CHAPTER THIRTY SEVEN *BHL: Fight*

2008 Words
Maagang nagising si Grecian dahil kailangan niyang basahin ang ilan sa mga gagawin niyang proyekto. Lumabas siya ng kwarto at agad na dumiretso sa kusina para mag timpla ng kape. Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang tasa nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Gilbert. Masama ang tingin nito sa kaniya. Alam ni Grecian kung bakit ganoon ang mga tingin ni Gilbert. Kahit na anong mangyari ay hihintayin niyang si Paris na mismo ang magsabi dito kung anong mayroon silang dalawa. "Gusto ko sanang makausap ka," panimula nito. Nilagpasan niya ito at saka sinagot ang sinabi nito. "Sige," walang kagana-gana niyang tugon dito. Naramdaman niyang sumunod ito sa kaniya kaya agad niyang tinungo ang salas at saka naupo. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo na layuan mo si Paris kung sasaktan mo lang din siya." Hindi maintindihan ni Grecian kung totoo nga ba ito sa sinasabi nito o gumagawa lamang ito ng usapan para lang layuan niya si Paris. "Alam kong alam mo na gusto ko si Paris. Noong unang nakilala kita, alam ko rin na hindi na maganda ang pakiramdam mo sa 'kin dahil alam kong gano'n din ako sa 'yo." Naging kaswal siya sa kaniyang sinabi at bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay tila nasa punto. Nakita niyang napaiwas ito ng tingin. "Maraming bagay kang hindi alam, Grecian. Maraming bagay rin ang naging dahilan ng pagdurusa ni Paris. Ayoko na madagdagan ang problema niya lalo pa't ngayon nakita ko kung gaano ka kahalaga para sa kaniya. Sana lang ay pahalagahan mo siya." Doon lang nakita ni Grecian kung paano maging seryuso si Gilbert sa mga sinabi nito. "Alam ko... Maraming salamat. Kung ano man ang pinagdaanan ni Paris, nakahanda ako para tanggapin 'yon. Sa ngayon, para sa 'kin, mahalaga si Paris." Pinalagay ni Grecian ang sarili. Nakikinig lamang si Gilbert habang nagpapaliwanag siya. Ang akala niya ay may sasabihin pa ito pero agad itong tumango sa kaniyang sinabi at saka marahan na nagsalita. "Sige." Hindi na nito hinintay ang kaniyang sasabihin at agad na gumawa ng mga hakbang palayo. Hindi naman niya maiwasan ang isipin ang lahat ng sinabi nito. Napagdesisyunan ni Grecian na puntahan si Paris sa kwarto nito. Marahan niyang binuksan ang pinto at saka dahan-dahan na naglakad palapit. Nakita niya na mahimbing itong natutulog. Nagsimula siyang titigan ang kabuuan nito. Ang maamo nitong mukha, ang mapula nitong mga labi na sadyang nagbibigay sa kaniya ng matinding pagnanasa. Kung ikukumpara niya si Paris sa mga babaeng nagdaan sa kaniyang buhay ay masasabi niyang, ngayon pa lamang siya nagkaroon ng kasintahan na taglay ang pagiging inosente. Paano niya magagawang saktan ang tulad ni Paris na ngayon pa lamang na naiisip niyang masaktan ito ay parang hindi niya kayang gawin? Si Paris ang dahilan kung bakit nakilala niya ang kaniyang sarili ng lubusan. "Mahal kita, Paris... Mahal na mahal..." Tumabi siya kay Paris. Mula sa likod nito ay nagsimula siyang ilandas ang kaniyang mga braso palibot sa katawan ni Paris. Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa likod ng leeg nito at saka malayang inamoy ang natural nitong amoy. Pinapakiramdaman niya ang pagtibok ng puso ni Paris. Nabigla siya nang bahagya itong gumalaw at nagbigay sa kaniya nang nagtatakang mga mata. Naalimpungatan ito dahil sa kaniyang ginawa. "G-grecian? Anong ginagawa mo dito? Baka pumasok si Gilbert–" Gamit ang hintuturo ni Grecian ay mabilis niyang inilapat iyon sa gitnang bahagi ng labi ni Paris. "Shhh... Pumunta ako dito kasi hindi ko matiis na hindi ka makita. Gusto lang kitang yakapin," nakangiti niyang paliwanag dito. Unti-unti niyang nakita ang pagngiti nito. "Ang bilis mo namang maka-miss." Naramdaman ni Grecian ang pagtugon sa yakap nito. Masuyong niyang hinaplos ang kabilang pisngi ni Paris at saka ito tinitigan. Ang mapang-akit na mga mata ni Paris, kailanman ay hinding-hindi niya pagsasawaan. "Naisip ko lang, pa'no kaya kung pumunta na lang tayo sa