CHAPTER THIRTY FIVE *BHL: Investigation*

2143 Words
"Hindi naman sa nakikialam ako Helen, pero bakit mo ginawa 'yon?" Narinig ni Helen ang tanong ng kaniyang kaibigan na si Sophia. Alam na niya kung anong tinutukoy nito. "What? I just want to scare them!" angal niya dito. Kung tutuusin ay hindi lamang iyon ang kayang gawin ni Helen kay Paris. Natatawa siya kung anong magiging reaksyon nito kapag makita ang kaniyang surpresa na inilagay niya sa bahay nito. "Nakakadiri!" Sinamaan niya ng tingin si Sophia nang isigaw nito iyon sa kaniya. "Tumahimik ka na lang!" Dahil sa pagbulyaw niya dito ay agad itong tumahimik. Mula sa pagkakaupo ay dahan-dahan siyang tumayo at saka nakangising pinaplano ang susunod na gagawin niya laban kay Paris. Kung inaakala nito na titigil na siya sa panggugulo, hinding-hindi niya hahayaan na lumigaya si Paris. Sisiguraduhin niyang mababawi niya si Grecian. "Anong plano mo?" takang tanong ni Sophia. Binalingan niya ito ng tingin habang nag-iisip kung ano nga ba ang susunod na plano niya. "It's a surprise..." Isang mala-demonyong ngiti ang ginawa niya nang sagutin niya si Sophia. Hindi naman maiwasan ni Sophia na kabahan sa gagawin ni Helen. "If you need help, I'm just here..." Akmang yayakapin siya nito ngunit mabilis na umiwas si Helen. Nagtaka siya sa inasal nito at kalaunan ay hinayaan na lang din niya. "You can go, Sophia. Tatawagan na lang kita pag naayos ko na ang susunod na plano natin." Hinayaan ni Helen na lamunin ng pagtataka si Sophia. Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito at naglakad na siya pabalik sa kaniyang kwarto. Naiwang mag-isa sa salas si Sophia. Hindi nagtagal at umalis na rin ito sa bahay ni Helen. Kung tutuusin ay malaki na ang naitulong nito kay Helen ngunit para kay Sophia ay hindi pa rin sapat ang mga iyon para masabi nitong malaki na ang naitulong nito kay Helen. **** "Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?" Kanina pa iyon itinatanong sa kaniya ni Grecian pero maski ito ay parang hindi nahahalatang paulit-ulit na ang tanong. Natawa siya bago magsalita. "Kanina mo pa 'yan tinatanong, babe... I'll be alright. Kaya ko ang sarili ko, kasama ko naman si Gilbert," paliwanag niya dito. Dahil sa huling salita niya ay mas lalong kumunot ang noo nito. Alam na niya kung anong mangyayari. Sigurado siyang magagalit ito dahil sa makakasama niya si Gilbert. Para kay Paris ay wala naman itong dapat na ipag-alala dahil alam niyang ligtas siya sa kapag si Gilbert na ang kasama niya. Kaibigan niya ito at pinagkakatiwalaan niya rin ito. "Hindi ba pwedeng ako na lang ang sumama sa 'yo?" May halong galit sa boses nito pero hindi niya iyon pinansin at saka nagpatuloy sa pagpapaliwanag. "Babe, kaibigan ko rin naman si Gilbert at ngayon lang naman kami magkakasama... Sana pagbigyan mo ako kasi sa sobrang layo ng byinahe niyan, alam kong ako naman talaga ang sadya niya. Alam kong may tiwala ka sa 'kin kaya 'wag ka nang mag-alala..." Habang nagpapaliwanag ay unti-unti niyang nakikita ang pagngiti nito sa kaniya. "Fine... Basta, mag-iingat ka babe." Agad itong yumakap sa kaniya. Ginantihan niya ito ng isang mahigpit na yakap at nagulat siya nang bigla itong gumalaw at panakaw siya nitong hinalikan sa kaniyang bibig. Mabuti na lamang at nasa loob sila ng kaniyang kwarto. "Umaabuso ka na." Kunwari ay pinaningkitan niya ito ng tingin ngunit isang ngiti at kagalakan lamang ang kaniyang nakita mula dito. "I just... I just love you, babe..." Nakatitig si Grecian habang hindi naman mapigilan ni Paris ang kaniyang nararamdaman. Alam niyang mahal siya ni Grecian dahil napatunayan na nito iyon sa mga nagdaang araw. Hinaplos niya ang mukha nito at saka hinagkan. "Mahal din kita, Grecian..." Nang sandaling magkalayo ang kanilang mga labi ay saka ito ngumiti sa kaniya. "Kailangan mo nang pumunta do'n," pahayag nito. Natawa naman siya sa pagpipigil nito kaya agad siyang tumayo para ayusin ang sarili sa harap ng salamin. Natapos naman iyon agad kaya sabay silang lumabas ng kwarto. Nadatnan nilang nasa salas si Gilbert at maayos na rin ang suot nito. Kanina pa siya nito hinihintay. "Let's go?" nakangiting tanong nito sa kaniya. "Mag-iingat kayo," seyusong saad ni Grecian. Tiningnan ni Paris ang mukha ni Grecian at nakita niya kung paano nito pasadahan ng mga nakamamatay na titig si Gilbert. Masuyo niya itong hinawakan sa kamay kaya nabaling ang atensyon nito sa kaniya. