“Vince, mamayang hapon pupuntahan ako ni jake sa shop, sasama lang ako sa kanya huh, para malaman ko din kong may kinalaman sya sa nangyare sa bahay natin. Dont worry ill be fine.”
Hindi pa agad nag chat si vince baka busy pa sya sa kaka trace kong sino yon, ilib ako sa lalaking to kasi kahit na dapat hindi nya na gawain ay ginagawa nya pa din, basta alam nyang para sa amin ng mag pinsan, kaya sya na talaga ang para sa camille namin. Ayaw kong may iba pa syang babeng mapangasawa, gusto ko si camille lang walang iba. Kaya masaya ako kasi feel ko mag kaka pamangkin na ako, kahit hindi nila sabihin sa akin alam ko naman na magakatabi sila madalas matulog. Nako ako paba ang hindi nila pag sasabihan, pag nabuntis si camille wala na akong battler. Kasi may pamilya na syang aalagaan hindi na ako, kaya ko naman na eh. Matanda na ako para sa battler. OA lang sila mommy kasi eh. Four na ng hapon ng mag reply si vince, acttualy nag aayos na nga ako ng mukha ko ei, nag palit na din ako ng damit para naman mamaya ay hindi ako amoy pawis kadiri naman.
Vince~” keep safe young lady, hindi ko pa alam kong sino pa ang nag patulog sa atin pero mas maganda kong dito kayo matutulog sa condo ko mamaya, mag iiwan ako ng bantay duon sa bahay, kaya mag pahatid ka mamaya sa shop din, kami ang susundo sayo.”
“Okay copy.”
Umalis na ako ng factory at nag punta na ako sa shop, pag dating ko duon ay konti lang ang tao, kaya nag lilinis ang iba. Iba talaga pag maaasahan ang mga kasama mo sa trabaho. Magaan ang lahat ng bagay.
“Kamusta po kayo.?”
~” Okay naman kami, mukhang hindi ka nakapunta kahapon huh, busy ba.?”
“ oo eh, alam mo na galing baskasyo kaya ganun,”
~” Pareho kayo na ayaw ng baksyon ng dahil sa pag balik ay busy nanaman ulit,.”
“ Sinabi mo pa. Aalis din ako mamaya, bukas andito ako mag hapon, busy ako kasi money banking natin bukas, yare tayo nito. Tambak ako ng bibilangin.”
~” Agahan mo nalang ang pasok para maaga ka matapos, wag kang mag alala akong bahala dito sa labas para mapayapa kang mag bibilang bukas...”
“Thanks. Aalis muna ako anjan na yong sundo ko, iiwan ko yong car ko,”
~” Ai wow may date si madam. Buti naman at para naman makapag asawa ka naman. Wag mo nang dagdagan ang mga matandang dalaga, wala na kasing mapag lagyan. Hahahha”
“salbahe, jan kana nga muna.”
Pag labas ko ng office ay nakita ko agad si jake nakatayo sa may labas shop naka pamulsa pa, at naka tingin sa akin, para bang pag kumurap sya ay mawawala ako sa paningin nya, grave talaga itong taong to. “Hi, kamusta.?”
Jake~” Im good nakita na kita eh, tara para mahaba ang oras nating magkasama.”
Nag nod lang ako sa kanya, para wala masyadong convo.Pinag bukasan nya pa ako ng pintuan ng car nya bago sya umikot. Pag upo nya ay humarap ako sa kanya para naman tanongin ko sya,
“Saan ba tayo pupunta.?”
~” Sa bahay natin tayo pupunta para makita mo at para mapa iba ko kung anong ayaw mo,.”
“what.? No tsaka pano nasabi na bahay natin eh hindi ko naman pinermahan yong papers na nag sasabi na bahay natin yon. Umayo ka nga.”
~” what ever you say, bahay natin yon, pinagawa ko yon simula ng makita kita, tsaka baka may gusto kang ipa iba sabihin mo lang huh. Nag pa ready ako ng pagkain natin duon para first date natin ay sa bahay na agad natin. “
“Lakas mong mangarap huh, bakit tayo ba ang mag kkatuloyan sa huli.? Eh hindi naman kita bf huh.”
~” Ako talaga ang makakatuluyan mo wala ng iba. Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. No way. Akin kalang start ng makita kita.”
“ Parang ayaw ko na sumama sayo, tinatakot mo ako, ibaba mo na uuwe na ako.”
~” No, Im sorry natakot kaba sa kin.? Gusto ko lang naman malaman mo na akin kalang. Pero sa ngayon hahayaan muna kitang mag saya, sa pagiging dalaga mo, basta walang ibang boys huh.”
Hindi ako nakaimik sa mga pinag sasabi nya. Grave tong tao na to, walang preno ang bibig. Nang hindi ako umimik ay hinwakan nya ang kamay kon at hinalikan, Ang tagal ng byahe namin bago kami makapunta sa bahay na sinasabi nya, pataas ng bundok ang hitsura ng lugar, matatakot na sana ako kasi papasok na kami sa gate na malaki at mukang ito ang bahay na sinasabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at sa kamay namin, aalisin ko sana kaso hinigpitan nya pa lalo ang hawak sa akin. Kaya hindi ko na tinanggal tumingin ako sa diraanan namin ay nakita kong maganda ang gate gate palang to huh. Oag pasok namin sa luob ay akala ko bahay na agad iyon pala ay hindi pa. Malawak na lupain na puro puno ang bubungad sayo na maymga bulaklak din, ang ganda. Kaya dali dali kong kinuha ang phone ko kahit hawak nya pa ang kamay ko kaya, vinedeo ko ang dinaraanan namin, Hanggang sa mapunta kami sa bandang dulo ay lalo akong namangha sa ganda dahil may fountain sa pinaka harap ng bahay na malaki at kulay white with pink, Sa ibabang bahagi ng fountain ay may mga bulaklak din na ibat ibang kulay. Hindi ko makita kong ano ang nasa gilid ng bahay dahil sa laki nito ay hindi mo talaga matatanaw.
Jake~” It see's you like it huh.”
“ No, ilove the flower and the fountain,” I felt im home parang bahay namin sa europe, Siguro may mga kabayo din dito sa likod.
Jake~” let's go. Masy magugutohan mo sa taas.”
Naga patianod ako sa kanya, pag pasok palang namin ay kitang kita muna agad na mayaman ang may are, ang laki ng living room may receiving area pa sya. Bago mapunta sa dining are at kitchen. Meron din malalaking cahndelier, beautiful, Hinila nya ako pakyat sa taas at pag dating duon ay nakita kong salamin pala ito, kaya kita mi ang ganda sa baba pero pag sa labas mo tingnan ay parang naka finish lang ito. Ang galing, bilib na talaga ako rito.
~”Tara tingnan mo ang kwarto natin sabihin mo sa akin kung hindi mo gusto.”
Pag pasok sa room ay napakalaki nito at malawak ang luob meron pang water fall sa may bandang kaliwa at naka center naman ang kama nito na akla mo ay higaan ng hari at reyna. White with pink din ang kulay nito. Meron pang chandelier kaya dem lang ang ilaw sa luob. Meron pang malaking salaming dito kong hindi ako nagkakamali ay ito ang walk in closet nya. Ng galing naman nito.
Jake~” What do you think mahal ko.? Maganda ba.? Nagustohan mo ba.?”
“ maganda sya, napa ka ganda at may sariwang hangin pang pumapasok sa luob. Very unique and classy.”
~” im happy that you like it. “
~” tara sa rooftop. Sure akong matutuwa ka.”
Pumasok kami sa may salaming sabi na nga ba eh walk in closet to, pag dating sa mga sapatos ay may pinindot lang sya at nag hiwalay ang dalawang helera ng sapatos, wow, very nice at pag bukas nuon ay duon ko nakita na may daan pa pala sa luob na pwedeng pataas at pababa. Pag akyat namin sa taas ay meron duong pintuan na papuntang roof top. Pag pasok palang duon ay napaka sarap na ng sariwang hangin. May naka set up din dito na mesa at mga bulak lak. Meron pang pool sa kabilang side,
Jake~” Alam mo bang salaming din ang pool makikita mo ang tao sa luob pero hindi ka nila makikita, at pag nasa taas ka naman ay makikita lang yong pad, na lapagan ng hellicopter. “
“Sino ang nakaisip nito.? Ang galing masyado akong napahanga.”
~” may nakita kasi akong bahay sa europe na napaka ganda kaya ginaya ko ang harap ng bahay nila. Then yong sa luob ay naisip ko lang kaya pinagawa ko, marami pang pwedeng pag taguan dito sa luob.”
“Yong bahay na ginaya mo saan mo nakita,.? Saan sa europe.”
~” Sa airbnb castles Loire valley. “
Bigla akong napatingin sa kanya at kinabahan paano sya napunta duon.? Eh duon ako naka tira , Paktay pag nalaman nya yare na. Kaya pa sabi ko na nga ba eh katulad ng bahay namin. Iyon pala talagang ginaya nya, Wala syang kaalam alam na ang may are ng bahay na ginaya nya ay naa tabi nya, hmp. Nice one.