ibang bansa? Doon na lang tayo tumira? Ngayon ko lang kasi naisip na nasa tamang edad na tayo para–" Marami pa sana siyang sasabihin pero kaagad siyang napigil ni Paris. "G-grecian masyado pang maaga para bumukod tayo." Saglit lamang itong napatingin sa kaniya pero agad din namang nag-iwas ng tingin. Biglang pumasok sa isipan niya na baka iniisip pa rin nito ang tungkol kay Helen. Kahit na ano pa ang sabihin nito ay hinding-hindi na magbabago ang kaniyang nararamdaman. "Kung tungkol ito kay Helen–" "Hindi ito tungkol kay Helen," pigil nito sa kaniya. "Then what is it?" agad niyang tanong dito. "Marami pa akong bagay na dapat tapusin. Kailangan ko 'yong harapin bago ako sumama sa 'yo... Grecian, sinisiguro ko sa 'yo na pagkatapos kong tapusin 'yon, sasama ako sa 'yo kahit saan mo pa gusto." Doon lang niya nakita kung gaano ka-seryuso si Paris sa mga sinabi nito. Muli itong tumitig sa kaniya na tila sinisiguro nito ang mga sinabi. Pero nagtataka kung ano ang sinasabi nitong tatapusin. "Kung gano'n, gusto kong tulungan ka para tapusin kung ano ang dapat mong tatapusin." Wala siyang ibang hangad kundi ang matulungan si Paris at ang maramdaman nito na kahit na anong mangyari ay naroon pa rin siya para alalayan ito. "Problema ko 'to, Grecian." "Parte ako sa 'yo, kaya problema mo, problema ko," mariin niyang saad dito ngunit parang hindi pa rin ito kumbinsido sa kaniyang sinabi. "May mga bagay na kailangan ako mismo ang mag-ayos, Grecian..." May kung anong lungkot at pag-aalala sa mukha nito. Kung ano man ang iniisip ni Paris ay gagawa siya ng paraan para matulungan ito sa problema. Malalaman at malalaman pa rin niya iyon. Masyado nang lumalalim ang gabi at alam niyang anumang oras ay baka lumabas si Gilbert para tingnan si Paris. Hindi na rin siya makapaghintay na sabihin at ipa-mukha kay Gilbert kung anong namamagitan sa kanila ni Paris. Sa ngayon ay wala pa siya sa lugar para pangunahan si Paris. Inaalala pa rin niya ang kaligtasan nito. "Pumapayag ako sa gusto mo, babe... Pero sana iingatan mo ang sarili mo. Marami pa tayong dapat gawin na magkasama." Pinanatili niya ang paghaplos sa malambot na pisngi ni Paris. "Thank you for understanding." Naging mapungay ang mga mata nito na siya namang hinangaan niya. Muntik na niyang makalimutan na may lumabas na abiso sa kaniyang cellphone. Inilagay niya doon ang petsa kung kailan ang binyag ng anak ni mang Kulas. Mabuti na lamang at mayroon siyang numero ni mang Kulas kaya madali niya itong matatawagan kung sakali. "Babe, may pupuntahan tayo bukas," naka-ngiti niyang saad dito. Nakita niya ang pagka-lito sa mukha nito. Hindi na rin niya namalayan na sobrang lapit na pala ng kanilang mga katawan. "Saan tayo pupunta?" takang tanong nito. Ngumiti siya bago sumagot. "Basta... Bukas na lang." Bahagya niyang pinisil ang dulo ng ilong nito. Narinig naman niya ang mahina nitong pagtawa kaya sinundan niya rin iyon ng tawa. "Sige sige," tumatango nitong sagot. Sa ngayon ay kailangan niyang pigilan ang nararamdaman at ituon ang sarili sa ibang gawain. Hangga't maaari ay kailangan niyang umiwas sa anumang bagay na makakabuhay sa kaniyang makamundong pagnanasa kay Paris, lalo pa at kasama nila si Gilbert. "I have to go, baka ano pa magawa ko." Sinundan ni Grecian ng malulutong na hagikhik ang kaniyang mga sinabi kaya natawa na lang din si Paris. "Wala ka bang balak na umuwi sa inyo? Magdadalawang araw ka na 'ata rito," natatawang sabi nito kaya kunwari ay sinamaan niya ito ng tingin. "Aah... You don't want me to be with you?" Hinaluan ni Grecian ng pagtatampo ang kaniyang boses kahit na alam niyang nagbibiro lang din naman sa kaniya si Paris. "That's not what I want to say," depensa nito. "Then what?" Gusto niyang may sabihin itong ika-tataba ng kaniyang puso. Mas gusto niyang marining kung gaano siya nito kamahal. "'andito si Gilbert, 'di ba??" Pinandilatan siya nito kaya natawa siya. Kung wala lang talaga sa loob ng bahay si Gilbert ay sigurado si Grecian na may susundan na naman ang nagawa nila ni Paris