Andito kami ngayon sa bayan para mamili ng mga kailangan para bukas, busy na kasi ang lahat sa baryo kaya kaming apat lang ang namili, Dapat kaming tatlo nalang ang bibili kaso ayaw naman mag paiwan ni vince, sasama nalang daw sya sa amin, para sure sya na safe kami.
Maganda mamili dito kasi naman napaka mura ng bilihin, Nga lang hindi naman sa kinu compare ko sa pag dating quality eh pwede naman ng gamitin ng pang dalawang beses lang, kasi syempre mura lang sya, kaya yong quality hindi one hundred percent. Alam ko yon kasi naman may factory din ako kaya sure ako sa bagay na yon.
Nang nabili na namin lahat umuwe na kami, kasi naman ayaw mag gala ni vince, better daw na sa bahay nalang kami, o kaya sa hacienda nalang kami mag gala.
Kaya pag dating ng hacienda nag pa alam ako sa kanila na mag iikot lang at mamaya pupunta ako kay nancy sa ikakasal, Para malaman ko kung may mga kailangan pa syang iba. Para hindi kami magahol bukas, Alas tres ng hapon ang oras ng kasal bukas kaya bukas start kami mag ayos bukas ng ten ng umaga, kaya naman namin yon dahil tatlo naman ka ing mag aayos ng mga mukha, then yong bakla na ang bahala sa mga buhok namin, Bukas mag sstay ang lahat sa isang room na may aircon, mahirap naman mag pagala gala ang lahat ng naka make up, ang init pa naman baka wala pang oras ng kasal ay wala ng make up. Ngayon mag gagala muna ako sa isdaan at sa mga manggahan, parang want ko ng fresh fish at mango, nakaka miss kumain nuon.Nag pa alam muna ako sa kanilang lahat baka mamaya masambunotan ako ng wala sa oras pag hindi ako nag pa alam at nawala ako sa paningin nila.
“Leute, ich gehe nur zur fischerei und zur mangofarm” ( Guys im just going to fishery and mango farm)
Vince~” ok, paa auf dich auf” ( ok take care)
Nag punta ako sa kwadra para naman makuha ang alaga kong kabayo na si snow white. Puti kasi ito na malaki, kahit naman maliit akong babae eh, gusto ko malaki yong kabayo ko, baka mamaya mag muka akong unano lalo pag maliit pa to.
“ lass uns snow white”
german din kasi ang naiintindihan ng kabayo namin, kasi lahat ito galing sa rancho namin sa europe. Kahit ang mga aso namin ay ganun din. Kaya kong hindi ka marunong sure akong hindi mo sya mapapasunod. Pag sakay ko palang sa kanya, aya umayos lang ako ng upo at pinatakbo ko na ang alaga ko, dumaan muna ako sa manggahan, sakto naman may mga kabataan na nag llaro duon,
~“ Hi po maam, Kamusta po kayo.?” Bati sa akin ng nakaka tanda sa kanila,
“ Mabuti naman po ako, kayo po kamusta po kayo dito.?”
~”Okay naman po kami maam, may kailangan po ba kayo.?”
“ Ay opo sana, pwede po ba akong pasuyo ng mangga kahit ilang piraso lang yong hinog na po huh. Salamat po,” Bumaba ako kay snow white at tiningnan ko ang puno ng mangga mg anaka balot na ito ng dyaryo para hindi magkaruon ng mark ang mangga,
~” oo, naman po maam, kayo pa malakas kayo sa amin eh.”
Ngumiti nalang ako, at inumpisahan nya ng umakyat ng puno yong mga bata naman ang nag laan ng lagayan para sa manga, saglit lang ay bumaba na din si kuya na may dalang mangga.
“maraming salamat po, nag crave lang po talaga ako hg manga parang ang sarap ng fresh. “
~” opo, walang ano man po maam.”
“ dito po muna ako huh, maiwan ko po muna kayo huh. “
May dala akong isang plastic ng mangga, wala pa ako sa bahay parang gusto ko ng kumain, Hindi naman kalayuan ng marating ko ang palisdaan. Nakita ko si mark anak ni nanny. Kaya bumaba ako at tinawag ko sya.
“ Hello mark kamusta.?”
Mark~”Mahal na prinsesa andito kana pala, hindi manlang sinabi ni nanay sa aki.”
“Malaki na ako para tawagin mong prinsesa at hindi din ako prinsesa.”
~”Para saakin prinsesa ka, Prinsesang panda.”
“Nakakainis ka mark huh, angbtagal ko ng hindi umuwe dito ayan parin ang tawag mo sa kin huh.”
~” Kasi naman totoo, tsaka bagay naman sayo ang prinsesa huh, ay teka balita ko daw nag tayo kananaman ng panibagong negosyo mo,?”
“Oo, factory ng bag. Ang tagal mo kasing nawala akala namin nag aswa kana.”
~” Nako hindi huh, nag paka layo lang dahil nag aral ako sa bicol. Ito awa ng dyos isa na akong ganap na pulis. Maraming salamat sa inyo kasi tinulungan nyo ang nanay ko,.”
“ Nako wala yon, masaya kaming nakatulong.”
~”Ano nga palang ginagawa mo dito.? Mahal na prinsesa?”
“hmp. Gusto ko kasi ng fresh na isda, nanguha nga ako ng manga dahil gusto kong kumain nito. Kaya dumaan na ako dito para pwedeng ihawin. “
~” Sige, tara at kukuhaan kita ng isda.”
