Hindi na nagsalita pa si Mariah. Sa halip ay yumuko nalang ito. Nang makabalik muli ang mga ito ay tahimik pa din si Mariah. Habang kinakalas niya ang seatbelt ay lumapit ng bahagya sa kanya ang binata at niyakap ito. "I'm sorry sa mga nasabi ko. Hindi ko dapat ginawa. Magiging maayos din ang lahat, konting tiis nalang." Sabi nito. "Naiintindihan ko." Tugon ng dalaga. Nang makababa ito ay todo kaway at ngiti si Alex sa loob ng sasakyan sa dalaga. Habang si Mariah ay ganun din, ng makaalis si Alex doon lumabas ang totoong nararamdaman niya. Nakarating naman agad kay Don Ramon ang nangyari kaya mas lalo itong nagalit sa dalawa. Nang nalaman niyang nakauwi na si Alex ay nagmamadali itong lumabas para salubungin ang anak. Hindi malakas, hindi din mahina ang sampal na binigay muli nit

