CHAPTER FORTY ONE *BHL: Drunk*

3995 Words
Walang ibang magawa si Gilbert kundi ang lasingin ang sarili. Tuloy-tuloy ang kaniyang pag-inom at tila walang balak na tumigil. Kasalukuyan siyang nasa isang bar at nilulunod ang sarili sa pag-inom ng alak. "Hey, lover boy..." Kahit nahihilo ay naramdaman pa rin niya ang paglapat ng palad ng isang babae sa kaniyang pisngi. Napangisi siya nang makita ang babae. Sa tantiya niya ay nakahanda ito anumang oras nito gustong landiin. "Hey..." Naramdaman niya ang kaniyang kalasingan nang sandaling hawakan niya ito sa baywang. Nakita niya kung paano nito pakawalan ang mapang-akit na mga ngiti. "Parang mag-isa ka yata?" nakangiting tanong nito sa kaniya. Hindi na siya nagulat nang mas lalo nitong ilapit ang sarili sa katawan niya. "Honestly, brokenhearted ako sa ngayon," natatawang tugon niya dito. Pero ang katotohanan sa kaniyang mga mata ay hindi maitatago. Totoo ang kaniyang sinabi at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang ikinikilos niya. Tila kunwari ay nabigla ito sa sinabi niya na halata namang walang pakialam sa nararamdaman niya. "Oh... So sad. But don't worry, I'm here... Paliligayahin na lang kita." Hindi nga nagkamali si Gilbert. Ramdam niya ang pangangailangan nito. Pero hindi niya alam kung kaya niya iyong gawin gayung sobra siyang nasasaktan sa sitwasyon niya. "I'm sorry but I'm not in a mood," natatawang saad niya sa babae at saka niya inilayo ang sarili mula dito. Natigilan ito sa ginawa niya at nakita niya ang pagka-dismaya nito. Ang akala niya ay aalis na ito ngunit tila mas naging agresibo pa ito. Muli itong lumapit sa kaniya at sa pagkakataong iyon ay mas hinigpitan nito ang pagkaka-lingkis ng mga braso nito sa leeg niya. "I am Rebecca and you should be in mood." Kumindat ito at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "So... What's your name?" Halata dito ang paggamit ng mapang-akit na boses sa kaniya. Dahil sa ginagawa ng babae ay sunod-sunod ang kaniyang pag-iling. Sasagot pa lang siya nang biglang may kung sinong sumulpot at mahigpit na hinatak ang babae palayo sa kaniya. "Hi Rebecca, I'm Jacob Perez! I love your style, flirting with my boyfriend but I guess that's not enough." Narinig ni Gilbert kung paano ito magsalita. Napamaang siya dahil doon at tila may kung anong kagaspangan sa pag-uugali nitong hindi niya magustuhan. Bakit ba 'to nakikisali? tanong niya sa kaniyang isip. "And so?! Kaya siguro na-broken 'tong si lover boy dahil hinahanap ang totoong putahe?!" Dahil sa sinabi ng babae ay nakita ni Gilbert kung paano marindi si Jacob. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ng babae. "Kung gusto mo pang may malanding iba, umalis ka na bago ko pa tuluyang sirain ang mukha mong puno ng polbos!" Nakita ni Gilbert kung paano mataranta ang babae. Dahil sa sinabi ni Jacob ay halos takbuhin na ng babae ang bar palabas. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Jacob. Ni hindi nga niya kilala kung sino ito. Hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa. "And who are you? I don't even know you! Bakit mo ginawa 'yon? Marami akong iniintindi kaya 'wag ka nang dumagdag." Sinamaan niya ito ng tingin at saka ibinalik ang atensyon sa alak na iniinom. Kahit umalis na ang babae ay wala pa rin siyang pakialam dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. "Hindi rin naman kita kilala. Ginawa ko lang 'yon just because I like you to be with me tonight... Just this night." Kagaya ng babae kanina na kausap niya ay nag-iba rin ang tono ng pananalita nito. "Alam mo bang bisexual ako–" "I know," agad na sagot nito sa kaniya. "Then why are you flirting with me?" muling tanong niya dito. Nakita niya ang hindi mapaka-paniwalang ekspresyon ng mukha nito. "Isn't it obvious? I said I like you!" Nabuhay ang iritasyon ni Gilbert sa sandaling iyon. "Wala ako sa mood," mabilis na tugon dito sabay irap. "Let me turn you on... Or you can think someone you like to be on your bed..." Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Si Paris lang ang nasa isipan niya. Si Paris lang ang alam niyang mahal na mahal niya. Nahihilo na siya. Hawak ni Gilbert ang baso na may laman na alak habang titig na titig kay Jacob. Pakiramdam niya ay anumang oras ay matutumba na siya. Muli niyang tinitigan si Jacob at nakita niya ang taong laman ng kaniyang isip. Habang titig na titig siya kay Jacob ay hindi naman niya maiwasan na isipin si Paris kaya ganoon na lamang ang gulat nito nang biglang halikan ni Gilbert si Jacob. Nasa matinding emosyon at pagnanasa ang buong katawan ni Gilbert. **** Nagulat si Jacob nang halikan siya ng isang taong hindi naman niya kilala. Para sa kaniya ay normal na gawain na lamang niya iyon sa buhay dahil wala rin namang taong may gustong makasama siya sa pangmatagalang relasyon. Kanina lamang ay nakita niyang nilalandi ng isang babae itong lalaki na humahalik sa kaniya. Dahil natipuhan niya ang lalaki ay mabilis siyang kumilos para agawin ito mula sa babae. Malaking tanong sa kaniya kung totoo nga itong lalaki dahil malakas ang pakiramdam niya posibleng bisexual ito. Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang hinala nang ito na mismo ang umamin sa kaniya. "What's your name?" takang tanong niya dito habang habol ang hininga dahil sa matinding halikan nilang dalawa. "Gilbert... Gilbert Ramirez." Unang banggit pa lang nito sa pangalan ay may kung anong saya siyang naramdaman. Muli niya itong hinalikan. Kung lasing ito ay mas mabuting samantalahin na lamang niya ang pagkakataon na pareho silang wala sa katinuan. Tumatawa sila habang naglalakad palabas ng bar. Ang nararamdamang inis at galit ni Jacob ay tila bulang biglang naglaho. Hawak nito ang kaniyang katawan at malalagkit na mga titig ang kanilang ipinupukol sa isa't isa. "My place... Let's make love together!" Narinig niya ang sigaw nito habang humahalakhak. Alam ni Jacob na lasing na nga ito at kahit siya naapektuhan na rin sa alak na kaniyang nainom kanina. Para silang baliw dahil sa malalakas nilang tawa. Hindi naman maiwasan ng mga tao na magtaka at malito dahil sa ginagawa nila. "Exactly! I want that too!" pasigaw niyang sabi kay Gilbert. Napagdesiyunan ni Jacob na kunin ang susi mula kay Gilbert. Sa tantiya niya ay hindi na nito kakayanin na magmaneho pauwi sa bahay nito kaya siya na mismo ang nagmaneho para dito. Saglit niyang tiningnan ang laman ng wallet nito at nakita niya sa mga ID's nito ang kasalukuyang address nito. Dahil sa kagustuhan niyang magawa nila at ituloy ulit ang init na kanina ay naudlot, minadali niya ang sarili para makapag maneho. "Let's make love!" Napatawa si Jacob sa sigaw ni Gilbert kaya mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan para gawin nila iyon. **** "Kakasimula ko pa lang..." Hindi mapakali si Helen sa kaniyang inuupuan. Kasalukuyan niyang kausap si Sophia sa opisina nito. Ilang araw na rin ang nagdaan nang mapagdesisyunan niyang iwanan ang trabaho. "Hindi ko alam Helen, pero delikado ang gusto mong gawin. 