RING ng telepono ang nagpamulat sa kanilang dalawa ni Lithe. Nampusa! Parang pakiramdam nya ay nagkargador sya ng isang buong araw sa sakit ng katawan nya.
Nakita nya na kumilos na din si Lithe at inangat ang braso na nakadantay sa kanya at kinapa ang cellphone na nasa sahig sa gilid ng kama.
"Hello!" paos pa ang boses nito pero mauulinigan mo ang inis sa tono nito. Nakabaon pa din sa unan ang mukha nito at nakapikit
"Lola! Ke aga-aga nyo nanamang mangistorbo!" ngitngit nitong sigaw sa lola nya sa kabilang linya.
Dinig nya din ang boses ng matanda sa kabilang linya kahit hindi ito nakaloud speaker "Hoy Lithe, wag mo ko sisigawan! Ako ang Lola mo!" dinig nyang sermon ng matanda
"ano nanaman ho bang kailangan ninyo! Kung anu-ano nalang naiisip nyong kalokohan eh!"
"Ano, nakailan kayo kagabi?" halos pamulahaan sya ng mukha ng maulinigan ang tanong na iyon ng matanda
"Lola! Kung gusto nyo sana malaman kung nakailan kami edi sana hindi na kayo umalis para may scorer kami!" gigil na turan nito
Potah! Isa pang siraulo to eh.. Patola sa lola nito..
Parang kinilig naman ang matanda sa tinuran ng apo.. "kuuuuu! Ano nakakalakad pa ba, Apo?"
Nampusa! Gusto ba nito malumpo ako? Haha! Hindi sya makapaniwala sa Lola nito. Napakawild ng imagination. Daig pa ang Jurassic sa pagkawild!
"Sana sinabi nyo hong lumpuhin ko para naman alam ko at makahingi na din ho ng wheelchair sa inyo" pabalang balang nalang talaga ito sumagot. Kala mo kaedad nya lang ang kausap
"Hoy Lithe, galingan mo dyan. Gusto ko na ng baby na aalagaan. Bilis bilisan mo. Sayang naman ang pagsearch at pagorder namin ng tsaa na yun ni Edel online. Rush pa ang shipping nun!"
"O tapos kina-millenial nyo ho ba ang pagorder online? Baka nga hindi safe yang pinainum nyo samin!" gusto na nyang matawa sa pagka-HB nito sa lola nito.
Ang lakas ng tawa ni Lola Mila sa kabilang linya "mukha namang mabisa, Apo"
"bat hindi ho kaya kayo ang uminom tapos rumampa kayo sa malate para mapakinabangan nyo din" Parang ako ang nagpapanting ang tenga sa lalaki na to. Balahura magsasagot.. Haha!
"try din namin minsan" pangaasar pa ng matanda sa apo nito. "nagpadeliver ako ng pagkain nyo dyan. Good job, Apo!" wika nito bago pinatay ang tawag. proud na proud ang lola.. Haha!
Halos ibato na nito ang cellphone sa kung saan ng ibaba nito tawag.
Nilingon sya nito at hinila palapit. Pinaunan sya nito sa braso nito at hinalikan ang buhok nya. "Good morning, Munchkin. Kamusta pakiramdam mo?" biglang nagbago ang kanina ay G na G na Lithe ay naging mas malambing pa sa kambing.. Haha!
"Okay naman ako. Medyo masakit lang yung tunnel ko" sagot nya. Nilayo sya nito para makita ang mukha nya
"Does it hurt that much, Baby Munchkin?" nag-aalala ang mukha nito
Ngumiti sya dito "Kaya ko naman. Iisipin ko nalang nagpa-road widening yung tunnel ko kaya masakit" sagot nya na kinatawa nito.
"Gusto ko yang road widening dahil napasukan ng malaking bullet train" wika nito habang natatawa pa din sa sinasabi
"very good. You're fast learner! Char!" wika nya.
Akma syang tatayo na sana para magbanyo ngunit napabalik sya dahil sa sakit ng tunnel nya "Awww!" eto nanaman ang pagiging sexbomb nya.. Haha!
Agad syang dinaluhan ni Lithe "let me carry you, Munchkin." dali dali syang binuhat nito papunta sa banyo. "Are you goong to take a bath or iihi kalang?" tanong nito habang hindi padin sya nilalapag
Kinakabahan ako.. Baka mag-round 2.. Hindi pa nakakarecover ang tunnel.. My gulay!
"Ibaba mo na ako, Lithe. Kaya ko na" sagot nya. Sumimangot ito sa kanya at lumabi. Pabebe talaga!
"bakit?" tanong nya
"bakit Lithe lang ang tawag mo sakin? Dapat may endearment ka din sakin" maktol nito
"arte mo!" irap nya dito
"pag tinawag mo ko sa pangalan ko simula ngayon may parusa ka!" banta nito sa kanya
"at ano ang parusa?" nameywang pa sya para asarin ito
"Ganito oh" wika nito bago sya kinabig at kinuyumos ng halik. Malalim madiin at nakakakiliti... Potah! Parang gusto ko nalang lagi maparusahan.. Haha!
Nang humiwalay ang labi nito ay tinitigan sya. "Ano munchkin?"
"Okay, Master?" Alanganin nyang wika
"anong master? Yan ang itatawag mo sakin? Baliw ka talaga!" nakasimangot nitong turan
"Master-bate?" pangaasar pa nito.. Haha!
"Umayos ka nga! Nakakainis ka na" parang batang nagmamaktol
"Eh ano ba kasi? Wala ako maisip"
"yung magandang endearment nman kasi!" halos magpapadyak naman ito sa harap nya
"Bavarian?" naalala kasi nya na munchkin ang tawag nito sa kanya
"ampanget!" daming reklamo ayyy!
"pwede mamaya nalang? Naiihi na kasi ako.. Baka UTI ang maitawag ko sayo pag nagkataon." nginisihan nya ito habang pinanlalakihan ito ng mata
Nagdadabog na lumabas ito ng banyo at nakalabi.. Juice colored! Daig pa teenager sa mga demands sa buhay!