Kanina pa naghihintay si Paris kasama ang mga bata sa loob ng kotse ni Grecian. Hindi naman niya maiwasan ang mag-isip. Hindi ko alam kung bakit ko ba 'to ginagawa... Sa pagkakaalam ni Paris ay bukod sa trabaho ay hanggang sa mga bata lang ang iniintindi niya at pinaglalalaanan ng oras.
Hindi niya lubos maisip na aabot sa punto na hindi sila magkakasundo ni Grecian sa mga bagay. Dumagdag pa ang nangyari sa kanilang dalawa at ngayon na para siyang isang sunod-sunuran. Haaaaays sana magkaroon naman ng magandang dahilan 'tong ginagawa ko... Dumidilim na rin ang paligid at naaninag na niya ang liwanag ng buwan. Binalingan niya ng tingin ang mga bata sa likod niya. Napangiti siya sa dalawa kahit na hindi ito nakatingin sa kaniya.
Kasalukuyan naglalaro ang dalawa sa likod niya at mukhang tuwang-tuwa dahil makaka-punta na naman ang mga ito sa panibagong lugar. Matapos niyang kausapin ang kaniyang tita Luming ay diretso siyang nag-ayos ng mga damit na kailangan dalhin.
Nang makausap naman niya ang kaniyang tita ay parang may bahid pa nang pagtatampo ang boses nito. Hindi rin naman niya masisisi ang kaniyang tita dahil nag-aalala lamang ito para sa kaligtasan niya pero sa huli ay pumayag din naman ito.
Bigla niyang naramdaman ang pagbukas ng sasakyan. Nakita niyang pumasok si Grecian. Napansin niya ang dala nito.
"Para sa 'yo," nakangiting sabi nito sa kaniya at sabay na inabot sa kaniya ang isang iced coffee. Ilang segundo niya iyong tiningnan bago kunin sa kamay nito. Hindi niya alam kung bakit pa ito nag-abala na bilhan siya.
"Salamat," saad niya. Nakita niyang may i-binigay naman ito sa dalawang bata na nasa likod.
"'Ayan bumili ako ng snacks natin para habang nasa biyahe tayo ay may kakainin kayo. May cookies at ilang biscuits diyan at syempre, 'eto yong ice cream niyong dalawa!" Natatawa ito habang i-pinapakita sa mga bata ang mga pinamili nito.
Sa hindi inaasahan ay bigla naman siyang napangiti sa inaasal nito.Dalawa ang binili nito. Isang strawberry flavored ice cream at isa namang chocolate ice cream.
"Sa 'kin 'yang strawberry!" natutuwang sabi ni Sarah.
"Akin naman 'yang chocolate!" Malapad ang ngiti ni Henry.
Mabilis na nabuksan ng mga ito ang takip at agad na nilantakan. Hindi niya maialis ang tingin sa dalawa lalo na sa mga ice cream na hawak ng dalawa. Nabigla naman siya nang kunwaring mapa-ubo si Grecian. Napatingin siya sa lalaking katabi at sa hindi sinasadyang pagbaling ay agad na tumama ang kaniyang paningin sa labi nito.
The man beside him was drenching his pink lips and splashing his philtrum. He could hear the movement of liquid iced coffee in the can while swollen his lips to drink for more. He could sense how the cool coffee flow from the man's tongue down through his throat.
Bahagyang ipinilig ni Paris ang kaniyang ulo. Hindi siya sigurado kung nakita niya ba iyong nangyari o sadyang nilaro lang ng kaniyang utak ang kaniyang imahinasyon.
"May problema ba? Gusto mo rin ba ng ice cream?" untag nito sa kaniya. Marahas siyang napalingon kay Grecian.
"H-hindi, iced coffee will do. Gusto ko din naman ito." Naiilang siya sa nainingkit nitong mga titig.
Tila sinisigurado nito kung nagsasabi siya ng totoo. Just don't do that gaze! Hiyaw ng kaniyang utak. Nag-iwas siya ng tingin mula dito.
"Ha?? May sinasabi ka??" Grecian shrilled in surprise.
"H-ha? W-wala naman akong sinasabi ah," angal niya dito. Oh, sh*t! Napalakas ata yong sigaw sa utak ko kaya hindi na napigilan ng bibig ko na magsalita.. Tsk! Tumango naman ito.
"I thought you're cursing me." Hindi na ito nakatingin sa kaniya at i-tinuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Wala akong sinasabi." Hindi niya napigilan na sabihin. Hindi na ito tumugon at saka binuhay ang makina ng sasakyan.
Napalingon naman ito sa dalawang bata na nasa likod. Napansin niyang patuloy pa rin ang mga ito sa kulitan at paglalaro.
"Kids, buckle up! Aalis na tayo." Nakita niya ang mga ngiti ni Grecian. Napatingin naman ito sa kaniya.
"Ikaw din." Hindi nakaligtas ang mga mata nitong nangungusap.
"Oo sige." Nag-iwas siya ng tingin.
Naramdaman niya ang pag-andar ng kotse.
Mas lalong tumitingkad ang liwanag sa paligid dahil sa buwan. Napaka-gandang tingnan ang daan na natatamaan ng liwanag. Pasimple niyang sinilip ang kalangitan. Hindi niya akalain na sobrang gandang titigan ang mga bituin.
Ilang minuto ang lumipas at tahimik lamang siya. Naubos na rin niya ang laman ng iced coffee. Hindi niya maiwasan na maisip kung gaano kasarap na inumin ang i-binigay nito sa kaniya. Nanunuot pa rin ang lasa ng iced coffee sa dila niya. Pa-sikreto niyang tinitigan si Grecian. Tutok pa rin ito sa pagmamaneho at kasalukuyan na tinatahak ang walang katao-taong daan. Sumilip siya sa labas at puro damo lang ang kaniyang nakikita sa paligid.