'wag mo namang ilagay sa alanganin ang buhay mo kung gusto mong gumanti." Alam ni Helen na nag-aalala lamang ito para sa kaniya pero kahit na sino ay hinding-hindi siya mapipigilan. Maliban na lang kung babalik sa kaniya si Grecian. Ngayon na mas pinili nitong makasama si Paris ay lalo lamang nagbigay ng malaking dahilan kay Helen para mas lalo niyang pahirapan ang buhay ni Paris. "At paano mo naman nasabi na malalagay sa alanganin ang buhay ko kung maayos naman lahat ng pina-plano ko? Hindi alam ni Paris kung sino ang kinakalaban niya," napapangising sabi niya kay Sophia. Nakita ni Helen na napailing na lamang ito sa kaniyang sinabi. "Anong plano mo?" takang tanong nito. Alam niyang tatanungin iyon ni Sophia sa kaniya. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha bago muling magsalita. "Kailangan ko ng tulong mo..." Pagkatapos niya iyong sabihin ay saka niya ipinaliwanag ang lahat ng gagawin niya. Hindi lamang si Sophia ang makakatulong sa kaniya kundi isang tao na alam niyang ikabibigla ni Paris pag nagkataon. Natapos ang lahat ng kaniyang paliwanag kay Sophia at kita niya sa mukha ni Sophia ang kalituhan. "Hindi ko maintindihan, Helen. Bakit kailangan mo ng tulong ng iba? Paano kung magsalita siya at ipitin ka sa binabalak mo?" Napatawa naman siya sa sinabi nito. "Sa kagustuhan at kabaliwan niya na mapasa-kaniya si Paris, sigurado ako na gagawin niya ang lahat ng paraan para lang matupad ang kagustuhan niya..." Sinigurado ni Helen ang buong detalye na magagamit niya laban kay Paris. "Sigiraduhin mo lang na hindi ka sasablay sa mga balak mong 'to. Ayoko na mauwi ka na naman sa pag-iyak..." Nagtama ang kanilang paningin nang sabihin iyon ni Sophia sa kaniya. "'wag kang mag-alala... Hawak ko ang huling alas." Sa lahat nang gagawin ni Helen ay kampante siya na mangyayari ang lahat ng gusto niya. "Sisimulan ko na tawagan ang koneksyon ko sa Amerika. Ihanda mo na ang sarili mo, Helen dahil ngayong linggo ko aayusin ang lahat ng papeles at ang perang gagamitin mo..." Muli siyang napangiti sa sinabi ni Sophia. Batid ni Helen na hindi niya magagawa ang lahat ng kaniyang plano kung wala ang tulong nito. "Maraming salamat, Sophia. Alam kong hinding-hindi mo ako bibiguin." Dahil sa sianbi niya ay may kung anong pangamba at pag-aalangan sa mukha nito. "Ito na ang huling beses na tutulungan kita. Malaki ang naitulong mo para mahanap ang mga magulang ko pero sa tingin ko ay sobra na ito para mabayaran ko ang utang na loob ko sa 'yo..." Hindi nga nagkamali si Helen. Alam niyang babanggitin nito iyon. Totoo ang lahat ng sinabi ni Sophia. Si Helen ang naging dahilan kung bakit nakita nito ang totoong mga magulang. "Alam ko, Sophia. Salamat at hindi ka nakalimot sa utang na loob mo sa 'kin." Mabuti na lamang at umaayon ang lahat sa kaniya. Kung anuman ang aayusin ni Sophia ay nakahanda siya para sa tulong nito. "Basta sinasabi ko sa 'yo, labas ako sa mga plano mo," seryusong sabi nito. Tila nag init naman ang ulo ni Helen sa narinig mula kay Sophia. Ang akala niya ay kaibigan niya ito sa kahit na anong paraan niya gusto pero habang tumatagal ay mas lalo siyang naghihinala sa mga kilos nito. "Alam ko. Hindi kita idadamay kung sisiguraduhin mo ang lahat ng gusto kong mangyari. Kung hindi, sisiguraduhin kong hindi lang ako ang magdudusa." "Kung gano'n, malinaw ang lahat. Makakaasa ka, Helen. Makakaalis