Mabilis na lumipas ang maghapon, nasanay na din si Alex na hinahatid muna niya ang dalaga bago umuwi sa bahay. Nang makarating sa condo ang magkasintahan ay pumasok muna si Alex at sandaling nagpahinga at umidlip ng ilang minuto. Madilim na ng magising ang binata, nataranta pa sya dahil napasarap ang tulog niya sa sofa na dapat ay minuto lang. "Good morning." Pabirong bati pa ni Mariah habang nagluluto. "Seriously? Bakit hindi mo naman ako ginising?" Sabay hawak sa ulo nito at ginulo-gulo. "Bakit naman kita gigisingin? Alam kong pagod ka, at isa pa wala ka naman sinabi na may limit pala ang tulog mo." Tumayo si Alex at hindi na sumagot. Lumapit siya sa dalaga at tinignan ang niluluto. Nilanghap niya ang masarap at mabangong amoy niyon. "Sinadya mo talaga, kasi ang totoo ayaw mo pa