"Mas mabuting isara mo na 'yan, lalamigin ka niyan," untag nito. Napalingon naman siya kay Grecian at ngumuso ito sa kaniya. Tinutukoy nito ang bintana ng sasakyan. Maagap naman niyang i-sinara iyon.
"Oo nga eh," tugon naman niya dito. Napansin niyang umunat ito.
"Ang boring noh? Magpatugtog tayo ah?" biglang sabi nito sa kaniya at saka tiningnan siya nito na para bang hinihintay ang sagot niya sa sinabi nito.
Napalingon naman siya sa likod. Marahan siyang napatawa nang makita ang hitsura ng dalawang bata. Tulog na ang mga ito at parang hindi maintindihan ang posisyon ng mga ito sa pagkakatulog. Kaya pala nakaramdam siya ng katahimikan sa sasakyan dahil natutulog na pala ang dalawa.
Muli niyang tiningnan si Grecian.
"Baka magising sila?" banggit niya dito.
"Hindi naman natin lalakasan ang ingay..." Mabilis na tugon nito sa kaniya. Hindi sigurado si Paris pero talagang biglang nanginig ang tiyan niya nang sabihin nito iyon. Hindi naman natin lalakasan ang ingay? Parang nag-iba ang iniisip niya sa sinabi nito.
Mariin niyang i-pinikit ang mata baka sakaling mawala iyon sa isip niya. Dumilat siya at saka nagsalita.
"Ano bang tugtog 'yan?" takang tanong niya dito. Ngumiti ito bago magsalita. Nakita niya sa mga mata nito ang tuwa.
"Kilala mo si Leroy Sanchez? He's one of my idol singers." Pagkatapos nitong magsalita ay agad nitong pumindot sa may harap nila at saka nagsimulang tumugtog ang isang cover song.
aborito ko 'yong cover song niya kay Sam Smith, 'yong Too good at goodbyes' sobrang ganda no'n..." Napangiti siya sa sinabi.
"Oo narinig ko na 'yon sa kaniya. Pero para sa 'kin, mas maganda 'yong ginawa mong pagkanta no'n." Biglang naistatwa si Paris at napatingin kay Grecian.
Naka-tuon na ang atensyon nito sa pagmamaneho pero nakatitig pa rin siya dito. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi nito.
"Mas maganda pa rin ang boses niya." Hindi sigurado si Paris kung sasabihin niya iyon pero kusa namang lumabas sa kaniyang bibig.
"Maganda din naman, boses mo ah..." Napangiti ito sa sinabi. Hindi maintindihan ni Paris kung bakit napapa-tahimik siya sa tuwing si Grecian na ang nagsasabi niyon sa kaniya. Napapahinto at naaapektuhan siya sa sinasabi nito.
"Ewan," walang kasiguraduhang sabi niya dito.
"Alam mo, gusto ko talaga na pinapakinggan si Leroy. Maliban kasi na nababago niya ang flavor ng kanta, kapag nagsimula na siyang kumanta, nagsisimula na rin siyang sumanib sa kanta. Alam mo 'yon? 'Yong sobrang soulful niya?" Napapangiti ito habang nagmamaneho.
Hindi niya akalain na alam nito ang ganoong bagay sa musika. Sigurado siyang may taste din ito sa pagdating sa musika.
Napatitig siya sa lalaki at maiging pinagmasdan ang kabuuan nito. Sinamantala niya ang pagkakataon na titigan ito habang abala ito sa pagmamaneho. Tumaas at baba ang tingin niya kay Grecian. Bakit hindi niya makitaan ng pagiging bisexual ang lalaki? Sa pagkakaalam niya ay malalaman at mararamdaman niya iyon dito kapag pareho silang dalawa. Pero hindi iyon ang maramdaman niya mula dito. Nagtataka siya kung bakit may nangyari sa kanila samantalang sa pagkakaalam niya ay hindi naman ito papatol.
Simula nang malaman niya ang ginawa ni Helen kay Grecian ay doon lang niya naintindihan ang binata. Hindi niya ito masisisi. Ito na mismo ang nagsabi sa kaniya na may iba't ibang opinyon ang tao. Napangiti siya bago magsalita.
"Kumakanta ka ba?" takang tanong niya. Napalingon naman ito pero agad na ibinaling ang atensyon sa pagmamaneho.
"Mas gugustuhin ko na lang sumayaw kaysa kumanta. Hindi ako marunong kumanta," tugon nito. Bahagyang napahagikhik siya sa sinabi nito.
"Bakit naman? Pero sabagay baka sa sayaw ka magaling." Napatingin naman siya sa daan na tinatahak nito.
"Hindi naman sa magaling, Mlmarunong lang..."
"Naku pa-humble ka pa." Napatawa naman siya. Patuloy pa rin ang tugtog na siyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kaniya at sumasabay sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Oo nga, marunong lang." Natatawa ito habang sinasabi iyon.
Hindi na siya nagsalita. Unti-unti naman niyang naramdaman ang antok hanggang sa napahikab na siya. Napatingin naman ito sa kaniya.
"Gusto mo na bang matulog? Okay lang naman..."
"Sigurado ka? Eh, pa'no ka?" tanong niya. Mukhang mali yata ang pagkakasabi niya dito dahilan para bigla itong mapaisip sa sinabi niya kaya muli siyang nagsalita.
"Ibig kong sabihin, baka madisgrasya tayo kapag matulog ka. Kaya 'wag na 'wag kang matutulog diyan." Biglang niyang iniwas ang tingin dito.
Narinig niya itong tumawa pero hindi na niya iyon pinansin. Pinilit niyang gawing komportable ang sarili habang naka-pikit ang mga mata.