[TOJIRROS, MARINDUQUE] Napatigil si Alexander sa isang repair shop kung saan magsasara pa lang din. Kaya nagmadali syang bumaba ng sasakyan niya at hinabol ang lalaking papasok na sana sa loob. "Ahm excuse me?" malakas na boses na pinakawala ni Alex dahilan para lingunin sya ng lalaki. Nagpalinga-linga pa ito at sinigurado na sya nga ang tinatawag. "Ako?" Turo pa niya sa kanyang sarili. "Aba, kano ata to ah, baka dito na masusubok ang galing ko sa English." Natatawang wika sa sarili ng lalaki habang palapit kay Alex. "Hey, good evening. What...what can I do for you?" Tanung nito ng makalapit sa binata. "Thank god." Sambit niya sa sarili. "I just wanna ask if you know this place?"May inabot syang nakasulat na address sa papel at tinignan iyon ng kausap at ibinalik din agad sa kany

