Lambingan time

1595 Words
"Emmmm... Patrick" ungol nito na nakasabunot na sa kanyang buhok. Isinubsob nya ang ulo sa leeg nito at pilit nyang kinakalma ang sarili. Pero ang mga kamay nya ay nanatili sa ibabaw parin ng bundok nito at marahang pumipisil doon. Habol habol din nito ang hininga. Inangat nya uli ang ulo at mabilis nyang pinatakan ng halik ang mga labi nitong namamaga dahil sa paghalik nya. Pinagdikit nya ang kanilang noo. "f**k. How I really want to continue this honey pero kailangan na nating kumilos bago pa tayo mahuli sa biyahe natin." Medyo hingal parin sya. Tumango naman ito pero nanatili paring nakapikit ang mga mata na para bang ninanamnam parin nito ang mga halik nya. *. *. * "Patrick u-ung kamay mo." Mahina nya bulong sa binata na nakalimutan yata nitong nasa ibabaw parin ng mga bundok nya ang mga kamay nito. Nakita naman nya ang pagguhit ng pilyong ngiti nito sa mga labi at di nya maiwasang mapapikit ng pisilin uli nito iyon bago bitawan. Bagamat nakasuot sya ng bra ay ramdam na ramdam parin nya ang init ng palad nitong tumatagos doon. Ang init ng palad nito.Ramdam na ramdam parin nya ang mga dinaanan nito sa parte ng kanyang katawan. Hindi nya maiwasang mapangiwi ng maramdaman ang pamamasa nya sa bandang ibaba ng kanyang katawan kaya naman kahit na parang nangangatog parin ang kanyang mga tuhod ay pinilit parin nyang tumayo. "Are you ok?" Tanong nito dahil nakita nito ang pagngiwi nya. Tumango naman sya. "Saglit lang ha. Magbibihis lang ako." Sabi nya. Nagtaka naman ito dahil kabibihis nga lang nya. Mabilis syang lumapit sa durabox na nasa loob din ng kwarto nya at naglabas ng underwear doon pero huli na ng itago nya ito dahil nakita na ng binata. Pakiramdam nya ay umakyat yata lahat ng dugo nya sa mukha at umabot yata hanggang sakong ang pamumula nya. Narinig nya ang malutong na tawa ng binata. Mabilis sya nitong nilapitan at niyakap. Hinalikan pa nito ang ibabaw ng kanya ulo. "Go. Magbihis kana. Baka magbago pa ang isip ko." Bulong nito sa taynga nya. Mabilis naman syang kumilos para magbihis. Napabuntong Hininga sya ng maisip nya ang sitwasyon nya ngayon. Hindi nya maiwasang tanongin ang sarili kung tama ba na magpaubaya sya sa lalaki. Ang pagsama kasi nya dito ay nangangahulugan na nagpapaubaya sya dito. Aaminin man nya o hindi ay tinamaan sya sa lalaki Big time! Ito ang unang besis na makaramdam sya ng ganoon. Marami namang nanligaw noon sa kanya pero hindi nya pinapansin ang mga ito. Dahil narin siguro sa pamilya ang priority nya noon. Wala, lumaki syang ganon e. Na hindi pala dapat dahil inabuso sya ng mga ito. Kaninang umaga lang niya ito nakilala pero kung hindi ito nakapagpigil kanina ay siguradong naisuko na nya ang bataan dito. Oras na siguro para pagbigyan ko naman ang sarili ko. Bulong nya. Nakakasawa din kasi at nakakapagod dahil mula pagkabata ay puro nalang problema yata ang iniisip nya. Panahon na sigurong huminga naman sya. Panahon na siguro para pagbigyan naman nya ang sarili nya. 26 naman na ako, nasa tamang edad naman na para lumandi pagpapalubag loob pa nya sa sarili dahil nagsisimula ng kulapulan ng agam agam ang kanyang dibdib. Malandi na siguro kung malandi. O marupok na kung marupok. Pero sisiguraduhin nyang sa lalaki lang siya maglalandi kahit walang kasiguraduhan kung magkikita pa ba sila pagkatapos nito. "A penny for your thoughts." Pukaw ng lalaki sa kanya na hindi nya namalayang nasa tabi na pala nya. Actually galing ito sa suite nito at naiwan sya sa waiting area ng hotel. Inaaya sya nitong sumama sa loob ng suit nito pero tumanggi sya dahil baka maulit na naman ang nangyari sa apartment nya. Hehe.. Baka mas lalong madelay ang beyahi nila. "Nagbago na ba ang isip mo?" Birong tanong nito sa kanya. Umiling naman sya na ikinangiti nito. "So, Let's go?" Masuyong nitong tanong sa kanya na para bang inaarok nito kung sigurado na syang sasama sya dito. "Let's go." Sigurado naman nyang sagot dito. "Ok. The taxi is already waiting for us." Sabi nito habang kinukuha ang traveling bag nya saka nito isinukbit sa ibabaw ng maleta nito. Pagkatapos ay nilahad nito ang palad sa kanya. Napahagikhik naman sya. Kumunot ang noo nito na para bang nagtatanong ng Bakit? Kailangan ba talagang magkaholding hands tayo? May hila hila ka pang maleta e." Nakangiti nyang tanong dito. Napatawa naman ito. "Oo e. Baka mawala kapa. Mahirap na." Kinindatan pa siya nito. Ito na ang kumuha ng kanyang kamay kaya wala na syang magawa. "Gusto mo bang kumain muna bago tayo bumiyahi?" Tanong nito sa kanya habang sakay sakay na sila ng taxi. "Ikaw." Sabi naman nya