sa loob ng kotse. "Oo na." Hindi niya maiwasan na ngumiti dito. "I love you," mahinang sabi nito sa kaniya. Dahil doon ay mas lalong lumapad ang kaniyang ngiti. "I love you more..." Sinadya niyang ibulong sa tainga ni Paris ang kaniyang pagtugon dito. "Labas na." Tila nag-iba ang ekspresyon nito at biglang natawa. "Kiss?" takang tanong niya dito sabay kindat kaya mas lalo itong natawa. "Kung ikiskis ko mukha mo diyan sa pinto?" Hindi niya maiwasan ang mapatawa dahil sa pamimilosopo nito. "Isa lang naman!" angal niya dito. "Babe, hindi pa ba sapat na pinagod mo ako sa kotse mo??" Kung sila lang dalawa sa bahay ay kanina pa siya humagalpak sa tawa. Naalala na naman niya ang ginawa nila ni Paris. "Sige na, aalis na ako..." Kunwari ay nagtampo na naman siya. Akmang tatalikod pa lang siya nang pa-simpleng hatakin ni Paris ang kamay ni Grecian. Nagulat si Grecian sa ginawa nito at nakita na lamang niya ang sarili na hinahalikan ni Paris. Muli na naman niyang naramdaman ang malambot nitong labi. Pakiramdam niya ay palagi na lang niya iyon hinahanap. Pagkatapos na pagkatapos siyang halikan ni Paris ay nagulat siya nang bigla siya nitong itulak palabas ng kwarto. Hindi niya alam kung sinadya ba nito na bitinin siya o gusto lamang nitong may kakaiba siya maramdaman bukod sa halik na ginawa nito. Napagdesisyunan ni Grecian na pumasok sa kaniyang sariling kwarto para ipahinga ang sarili. Walang katumbas na saya ang kaniyang nararamdaman dahila alam niyang masaya siya na kasama ang taong mahal niya, iyon ay si Paris. **** "Basta ang gawin mo, palagi mong sundan ha?" Ilang ulit nang sinabi ni Helen sa kausap sa oaniyang cellphone ang kaniyang utos. "Areglado ho, ma'am!" Narinig ni Helen ang pagsagot nito sa kaniyang sinabi. Mabilis niyang binaba ang tawag at saka humugot ng isang pirasong sigarilyo. Mabilis niya iyong nasindihan at saka humithit. Habang tumatagal ay mas lalong nabubuo ang kaniyang plano. Ang lahat ng oras na kaniyang ginugol ay alam niyang hindi masasayang. Gagawin pa rin niya ang lahat para lang maibalik si Grecian sa kaniyang buhay. Aminado siyang ilang beses na siyang nagkamali at naging dahilan iyon para magalit sa kaniya si Grecian. Sa tingin niya ay nadala lamang siya ng tukso kaya niya nagawa iyon. "Malapit na," napapa-ngisi niyang sabi habang hindi pa rin tumitigil sa paghithit ng sigarilyo. Patuloy niyang iniisip ang pagkakaibigan nila ni Paris ngunit habang iniisip niya iyon ay natatawa na lamang siya. Maraming posibilidad na maaaring hindi magtagal ang kanilang pagkakaibigan ni Paris. May mga pagkakataon na aminado siyang nagagamit niya ang tulong nito kapag natatapos na siya sa pakikipag-inuman. Ngunit higit pa roon ay alam niyang hindi niya dapat pagkatiwalaan ang kagaya ni Paris. Muli siyang binigyan ng dahilan para magkaroon ng sama ng loob kay Paris at sisiguraduhin niya na hindi lang masisira ang buhay nito, pati na rin ng mga taong malalapit dito. Dahil sa matinding pag-iisip ay halos manggigil na siya sa paghithit ng sigarilyo. "Ihanda mo ang sarili mo, Paris." Naging marahas ang mga kamay ni Helen at saka binuhay ang makina ng kotse. Ilang saglit lamang at umaandar na ang sasakyan. Bawat paglagpas niya sa mga sasakyan ay may kung anong sakit siyang iniinda, kasabay ng kaniyang mga luha. Narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakita niyang may isang mensahe galing kay Sophia mabilis niya iyong binuksan habang nagmamaneho. I have an update. Let's meet tomorrow. Nakaramdam siya ng tuwa nang mabasa iyon. Sa palagay niya ay umaayon na ang lahat sa kaniyang plano. Kaunting tiis na lamang ay magagawa na rin niya ang dapat na kalagyan ni Paris. Hindi magtatagal at magkakaroon na rin siya ng magandang hakbang kung paano mawawala sa kaniyang landas si Paris. Sige, pupunta ako. Mabilis niyang naipadala ang kaniyang sagot sa mensahe ni Sophia. Sa ngayon ay kailangan na lamang niyang makipag-areglo sa ini-rekomenda ni Sophia. Kung iyon lang ang paraan, hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD