"Honey, hindi na ako pwedeng umatras pa. Para naman 'to sa company, at pumayag na din naman sila. Pumapabor pa satin ang tadhana, nakikita mo ba?" Napatingin ito sa kanilang ina na nakaupo sa kama. "Ma, please, ayusin nyo naman ang hitsura nyo. Baka madisappoint si Mr. Duncan kapag nakita kayong ganyan." Sabi pa ni Ramon sa matanda. "Paano naman ako magiging masaya Ramon? Ginawa mong sakripisyo ang nag-iisa kong apo, pwede naman siguro sa ibang paraan hindi lang ang pagpapakasal. Galit ako sayo Ramon, hindi mo man lang hiningi ang opinion ng anak mo kahit bilang respeto nalang sa kanya." Sabi ng matanda. "Hindi nyo kasi ako naiintindihan. Sige na, ayoko na magpaliwanag pa kasi para sa inyo masama ang mga ginagawa ko. Mauuna na ako sa baba dahil parating na ang bisita natin. Sana maghand

