GUSTO nyang sagutin ang mommy nya ng 'eh ano naman ngayon?' pero hindi kasi iyon ang nararamdaman nya. Kinakapa nya ang sarili at napagtanto na hindi galit o pagkatuwa ang nararamdaman nya kundi takot at pag-aalala para sa ama. Nanginginig ang mga kamay nya pati ang labi nya. "Saang hospital kayo, Mommy?" pati boses nya ramdam nya din ang panginginig. Wala na sa kabilang linya ang mommy nya pero hindi padin nya tinatanggal sa tenga ang cellphone. Napatulala sya at hindi namalayan na tumutulo na ang luha nya. Dagli naman syang dinaluhan ni Lithe "Munchkin, what happened? Shhhh...." pag-alo nito sa kanya. Kinuha nito ang cellphone sa kanya at niyakap sya nito at hinagod ang likod. "Dad is in the hospital." wika nya sa pagitan ng pagtulo ng luha nya "Shhhh...puntahan natin sya, Munch

