Makalipas ang ilang oras ay hindi pa din nagsasalita si Alexander, ni kahit kumibo at tumayo sa swivel chair nya. Tulala lang ito at nakatitig sa kanyang laptop, sa ibabaw nun ang ilang mga nagtambakang mga papel. Pinagmamasdan lang sya ni Mariah mula sa labas, gustuhin man nya na kausapin ito at sabihan ng mga makakapagpalakas sa loob nya ay hindi nya din magawa. Nalulungkot ang dalaga sa dinadanas ni Alexander. "Love, kamusta si Alex?" Si Zaquieo ng tumawag kay Mariah at kausap sa telepono. Nakatingin ang dalaga sa binata habang sumasagot. "Hindi pa din sya makausap. Nakaupo pa din sya sa swivel chair nya, kahit ang kumain hindi na nya nagawa." Mahinang sambit ni Mariah. "Nasa office pa din ba kayo? Wala ka dito sa condo mo?" Tanung nito. "Pasensya kana. Hindi ko din kasi maiwan si