“ talaga nakakahiya naman sayo, Spo1.”
~”Nako tigilkan mo ako sa ganyan mo huh, ako parin to yong lalaking handa kang pag silbihan.”
“Nako wag na tayong mag lukohan tara na at para maka kain tayo nila ate. “
~”Kasama mo ba si vince.? Himala ata at hindi nakabuntot sayo ngayon.?”
“ Syempre kaya ko naman na, tsaka safe naman na ako dito sa luob ng hacienda. Kaya ko din ang sarili ko.”
~” Alam mo ang laking tulong ng niwan nyong training area dito, lahat ng bata, nag aaral duon na mag martial arts. Kahit hindi kami bihasa ay kahit papano may alam kami. Nagamit ko din yon sa school”
“ talaga. Hindi ko alam yon huh. Pero masaya ako kung ganuon.”
Nag lakad nalang kami ni mark papunta sa palaisdaan, para naman makakuha kami ng fresh fish at para kasabay na namin syang kumain, hindi pa din kami tapos sa mga kwentohan namin na kung ano ano.
“Kuya pwede po bang pahinge ng isda.? Kahit tatlongb piraso lang po na malaki.”
~” Oo naman po maam, kayo paba.”
Ipinag kuha na nila ako ng isda, kaya habang wla pa sila ay nag kwentohan ulit kami ni mark.
~”Prinsesa bukas ba ay aattend ka sa kasal ni nancy.?”
“ oo naman, abay kaming tatlo. Kami din ang mag aayos sa mga abay at mga magulang pwera lang sa mga ninang.”
~”Sure akong agaw pansin ang ganda nyo bukas lalo kana.Baka naman talbugan mo pa yong ikakasal huh.”
“ ui hindi ha. Tsaka light make up lang naman ang gagawin ko noh, baka nga lipstick lang eh pwede na, kasi naman pagod kami nuon sa pag aayos sa kanila.”
~”Maam ito na po ang isda nyo, gusto nyo po ba ay kami na ang mag dala nito sa bahay nyo.? “
“Talaga po sige po, pwede bang isabay na din po itong mangga, Paki sabi po kay vince paki ihaw po yong fish. May pupntahan lang po ako salamat po.”
Hindi na kami pa nag tagal at inakay ko si mark papunta kayla nancy at magakasakay kami sa kabayo ko.
Pag baba palang namin, tinali ko agad si snow white para magpahinga, at makapasok kami sa luob kong nasaan ang bride. Kaso ang daming tao at dumating yong mga kamag anak ng lalaki, mayaman kasi ang napangasawa ni nancy taga manila din.
“Nancy, ang daming tao sa labas tapos naka tingin pa sila sa amin nkakahiya.” Sabi ko sa kanya, tumawa lang ito.
~”Ano kaba, hindi nila alam na kaibigan ko kayo, at hindi nila alam n kayo ang may ari ng hacienda villastre, Tsaka baka nagandahan sayo, ay teka alam mo ba best bagay kayo ni mark lalo na ngayon.”
~”Wag mong inisin ang prinsesa baka magalit saypo yan” sabi pa ni mark, nako po nagkampihan nasilang dalawa, wala na akong laban sa kanila.
Hindi naman kami nagtagal pa dahil may parating pa syang bisita na mga pinsan daw ni gelo, dalawang lalaki, kaya umalis na kami at para makakain nadin kami.
Pag uwe sa bahay namin ay ready na ang pagkain kami na lang ang inaantay na dalawa,
Camille~” Akala ko hindi kana uwe ay, gutom nako. Oh teka si mark ba yang kasama mo.?”
“Yes. Si spo1 nga pala.”
Camille~” Pulis kana.? Wow naman ang galing. Kailan kapa umuwe.? Ang tagal mong nawala huh.”
~” Nakaraang araw lang din, nag chat kasi si nanay na mag best man daw ako sa kasal ni nancy. Kaya nga andito ako.”
Ate ~” Mark.? Ikaw na ba yan.? Wow ang gwapo natin ngayon huh.”
~” oo te ako nga to, Kamusta kayong lahat.?”
Ate~” okay naman kami. Tara kain na tayo guys tomguts na ako.”
“takaw talaga, nga pala may ruon palang bisita na galing manila sila nancy kamag anak daw ni gelo,”
Ate~” Bkit parang kinabahan ako.”
“wag kang ganyan, baka mamaya hindi tayo pumunta duon wag mo akong umpisahan ate.”
~” Ano ba ang meron komg ,meron kamag anak na tag manila sila gelo. Nakita ko na yong mga yon mababait naman at matanda nga lang sa akin. Mga age of 30 na kasi silang lahat.”
“ Anong name.? “
~” Jake, matt, florence. Gino,dealan. Bakit ba.”
“wala, parang kapangalan lang naman.”
Natapos kaming kumain at nag ligpit ng pinag kainan, umuwe na din si mark, kaya kami nalng apat ulit at kanya kanya na kaming pahinga.
“Good night guys, beauty rest tayo kasi bukas hagard tayo.”
Kanya kanya na kami akyat ng kwarto nami dahil mamamatay ang ilaw sa sala.ng ilang minuto nalang naka program kasi ito sa oras ng tulog namin.
Pag akyat ko ng kwarto ay nag shower lang ako at nag pahinga na din. Bukas ko na iisipin kong anong mangyayare sa kasal bukas. Nakaka excite na nakaka kaba.