[MAKALIPAS PA ANG DALAWANG ARAW] "San ka galing? Anung oras na naman ito?" Bungad ng ama ni Alexander ng makapasok sya sa mansyon, nakangiti pa ang binata noon dahil kagagaling lang nya sa condo ni Mariah. "Dad. Gising pa pala kayo." "Hirap ako makatulog. Tinatanung kita kung san ka galing? Wag mo sabihin na nakikipagkita ka pa din sa babaeng yun kahit alam mong ikakasal kana?!" "Dad. Anu...pwede po ba na wag na natin pag usapan pa ang kasal. Gagawin ko na nga po kahit ayaw ko para lang sa kagustuhan nyong isalba ang kompanya. Pero wag nyo naman sana ako pagbawalan kahit ang makita lang ang babaeng gusto ko." Palaban na sagot ng binata. "Kalokohan! Anung gusto mangyari? Laman ka na naman ng balita! Ikaw na ikakasal na nakikipagkita pa sa ibang babae?! Isipin mo ang magiging kalabasan

