Abala sa paggawa ng assignment ang mga kapatid nya habang nasa harap ng TV. Pag patalastas ay binabalikan ng mga ito ang ginagawa. Pero pag nandyan na ang palabas ay manonood na naman ang mga ito. "Ayan kasi. Sabi sa inyo. Pagdating galing sa eskwela gawin na agad ang assignment para pag nandyan na iyong inaabangan nyong palabas e wala na kayong iniisip." Sermon nya sa mga ito. "Inuuna kasi ang paglalaro. Mano bang maglaro kayo pagkatapos nyong gawin ang mga iyan." Dagdag pa nya. Nakita nya ang pagkamot ng mga ito sa ulo. "E kasi Mama Hindi namin alam ito. Hinintay pa namin si kuya Aries." Sabi naman ni Jenjen. Kumunot naman ang noo nya na napatingin kay Aries. "Pasinsya na ate. Hapon na din kasi akong dumating. Nauna ka lang sa akin." Paliwanag naman nito. "Bakit saan ka ba nanggal