“Paano kong malaaman ng may are ng bahay na ginaya mo ang designed ng bahay nila.? Baka mademanda ka.?”
Jake~” They know it, isang buwan akong nag antay ng makapag sechedule sa kanila para lang makahingi ng permet nila na magaya ko ang harap ng bahay nila, sabi ko same kasi sa pwesto ng lupa ko, Im happy na agree sila, sabi nila sana someday ay mabisita nila ang lugar ko. Then I told them na ang taong papakasalan ko ang ititira ko sa bahay na to. They sees happy and love.”
“hmp, ang galing naman at pumayag sila.”
Jake~” alam mo bang sabi nila na pag nalaman ito ng unica iha nila ay maggalit dahil ayaw nya ng katulad gusto nya bahay nya lang ang kakaiba. Kaya nga nag pasalamat ako sa mag asawa at pinayagan parin ako.”
~” lets eat, kanina kapa tanong ng tanong about sa kanila ei. Nagustohan mo ba.?”
“ yah, ang ganda kasi kaya na curious ako.”
~” Alam mo kahawig mo si mrs Villastre. Ang ganda ng mata mo parang sa kanya.”
oh my gush, mommy malalaman na nya kong sino ako.
“Pano naman ngyare yon, eh andito ako sa pilipinas.?”
~” Hmp, oo nga, pero magka hawig kayo.”
“ Nako isusumbong kita sa asawa nya at mukang may gusto ka pa sa asawa nya.”
~” Wala huh, ikaw lang ang mahal ko. Tsaka ang tapang ni mr villastre, dahil pag tumingin sya parang kilala ka na nya agad. Feel ko nga alam nya na ang secret ko ei.”
“ Ano ba ang secret mo.?”
~” Ang mahalin ka sa malayo.”
Nakakainis to lakas makapag pakikig, habang kumakain kami ay puro kwentohan lang ang nangyare.
~” Ano nga palang problema mo.?”
“ Hmp. Kahapondaw pumunta ka sa bahay, may nakita ka bang naka sunod sayo.?”
~” Wala naman bakit may naka pasok ba sa bahay niu? May ginawa bang hindi maganda sayo. Fu** asan ang trace nya ako ang hahanap sa kanya.”
“ hindi nga namin makita ang sight record nya, kasi kanina nagising kaming tanghale na.”
~” okay, wag muna isipin yon ako ng bahala maghanap sa kanya. Ipapahanap ko sya.”
“Salamat. In advance.”
lets eat, anong oras na mamaya ihahatid na kita, pwede rin naman na dito kanalang matulog. Para mabasalan naman na yong bahay natin.”
“ Yare ako kay vince at camille alam mo naman na ayaw nuon na nawawala ako sa paningin nila, “
~” I know, tsaka next time nalang pag comlpeto na ng gamit. Tsaka gusto ko pag naging tayo na talaga.”
“Hmp. No comment.”
Hindi din nag tagal ay hinatid nya na ako sa shop, mag eight na din kasi, baka magalit na si vince sa akin.
~” Sa bahay niu kaba uuwe.? Baka mapano pa kayo, sa condo ko ka nalang tumoloy, mag iiwan ako ng guard mo. For your safety kong ayaw mong ako ang kasama mo.?”
“ Okay na sa condo kami ni vince. Matutulog.”
~” Sino kasama mo.? Si camille ba.? Magkatabi ba kayo a room.?”
“ako alng sa room ano kaba, matagal ng ganun ang set up nanduon kami.”
Hindi to kumibo pero nakasimangot kaya ng nasa tapat na kami ng shop ay bago ako bumaba nag pasalamat muna ako sa kanya at hindi ko na natiis na halikan sya sa cheeks nya, nako may makakita sa akin yare ako kay mommy. Hindi na ako lumingon sa kanya pag baba ko ay sakto naman bukas ng sasakyan ni vince kaya sumakay na ako at para makauwe. pag dating sa condo ni vince ay diretso agad ako sa kwarto at nahiga sa kama sabay ang ipit na tili ko, feel ko sasabog ang face ko sa sobrang pula at kilig. nag shower lang ako at nahiga na ako sa kama, mayamaya pa ay nag chat sya sa akin.
~"Sure akong masarap ang tulog ko nito kasi may kiss galing sayo. salamat pala at sumama ka sa akin at pinag katiwalaan mo ako. good night at matulog kana mag lock ka ng pintuan huh."
Hindi na ako nag reply sa kakatingin ko sa phone ko ay halos hindi ako makatulog, twelve na ng hating gabi ako dinalaw ng antok.