Madaling araw nang tumakas kami sa ospital ni Aria. Siya ang nag ayos ng aking mga gamit. Hinayaan niya muna akong magpahinga bago kami umalis. Tahimik ang buong hallway paglabas namin sa aking kwarto. Maging ang security guard ay nagawa naming takasan. "Ako na ang mag da-drive," sabi ko kay Aria habang nilalagay namin ang aming mga gamit sa trunk ng kanyang sasakyan. "Ako na," iling niya. "Matulog ka na lang sa biyahe." "Ako na," pakikipagtalo ko sa kanya. "Hinayaan na kitang ayusin ang mga gamit ko kanina. Kaya ngayon... hayaan mo naman na ako ang magmaneho." "Pero Victor-" ang kulit talaga ng mahal ko. Halikan kita d'yan, eh. Nilahad ko ang aking kamay. "Where's your key?" Ngumuso siya at umiling. Sinarado niya ang trunk at nagmamadaling tumungo sa driver's seat. Bago pa niya mabu

