Hindi ko alam kung ano nga ba ang magiging reaksyon ko. Tinikom ko ang aking bibig. Kung kanina ay mabilis ang t***k ng aking puso, ngayon naman ay halos tumigil na ito sa bawat pintig. Hindi ako nagsasalita habang nasa biyahe kami ni Victor. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa akin. Habang ang isa naman ay nasa manibela. Itinuon ko ang aking mga mata sa daan. Ayoko kasing tumingin sa kanya. Nahihiya akong makita niya ang reaksyon sa aking mukha. "Saan mo gustong kumain?" tanong niya bigla. Ramdan ko ang pagtitig niya sa akin ngunit hindi ko siya sinulyapan. "Ikaw... ang bahala," mahinang sabi ko. "Hey, look at me," malambing niyang utos. Tila may mahika naman ang kanyang boses. Sinunod ko siya. Unti-unti akong lumingon sa kanya. Nakatuon na sa daan ang kanyang atensyon. May nakapint