ka na." Kung ibang tao lang si Sophia ay matagal na niya itong pinatulan sa pagiging mapagmataas nito. Kailangan pa rin niya na i-kalma ang sarili. "'wag na wag kang magkakamali na gumawa ng anumang ikagagalit ko kung gusto mong matahimik ang buhay mo... Tandaan mo Sophia, kahit na gaano ka pa kayaman, maraming paraan para wasakin kita at ang pamilya mo." Ibinigay niya ang pinaka-matamis niyang ngiti na kaakibat ang isang matinding banta. Nakita niya ang takot sa mga mata nito nang sabihin niya iyon kaya alam niyang tutupad si Sophia sa usapan. Alam na alam ni Helen kung paano paikutin si Sophia. "Wala akong pagsasabihan at mananatiling lihim ang lahat ng 'to. Pero pagkatapos mong gawin ang plano, siguraduhin mong mawawala ka sa landas ko. Dahil kung hindi, hindi rin ako magdadalawang isip na gamitin ang lahat ng koneksyon ko para patahimikin ka." Nakita niya ang pag-iiba ng ekpresyon sa mukha nito. Kinabahan siya sa sinabi ni Sophia pero pinanatili niyang matatag ang sarili. "Bago mo pa sabihin 'yan, alam ko na ang lahat kaya magkakasundo tayo tungkol dito," kalmado niyang sabi dito. "Sige na. Tatawagan na lang kita pagkatapos kong asikasuhin ang lahat," tugon naman nito. Nagsimula siyang maglakad palabas sa opisina ni Sophia. Makapangyarihan ito kumpara sa ibang kaibigan niyang puro kasosyalan ang alam sa buhay. Pero kahit si Sophia ay hindi siya madadaig dahil alam nito kung anong kaya niyang gawin. Muli niyang naisip si Paris. Magsisimula na ang lahat Paris... **** Sa sobrang sakit ng ulo ni Gilbert ay literal na hirap siyang imulat ang kaniyang mga mata. Nasapo niya ang kaniyang noo dahil sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman. "You alright?" Biglang naagaw ang kaniyang atensyon nang may kung sino ang nagsalita. Agad niyang hinanap kung saan iyon nanggaling. Nakakapagtaka naman kung pa'no ako nakauwi... Hindi niya maiwasan na mapaisip. Pero ang mas ipinagtataka niya kung saan nanggaling ang boses na iyon. Inisip na lamang niyang guni-guni niya iyon. "Babe naman... Sa sobrang wild natin kagabi, nakalimutan mo na pala kung paano mo ako pagsawaan?" Sa pagkakataong iyon ay alam niyang hindi na guni-guni ang lahat nang narinig. Kusang tumama ang kaniyang mga mata nang mapagluhong may kung sino ang naka sandal sa gilid ng pintuan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at nagbabakasakaling namamalikmata lamang siya. "Nakakatawa ka naman pala, babe..." Narinig ni Gilbert kung paano ito magsalita. Pamilyar ang boses nito at sigurado siyang narinig niya iyon noong nagpunta siya sa bar. "Who are you?!" sigaw niya dito. Dahil sa pagka-taranta ay awtomatikong tumama ang kaniyang mga mata sa sariling katawan at doon niya napagtanto ang kaniyang kahubdan. "I'm Jacob, remember?! You're so delicious and... Big," nanunuksong saad nito. Ngayon ay mas lalong naghurumintado ang kaniyang sistema dahil sa sinabi at nakikita. "s**t! Did we..." nauutal na tanong niya kay Jacob habang hindi pa rin mapakali kung saan itutuon ang paningin. "Yes, we did... You cop*late me so hard..." Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Pinasadahan niya ito ng mga tingin at doon lang niya napagtanto na hubad itong nakaharap sa kaniya kaya agad siyang napaiwas ng tingin. "What the h*ll are you doing here?! Get the h*ll your body out of my room!" Imbes na sundin siya ni Jacob ay tila naging dahilan lamang iyon ng mahihinang tawa nito. Habang nasa ibang paningin si Gilbert ay naramdaman niya ang paglapit ni Jacob sa kaniya. "Hindi ko susundin 'yan kung kagabi nga halos wasakin mo ako... You were super alive last night, Gilbert... You turned into beast... Beast in lustfullness..." Hindi na mapakali si Gilbert sa sinabi nito sa kaniya. Nagawa siya nitong hawakan sa magkabila niyang pisngi at hindi alam kung bakit nawawalan siya ng lakas para pigilan si Jacob. Nagsimula itong halikan siya hanggang sa makita na lamang niya ang sariling tumutugon sa ginagawa ni Jacob. Unti-unting nahiga si Jacob habang nakapatong naman sa ibabaw nito si Gilbert. Ang lahat ng pagdududa at kahit ang awtoridad niya bilang isang disiplinadong tao ay biglang naglaho. "Let's do it again..." Kahali-halina ang boses nito para kay Gilbert na nadadala siya nito. Hindi niya alam kung bakit nagagawa niya ang gusto nitong gawin. Tumango siya sa sinabi nito at saka inilandas ang kaniyang mga braso hanggang sa umabot na nga iyon sa likod ni Jacob. **** "Aalis ka na?" tanong ni Jacob habang abala si Gilbert sa pagbibihis. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin kaya ikina-inis niya iyon. "Gilbert?!" "What?! Hindi ako aalis! Ikaw ang aalis. Kailangan mo nang umalis dito bago pa tayo maabutan nila Paris at Grecian." Biglang natigil ang kaniyang katawan dahil sa sinabi ni Gilbert. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nang mapansin siya ni Gilbert na tila pa ring kibo ay agad ulit itong nagsalita. "Jacob, you have to leave!" Nagitla siya sa sigaw nito at awtomatiko niyang hinablot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Mabilis niya iyong sinuot at saka inayos ang buhok sa harap ng salamin. "Bakit ako aalis? Bahay mo naman to 'di ba?" takang tanong niya dito pero mas lalo lang iyon naging dahilan ng inis ni Gilbert. "Bahay 'to ni Paris! Sigurado akong hindi sila nakauwi. Maswerte tayo at wala sila dito sa bahay." Dahil sa sinabi nito ay nagkaroon siya ng ideya. Kung ito nga ang bahay ni Paris, sigurado akong magagamit ko si Gilbert para mapalapit kay Grecian... Ito na ang chance ko! Nagulat na lamang si Jacob nang bigla siyang hatakin ni Gilbert palabas ng bahay. "Ano ba! Nasasaktan na ako ah!" reklamo niya dito pero tila wala itong pakialam sa nararamdaman niya. "Get in the car!" sigaw nito. "No! Dito lang ako!" tutol niya. "I said get in the CAAAAR!!!" Halos mabingi siya sa sigaw ni Gilbert kaya wala siyang nagawa kundi sundin ito. Inis siyang naupo sa loob ng kotse kasama ang lalaki na halos alam na niya ang kabuuan ng katawan. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan kay Paris!" reklamo niya dito. "He doesn't have time," agad na tugon nito. Pakiramdam niya ay may kung ano itong hinanakit na tinatago. Hinding-hindi niya makakalimutan ang gabing nakipag siping siya kay Gilbert. Hindi niya rin makakalimutan kung paano nito banggitin ang pangalan na minsan na ring naging dahilan ng kaniyang galit noong gabing may nangyayari sa kanilang dalawa. Inakala siguro nito na ako si Paris na nakikipag make love sa kaniya! Lahat na lang! "Well, I have time!" angal niya pero hindi na siya nito pinansin at saka mabilis na pinaandar ang kotse palayo bahay ni Paris. **** "Babe, 'di ba kotse ni Gilbert 'yon?" Napatingin si Paris kung saan nakatingin si Grecian nang sabihin nito iyon sa kaniya. "Oo nga... Ang aga naman niyang umalis," takang sabi niya kay Grecian kaya may pagtataka rin sa mukha nito nang lingunin siya nito at nagtanong. "May lakad ba kayo ngayon? Noong nakaraang lakad niyo ay wala na akong naging balita ah?" Hindi maiwasan ni Paris ang kabahan sa sinabi ni Grecian. "May inaasikaso lang kami ni Gilbert tungkol sa isang business partnership, babe... Nothing to worry about. Mamaya, i-te-text ko siya para sa lakad namin." Kailangan pa rin niya na itago mula kay Grecian ang totoong dahilan dahil hindi niya gusto na masangkot pa ito sa gulo. "I understand, babe... Basta mag-iingat ka ha? 