may nakababang bintana ng kotse ng mga ito “Lola ano yung tsaa na pinainom nyo samin? Iba ang pakiramdam ko!” medyo namumula na din ang pisngi nito. Gayundin ang pakiramdam nya. Nakita kong ngumisi ang matanda bago sumagot at lumingon din sa gawi nya. “Aphrodisiac. Gusto ko ng maraming apo. Bilisan mo!” sagot nito bago sinenyasan ang driver para pasibadin ang sasakyan “F*ck sh*it!” mura nito. Nilingon sya ni Lithe at kita nya ang pawis nito na kala mo init na init “L-lithe” nautal sya. Alam nya kung ano yung nilagay sa tsaa. Pampataas ng s*x drive. Pakshet! Kaya pala nagiinit ang pakiramdam nya at parang naghahanap ng kung ano.. “Munchkin” tawag nito sa kanya na tila nahihirapan. “Munchkin umakyat ka sa room mo dali! I-lock mo ang pinto! At wag mong bubuksan!” sigaw nito. Para itong nakagat ng zombie na any moment magpapalit ng anyo.. Haha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD