Nang makaalis ang lalaki at pumasok sa kinaroroonan ni Nayumi pati ibang kasama dahil sa inis sa matanda at biglang ngumisi ang senyora. "Makakatakas na tayo." Bulong nito sa lahat. "Paano?" Pinakita nito ang maliit na bubog. Nakuha niya iyon habang nagbanyo siya. Pasimple niya itong binigay kay Paulo at mabilis na hiniwa ng binata ang pagkakatali. Sinunod ang sa matanda ganun din ang mag-asawa. Pumasok sila sa pinagkukulungan sa dalawa, mabuti nalang ay mabilis at marunong sa pakikipaglaban si Paulo at madali nyang napatulog ang nagbabantay kina Alexander at ate niya. "Anak!!" Sabay yakap ng mag-asawa kay Alex. Maging si senyora Molly. "Ateee." Yakap din ni Paulo si Mariah. "Pa-paano kayo nakatakas?!" "Hindi na importante yun ang unahin natin kung paano makaalis dito." Habang kin