'wag mo nang isipin ang mga bagay na alam mong masasaktan ka lang, okay?" Nakita ni Paris ang ngiti ni Grecian. Paano naman niya matatanggihan ang sinabi nito kung alam niyang ikabubuti nila iyon pareho. Mahal kita, Grecian... Hangga't kaya, mamahalin kita kasi 'yon ang totoong nararamdaman ko. Matamis na ngiti ang itinugon niya kay Grecian. "I love you..." Dahil sa sinabi niya ay saka ito masuyong tumugon. "I love you more..." Kung pwede lang niyang maibigay ang lahat para kay Grecian ay matagal na niyang ginawa. **** Kanina pa nagtataka si Gilbert kung bakit panakaw-nakaw ng tingin sa kaniya si Paris. Hindi niya alam kung may gusto itong sabihin. "Kanina ka pa hindi mapakali diyan, ah?" Nabigla siya sa tanong ni Paris. Kasalukuyan siyang nagmamaneho. Kanina ay pinuntahan nila ang pulisya para kunin ang eksaktong address ni mang Tonio. "Ako? Aah, hindi naman... May iniisip lang," pahdadahilan niya. Gano'n na ba kahalata ang mga kinikilos ko? Hindi mapigilan ni Gilbert na tanungin ang sarili. "Kung may problema ka, 'wag kang mag-aalangan na magsabi sa 'kin." Nakita niya na ngumiti si Paris kaya ngumiti rin siya dito. "Mas importante ang lakad natin ngayon," sabi niya dito habang pinapanatili ang sariling kalmado. "Tama ka," sagot naman ni Paris. Mabuti na lamang at hindi na ito nagtanong ng kung anu-ano sa kaniya dahil hindi na rin niya alam ang pwedeng isagot sa mga katanungan nito. Itinuon niya ang kaniyang atensyon sa pagmamaneho. Pero habang palayo sila ay hindi niya maiwasan na maalala ang nangyari sa kanila ni Jacob. Tila nararamdaman pa rin ng kaniyang labi ang mga halik ni Jacob sa kaniya. Ibinaling ni Gilbert ang kaniyang pag-iisip sa ibang bagay at doon niya biglang naisip ang kaso sa mga magulang ni Paris. Habang maaga ay dapat na malaman nila ang buong katotohanan dahil pakiramdam ni Gilbert ay malalagay sa alanganin ang buhay ni Paris. Saglit siyang napalingon dito. Kitang-kita niya kung paano ito humikab at antukin. Siguro ay napagod ito na kasama si Grecian. Kung pwede ko lang turuan ang puso mo, Paris... Matagal ko na 'yang inutusan na sana ako na lang ang mahalin mo... Hindi mapalagay si Gilbert sa pagmamaneho dahil sa mga iniisip kaya lakas loob siyang nagtanong kay Paris. "Kayo ba?" tanong niya. Nakita niya kung paano matigilan si Paris dahil sa sinabi niya. "A-anong ibig mong sabihin–" "Tinatanong ko kung kayo ba ni Grecian?" Sa pagkakataong iyon ay tila may kung anong kirot sa kaniyang puso nang tanungin niya iyon kay Paris. Saglit pa itong natahimik at ilang paghinga ang ginawa bago magsalita. "Mahal ko siya, Gilbert... Paano ko tatanggihan si Grecian kung gano'n din ang nararamdaman niya para sa 'kin?" Naging malumanay ang boses nito habang sinasabi ang lahat sa kaniya. Sa pangalawang pagkakataon ay muli na namang kumirot ang kaniyang puso. "Pinatulan mo ang ex-boyfriend ni Helen?" Dahil sa magka-halong nararamdaman ay bigla niya iyong nasabi kay Paris. Tila naguluhan at nasaktan ito sa sinabi niya. