Parang nanghihinang ibinaba ni Ariana ang cellphone dahil sa nabalitaan. Katatapos lang nyang nakausap ang nanay ni Badong ayon dito ay kasalukuyang nakadetain ito sa Canada dahil nahuli sa paghahack ng system ng isang kumpanya doon. Isa kasi itong IT professional at iyon ang naging trabaho nito sa Canada. Kaya mukhang tambay noon dito sa Pilipinas dahil hawak nito ang oras sa trabaho. Si Ace naman ay nadeport sa Japan at hindi na makakablik ito doon ang kinakatakot ng mag asawa ay baka kahit sa iba pang mga bansa ay hindi na ito pwedeng pumunta. Hindi nya pa alam kung ano ang naging problema nito dahil kahit si Mayla na asawa nito ay hindi din masabi sa kanya kung ano ang totoong nangyari "Mama. Gusto kong makausap si Papa Badong ko." Ungot ng kanyang anak. Kanina pa sya nito kinukuli

