Mabilis na lumipat ang anak kay Badong ng magising ito. Tahimik lang nyang pinapanood ang mga ito. Aaminin nyang naiinggit sya sa pagmamahal na inuukol dito ng anak pero tanggap nyang magiging kahati nya ito sa atensyon ng kanyang anak. Nagpapasalamat sya dito dahil kahit hindi naman nya kaano ano ang mga ito ay minahal nya at inalagaan ang kanyang anak. "Sige. Isasama kita. Pero ang tanong. Kaya mo bang hindi makita si mama mo?" Tanong ni Badong sa anak na ginigiit na isama ito. Hindi sumagot ang kanyang anak. "Walang mag luluto ng pakain natin doon. Diba hindi ako marunong magluto. Hindi din ako marunog maglaba." Pananakot nito sa anak. "Anak. Dadalawin natin si Papa Badong mo doon pag nakaluwag ng schedule si Papa." Singit naman nya. Napatingin naman ito sa kanya. "Talaga po?"
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


