"Senyorito! La-lasing lang kayo. Bu-bukas hindi n-nyo na t-tanda ang mga si-sinabi nyo." Tugon ni Mariah na nanginginig ang katawan. Pero sa totoo ay parang kakawala sa dibdib nya ang puso nya dahil sa mga sinabi ni Alexander. Hindi nya alam kung anung sasabihin pero sa loob nya ay hindi nya alam kung bakit mas nangingibabaw ang lungkot na sa halip ay masaya. "Nakainom ako pero hindi ako lasing. Gusto mo ba pang ulitin ko ang sinabi ko na gusto kita?" "P-pero." "What?" "Alam mo na may nobyo ako. At si Zaquieo." "Alam ko. Kaya nga nasasaktan ako, at wala akong magawa. Pero, kaya kitang agawin sa kanya." Sabay kindat pa nito sa dalaga at nginitian ito. "Anu? Paano mo naman...gagawin? At..at alam ko na hindi mo kayang gawin 'yun!!" Nanlalaking mata ni Mariah at mabilis ang kabog ng d