dito. "Hindi pa naman ako nagugutom at saka mabilis lang naman ang beyahi natin dahil shinkasen(bullet train) naman ang sasakyan natin" dagdag pa nya. "Baka kasi hindi na tayo makakain mamaya." Sabi nito habang tinitignan ang kanilang mga kamay. Ayaw kasi nitong bitawan iyon. Maang naman syang napatingin dito. "Baka maging busy na tayo mamaya." Sabi nito kinindatan pa sya saka nito hinalikan ang likod ng kamay nya. Kinurot naman nya ito sa tagiliran at hindi nya maiwasang pamulahan ng mukha. Kaya mabilis nyang itinago ang mukha niya sa likod nang balikat nito. "Ikaw talaga." Sabi pa nya dito. Natawa naman ito sa kanya. "Biro lang" sabi pa nito. Kagaya nga ng gusto nito ay kumain na sila sa station dahil may time pa naman sila. Nakatulog silang dalawa sa beyahi. Nakasandal siya sa malapad nitong balikat habang ang mga kamay naman nito ay nakaakbay sa kanya at ang mukha nito ay nakasandal sa kanyang ulo. Paglabas nila sa station ng train ay sumakay na uli silang ng taxi para pumunta sa hotel kung saan nakapagpabook ito. Saglit lang sila sa frontdesk dahil mayroon naman ng reservation. Ramdam nya ang sobrang kaba ng pasakay na sila ng elevator. Tahimik lang din ang lalaki habang hawak hawak parin nito ang kanyang kamay na nagsisimula ng pawisan. Iginiya sya nitong pumasok ng bumukas na ang elevator. Medyo nanginginig na yata ang kamay nya. Hinihila nya iyon pero ayaw nito bitawan. Teng! Nijyuuni kai desu. Napakislot pa siya ng tumunog ang elevator na tandang nandon na sila sa floor nila. Tahimik silang lumabas na dalawa habang binabaybay nila ang daan papunta sa kwarto nila. Binitawan nito ang kamay nya ng dukutin nito ang card sa bulsa nito. Pinauna sya nitong pumasok. Hindi nya maiwasang humanga sa loob ng kwarto. Nagsusumigaw ito ng karangyaan na tanging may kaya lang ang kaka afford ng ganong suite. Tahimik syang tumayo sa gitna at pasimpleng inilibot pa ang tingin sa paligid. Hanggang sa narinig nya ang paglock ng kwarto. Marahang lumapit sa kanya ang lalaki at pinulupot nito ang mga braso sa kanyang baywang. "Kinakabahan kaba?" Malambing na tanong nito sa kanya. Tumango naman sya. Hindi na nya itatanggi dahil alam nyang halatang halata naman sya. Marahan nitong hinila ang kamay nya ng umupo ito sa malambot na kama. "Please don't be. Just relax. Wala naman akong kukunin sayo na hindi mo ibibigay sa akin." Pabulong na sabi nito sa kanya. Iyon na nga e. Dahil handa na syang ibigay lahat dito sigaw ng kanyang isip Parehas silang natahimik na parang nagpapahinga sila habang ang mga braso nito ay nakayakap parin sa baywang nya at ang baba nito ay nakasandal sa kanyang balikat. Ilang minuto pa sila sa ganong ayos ng basagin uli nito ang katahimikan nila. "Magbihis kana para kumportable kang makakatulog. Mauna ka ng gumamit sa bathroom." Sabi nito sa kanya kaya napatayo naman na sya. "Mayroon yatang mga yukata dito" mabilis itong tumayo para tignan ang loob ng cabinet na nandoon. At nang makita ang hinahanap nito ay kinuha nito iyon at inabot sa kanya. Nauna na syang gumamit sa bathroom, naghalfbath lang sya. Pagkatapos nya ay ito naman ang sumunod. Nahiga na sya ng makapag ayos na sya. At nagkunyari na syang natutulog ng lumabas ito sa banyo. Pinakiramdam nya ito. Pinatay nito ang mga ilaw at tanging night lamp lang ang tinira nitong nakasindi. Hindi nagtagal ay naramdaman nya ang palundo ng kama. Kumakabog ang kanyang dibdib. Maingat nitong tinaas ang kanyang ulo para makaunan sya sa braso nito at saka masuyong yumakap ang braso nito sa kanyang baywang "Goodnight honey." Rinig nya usal nito saka sya hinalikan sa ulo. Hindi nya maiwasang isiksik lalo ang sarili dito. Amoy na amoy nya ang ginamit nitong shower gel. Ramdam nya ang init ng katawan nito dahil nakayakap na sila sa isa't isa at ang mga kamay nito ay marahang humahaplos sa kanyang likod hindi para painitin sya kundi para syang hinehele nito. "Hindi kapa inaantok?" Bulong na tanong nito sa kanya ng maramdaman yata nitong inaamoy nya ito. Hindi sya sumagot pero umiling sya. Napabuntong hininga ito. "Gusto mo bang kantahan kita?" Masuyo nitong tanong sa kanya. "Marunong ka?" Tanong naman nya dito. "Hindi. Baka lang pag narinig mo ang boses ko ay mas nanaisin mo pang makatulog nalang" biro nito sa kanya kaya napatawa naman sya. "Ok na sa akin ang yakapin mo ako." Sabi naman nya. Alam nyang napangiti ito sa sinabi nya. "Talaga? Yakap lang ba gusto mo?" Birong tukso naman nito sa kanya. Kinurot nya ito sa tyan."Loko ka." Sabi nya dito. s**t ang tigas ng tyan nya sambit nya. Natawa naman ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD