KASALUKUYAN akong nahihimbing ng tulog ng maramdaman ko na may yumuyugyog sa balikat ko. Naalimpungatan ako at pilit kong binubuksan ang mga mata ko. Hanggang sa may marinig na din akong boses na tumatawag sakin. "Hmmmm.. Yes, Munchkin?" sagot ko habang kinukusot ang mata ko na mahapdi dahil kulang pa sa tulog. "Dunkin, nagugutom ako" dinilat ko ang mata ko at nakita ko itong nakasandal na sa headboard at nanghahaba ang nguso. Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table para tignan kung anong oras na. Alas dos ng madaling araw! Hinaplos ko ang tyan nito na hindi pa naman gaanong umuumbok. Tatlong linggo palang mula ng makalabas kami ng ospital. "Anong gustong kainin ni buntis?" malambing kong tanong dito na nakangiti Tumitig ito sakin at inakap ang braso ko na humihimas sa tyan nya.

