Nang makarating sila sa destinasyon ay sakto iyon para sa isang romantic date. Medyo madilim at malamlam ang dating ng restaurant at para lamang talaga ito sa mga couple or in a relationship. Pagpasok nila sa restaurant ay may kinakausap si Monica at napapatingin si Alexander sa mga kumakain sa loob nito. Hanggang sa may nakita syang parang familiar na mukha, nung una ay inakala nyang namamalik mata lang sya ngunit ng ngumiti ito ay doon lang nya napatunayan na si Mariah nga ang nakikita nya. Masaya ito habang kumakain at may kinakausap na lalaki sa harapan. Hindi din naman nagkamali si Alexander dahil si Zaquieo nga iyon. Medyo naiinis pa sya sa tawa ni Mariah dahil hindi naman nya akita iyon dati na ganun kasaya pagdating kay Zaquieo. "Anu naman ang ginagawa ng dalawang yan dito? Tig

