Napailing nalang si Alexander ng makaalis ito. Kaya lang naman sya lumalaban para sa kompanya ay dahil iniisip nya ang hirap at sakripisyong ginagawa ng ama at ina nya. Kahit pa alam nitong hindi kailan man sa buhay nya naranasan na ipagmalaki sya ng ama nya sa harap ng maraming tao. Iniisip nyang kahit na ganun ay obligasyon pa din nya bilang anak na sundin ang mga ito. Lumipas ang ilang oras at naunang umuwi si Mariah dahil sa usapan nilang dalawa na sasamahan ulit niya si Alexander. Pakiramdam ni Mariah kapag kasama ito ay nawawala din ang problema nya, yun nga lang hindi na nya naiisip na may nobyo sya. Ngunit ayaw din nyang manghina ng loob si Alex lalo na sa panahon Ngayon na may problema ang kompanya. Ipapaliwang nalang niya ng maayos ang lahat ng sitwasyon kung magtanung man si Z

