Pakiramdam ko ay nabingi ako dahil sa kanyang sinabi. Naubusan yata ako ng dugo dahil sa aking nalaman. She's not... married. Tama naman ang narinig ko, diba? Malinaw ang pagkakasabi niya. Hindi siya kasal. Pinunasan ni Aria ang kanyang pisngi pero ang kanyang mga luha ay hindi pa rin tumitigil sa pagpatak. Gusto ko siyang yakapin pero masyadong naging manhid ang aking katawan dahil sa aking nalaman. "Hindi talaga ako kasal, Victor..." nanginginig niyang sabi. "Palabas lang ang lahat. Para masaktan ka... para layuan mo na ako." Sa sobrang manhid ng aking pakiramdam ay hindi ko na rin namalayan ang pag agos ng aking mga luha. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nalaman ko na hindi siya kasal. O malulungkot dahil nalaman ko ang rason sa kanyang pagpapanggap. She really hates me, huh? K