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Gilbert. "Mag-iingat kami..." mahinang tugon ni Paris. Lumapit sa kanila si Gilbert at saka siya inanyayahan na umalis. Tumango naman siya sa sinabi nito at agad din silang lumabas ng bahay at tinungo ang sasakyan ni Gilbert. Nakita niyang nakasandal sa pintuan si Grecian at seryusong nakatingin sa kanila. Ngumiti siya dito at palihim itong binigyan ng halik sa hangin kaya napalitan ng ngiti ang nalulukot nitong mukha. Kinawayan niya ito at agad din niyang nakita ang pagtugon nito. "Get in." Napalingon siya nang sabihin iyon ni Gilbert. Ngumit siya bago tumango at pumasok sa loobng kotse. **** "Hintayin na lang natin ang pagdating ng taong gustong kumausap sa 'yo," pahayag ng pulis na kausap ni Paris. Sa palagay rin niya ay ito rin ang nakausap niya sa cellphone. Nagsimula siyang kabahan habang naghihintay. Kasama niya si Gilbert at kasalukuyan itong nasa kaniyang tabi at nakikinig lamang. "Sige po," tugon naman niya. Nilingon niya si Gilbert na nasa tabi niya at parang malalim ang iniisip nito kaya tinanong niya ito. "Ayos ka lang bert?" Dahil sa pagtatanong niya ay tila napukaw niya ang malalim na iniisip nito. "Ah, yeah... Ayos lang naman ako..." tugon nito. "Parang may problema ka 'ata." Hindi niya maiwasan na mapaisip. Pumorma ito ng maayos at saka ito nagdesisyun na sagutin ang kaniyang sinabi. "It's just that, I want to talk about you and me?" Naramdaman ni Paris na parang hindi ito sigurado sa sinabi. Alam niya kung anong tinutukoy ni Gilbert. Kung pwede lang na utusan ang kaniyang nararamdaman ay matagal na siyang sumama at nagpaka-ligaya kay Gilbert subalit hindi niya magagawa iyon dahil alam niyang si Grecian lang ang laman ng puso niya. "Hindi ko alam kung tama bang pag-usapan natin 'yan... Kailangan kong asikasuhin ang kasong 'to..." Umiwas siya ng tingin mula kay Gilbert. May tamang panahon para pag-usapan nila ang ganoong bagay at kapag dumating ang oras na iyon ay hindi na niya ililihim dito na si Grecian ang gusto niya. Kailangan niya pag-isipan ang lahat dahil hindi madali para kay Paris ang sitwasyon niya. Hindi niya gusto na sumama ang loob ni Gilbert. May tamang oras para sabihin dito ang namamagitan sa kanila ni Grecian. "Heto na pala siya." Pagkatapos iyon sabihin ng pulis ay saka nila sinundan kung saan ito itinigil ang paningin. Isang matandang lalaki ang pumasok sa opisina ng pulisya. Nakatingin ito sa kaniya at halos hindi na rin niya maialis ang kaniyang paningin dito. Gustong-gusto niyang malaman kung ano ang kinalaman nito sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Kung totoo man ang sasabihin nito ay nakahanda siyang buksan ulit ang kaso at hagilapin ang totoong hustisyang nararapat para sa kaniyang mga magulang. Napaka-bata pa niya noon at wala siyang kamuwang-muwang kaya naniwala siya na ganoon nga ang nangyari. "Umupo kayo," saad ng pulis. Sinunod naman nila iyon kasabay ng lalaki na ngayon ay nasa tapat niya. Hindi na rin napigilan ni Paris ang sarili na magtanong dito. "Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng mga magulang ko?" Naging seryuso ang mukha niya habang hindi niya pinapakawalan ang tingin dito. Maigi niyang minimemorya ang mukha nito. Agad namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng matandang lalaki. Mula sa pagiging blangko ay parang may kung ano itong dinidibdib. "Matagal ko nang inilihim ito... Ang akala ko ay hindi na ako uusigin ng aking konsensiya pero sa bawat gabi, bawat araw na magdaan ay palagi ko iyong naiisip. Patuloy akong inuusig ng aking konsensiya... Alam kong may dapat akong gawin. Dapat kong sabihin ang aking nalalaman..." Naging emosyonal na ang matanda at ikinabigla naman ni Paris ang biglang paghawak ng kamay nito sa magkabila niyang balikat kaya naalarma si Gilbert para tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak nito kay Paris. Nagitla si Paris sa nangyari ngunit mas natuon ang kaniyang atensyon sa mga sinabi nito sa kaniya. "Kailangan kong malaman ang totoo..." May halong pagmamakaawa sa boses ni Paris. Nagsimula na siyang kabahan sa mga susunod ma sasabihin ng matanda. "Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang mangyari ang aksidenteng iyon," panimula nito at saka ito yumuko. Ramdam ni Paris ang pagiging emosyonal ng matanda habang kinakausap siya. Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita. "Nang gabing masunog ang bahay ng aking kapatid na babae, kasabay ng asawa nito, ay parang nawalan na rin ng saysay ang aking buhay. Pinili kong hindi mag-asawa dahil gusto kong bantayan ang aking kapatid na babae. May sakit siyang cancer at hindi iyon alam ng asawa niya... Malapit lang ang bahay ko sa bahay ng kapatid ko kaya noong gabing masunog ang bahay nila ay kasabay rin na nasunog ang mag asawa. Alam kong sinadya iyong sunugin dahil nakita ko ang isang lalaki sa labas ng bahay... Pagkatapos na mawala ng apoy ay agad siyang pumasok sa loob para kunin ang dalawang bangkay ng mag-asawa... Gusto kong lumabas para puntahan ang kapatid ko pero natakot ako kasi nakita ko siyang may hawak na baril..." Habang nagkwe-kwento ito ay saka sumunod ang marahan na paghikbi nito. Ngunit isang tanong ang makikita sa mukha ni Paris. "Anong kinalaman nito sa pagkamatay ng mga magulang ko?" Nagsimula na siyang maguluhan sa sinasabi nito pero hinayaan niyang magpatuloy ito sa pagkwe-kwento. "Dahil wala akong laban, hinintay ko ang pagkakataon para sundan ang lalaki. Nakita kong isinakay niya sa kariton ang dalawang bangkay at saka niya iyon dinala papunta sa daanan ng sasakyan. Doon ko nakita ang umuusok at halos wasak na kotse. Sa palagay ko ay kakatapos pa lang iyong sumabog. Nagtago ako sa likod ng mga puno. Madaling araw na at kitang-kita ko kung paano niya hambalusin ng tubo ang dalawang tao na nakapiring ang mata. Sa hitsura pa lang ay nagmamakaawa na ang mga ito sa taong sumunog ng bahay ng kapatid ko..." Tumigil sa pagkwekwento ang matandang lalaki dahil hindi nito kinakaya ang alaala. "Ano po ang nangyari?" Napatingin si Paris at Gilbert sa pulis na nagtanong. "Ilang minuto ang hinintay ng lalaki at dumating ang isang puting van. Kinaladkad niya ang babae at ang lalaki papasok sa van na 'yon. Walang magawa ang dalawa para labanan ang lalaki dahil may mga kasama itong armadong grupo. Bago umalis ang van, siniguro ng lalaki na maayos ang pagkakalagay ng bangkay ng aking kapatid at ng asawa nito doon sa sumabog na kotse. Kinuha ng lalaki ang damit ng dalawang tao na isinakay nila sa van. Kabilang ang mga relos at alahas ng mga ito. Isinuot nito iyon sa dalawang bangkay... Narinig ko siyang tumawa. Bago tuluyang umalis ang sasakyan ay muli nilang pinasabog ang kotse..." Tuluyan nang lumuha ang matanda habang isinasalaysay nito ang mga nasaksihan. "Ang pagsabog... Ang aksidenteng 'yon ay nangyari rin sa mga magulang ko..." Napamaang si Paris sa kaniyang sinabi hanggang sa mapahawak na siya sa kaniyang bibig. Hindi siya makapaniwala at unti-unti nang nabubuo ang mga bagay na hindi niya nalaman noon. "Sinasabi niyo ho ba na ang kotseng sinasakyan ng mga magulang ni Paris Zamora ay ang kotseng nakita mong sumabog?" nagtatakang tanong ng pulis. "Oho..." Sunod-sunod ang pagtango nito. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito pero patuloy na lumalakas ang kaniyang kaba habang isinasalaysay nito iyon sa kaniya. "Paano niyo po nasabi 'yon?" Ang pulis ulit ang nagtanong. Dahan-dahan itong tumingin sa kaniya at nakita niya kung gaano ito ka-emosyonal. Unti-unting gumalaw ang kabilang kamay nito at may kung anong bagay ang kinakapa mula sa bulsa hanggang sa makuha na nga nito iyon. Unti-unting inilalahad ng matandang lalaki ang isang litrato. Dahan-dahan niya iyong kinuha at maiging tinitigan. Ganoon na lamang ang kaniyang pagka-gulat nang makita ang litrato. Naroon ang kaniyang mga magulang sa litrato. Nakita niya ang sarili noong bata pa lamang siya. Halos mag-unahan ang kaniyang mga luha sa paglabas nang maigi niyang tinitigan ang litrato. "B-bakit m-meron ka nito? S-saan mo 'to n-nakuha?" nauutal na tanong ni Paris. Nagsisimula na siyang humikbi. "Bago pa tuluyang maipasok ng lalaki ang dalawang tao sa van ay nakita kong nahulog 'yan mula sa bulsa ng babae... Nakalagay sa likod niyan ang pangalan mo..." Pagkarinig niya ay agad niyang tiningnan ang likod ng litrato at totoo nga ang sinabi ng matanda. Nakita ni Paris ang sulat-kamay ng kaniyang ina. Isinulat ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan sa likod ng litrato. Tuluyang gumuho si Paris at saka nagpakawala ng matinding pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD