Nakita ni Mariah na nakayuko na si senyora Molly at umiiyak. Hinawakan nito ang kamay ng matanda at ngumiti. "Wag na kayong umiyak senyora, sasama na po ako." Nabuhayan ito at hinawakan sa dalawang pisingi si Mariah. "Thank you iha. Salamat." "Sandali lang po, magbibihis lang ako tapos magdadala na din ng damit para diritso na ng pasok bukas." "Oh sige sige. We'll wait here. Go on, take your time." Kapwa naghawakan panng kamay ang dalawa pag-kaalis ni Mariah. Para nanalo sa lotto ang reaksyon ng mga ito sa labis na tuwa. Paglabas ni Mariah sa kwarto ay tumayo ang dalawa at magkasama na silang tatlo na lumabas. Nag-aalinlangan man sa desisyon si Mariah dahil baka hanapin sya ng nobyo nito at hindi sya nagpaalam na pupunta sa mansyon, natatakot sya na baka mag-isip si Zaquieo ng hind