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko, Gilbert–" "Eh, ako? Alam mo ba ang nararamdaman ko?" Pagka-tapos niyang sabihin iyon ay mabilis niyang itinigil sa tabi ng kalsada ang kotse. "Sinabi ko na sa 'yo kung ano ka para sa 'kin, Gilbert 'di ba? Hindi pa rin ba malinaw sa 'yo na mahal kita pero bilang kaibigan lang..." Naramdaman niya ang unti-unting pagluha nito. Nasasaktan na niya ito ngunit higit na nasasaktan siya dahil sa katotohanang hindi niya kayang tanggapin. "Why can't you just love me?" angal niya dito na sinundan na rin niya ng pagiging emosyonal. "Gilbert, nasa sa 'yo na ang lahat ng gusto ng isang tao pero hindi ko naman pwede na pilitin 'tong puso sa gusto mong mangyari... Siya lang talaga nandito–" Tuluyan na nga itong umiyak at nasasaktan na rin siya habang nakikita itong nahihirapan sa sitwasyon. "f**k that Grecian! Matagal kitang hinintay, Paris..." "Alam ko naman 'yon... Pero sigurado ako na hindi lang ako ang makikilala mo... Maraming ibang tao diyan na mas karapatdapat para sa 'yo." Nasasaktan siya sa sinasabi nito sa kaniya. "Kung pwede ko lang turuan 'tong puso ko na kalimutan at sabihin na iba na lang ang mahalin ko ay matagal ko nang ginawa. Pero Paris, ikaw ang laman nito. Mahirap kalimutan ang isang tao na alam kong simula't sapul, laman na ng puso't isip ko..." Dahil sa sinabi niya ay muli niyang nasaksihan ang pagtulo ng mga luha nito. "Ganiyan din ako kay Grecian noon. Pilit kong sinasabi na dapat iba na lang... Dapat ikaw na lang Gilbert kasi mabuti ka pa, mahal na mahal mo ako... Samantalang ang hirap makasama ang kaibigan ko na alam kong kasama ang lihim na minamahal ko," madamdaming paliwanag nito sa kaniya. "Sana noon pa lang habang hindi pa kayo, binigyan mo sana ako ng pagkakataon na mahalin ka... Na maging tayo rin–" sagot niya dito pero mabilis siya nitong napatigil. "Kung ginawa ko 'yon, sobrang naging maka-sarili ako no'n, Gilbert. Ang katulad mo ay hindi sinasamantala ang pagiging mabait at masaya ako kasi hindi ko 'yon nagawa sa 'yo... Minahal pa rin kita bilang kaibigan ko..." "Naiintindihan na kita, Paris... Pero sana ipangako mong magiging masaya ka kay Grecian dahil kapag nalaman kong pinaiyak ka niya, sisiguraduhin ko na wala na siyang babalikan sa 'yo..." Para kay Gilbert, maraming pagkakataon para mahalin niya si Paris pero kapag nagkataon na saktan ito ni Grecian, nakahanda siyang sumalo at mahalin ito ulit. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ang tulong mo, Gilbert. Marami kang naitulong sa 'kin... Maraming salamat dahil nandiyan ka palagi para sa 'kin," madamdaming paliwanag nito sa kaniya. "Hindi mo kailangan na magpa-salamat, Paris. Tinutulungan kita kasi mahalaga ka sa 'kin. Tinulungan mo rin naman ako na maging mabuting tao, 'di ba? Tinuruan mo ako kung paano ko makikita ang sarili kong halaga... Kaya ako dapat ang magpa-salamat sa 'yo." Pagkatapos niya iyong sabihin ay saka siya mabilis na kumilos para yakapin ito ng mahigpit. Habang magkayakap ay hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Gilbert ang sinabi ni Paris. "Darating din diya, Gilbert... Darating din siya para sa 'yo. At sigurado ako na mamahalin mo siya higit pa sa pagmamahal na binibigay mo sa 'kin. Nandito lang ako lagi para sa 'yo." Kahit na ramdam niya ang lungkot ay pinili niyang paniwalaan ang sinabi ni Paris. Mas lalong humigpit ang yakap niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD