Chapter 3 : "Who are they?" [Yina's POV]

1945 Words
Matapos akong ilibot ni Lizzy sa kabuuan ng nakakatakot na mansion ni Mr.Silvestre ay dinala niya ako sa kusina kung saan naabutan namin ang isang payat at batang maid na naghahanda raw ng miryenda para sa kanilang amo. Kita ko kung paano siya magtimpla ng sauce at nang sandwich, masisiyahan na sana ako kasi puro masusustansya 'yong mga pinaggagawa niya pero nalukot agad ang noo ko ng makita ko kung ano ang sunod niyang sinalin sa baso. Wine? Hindi makapaniwala kong tinitigan sa mukha ang batang maid. Seryoso ba siya o sadyang lutang lang siya sa mga oras na ito? Gulat akong lumapit sa bata. Napatigil naman ito at walang kaide-ideyang napatitig sa mukha ko. "Ba-Bakit po?" Kinakabahang tanong ng bata. "Para sa amo ba natin 'yang lahat ng nasa tray?" Tanong ko habang titig na tutig sa nagtataka niyang mukha. Bahagyang napanguso ang bata ngunit napatango rin naman siya bilang sagot. Bakit may Wine? Pinaiinom ba talaga nila ng wine ang isang bata? "Si-Sino ito?" Rinig kong tanong ng batang maid kay Lizzy na nasa harap ng ref at naghahanap na ng pagkain na pwedeng namin'g pagsaluhan. Saglit na naalis ang mukha ni Lizzy sa loob ng ref upang sagotin ang batang kasambahay. "Bagong salta 'yan galing sa bruha," Walang kahiya-hiyang ani ni Lizzy na ngayon ay meroon ng sulpak-sulpak na mansanas sa bibig. Hindi man lang ito kinilabutan dahil sa pagtawag niya kay Madam Silvia na bruha. Tita iyon ng amo nila, hindi ba sila natatakot na baka magalit sa kanila 'yong amo nila atsaka sila mapatalsik sa trabaho? Bumalik ang tingin sa akin ng batang kasambahay at kitang-kita na ngayon ay mukha niya ang pagkadisguto. Parang hindi nito nagustuhan ang impormasyon na nalaman mula kay Lizzy. "Ako ang bagong nanny ni Atlan Silvestre..." Pakilala ko sa babae ngunit kapansin-pansin na mas lalong nalukot ang kaniyang mukha. Gayon pa man ay nagpatuloy pa rin ako, hindi ko na lang nilahad ang kamay ko dahil sa takot na baka isnobin lang ito ng babae. "Yina Velasquez ang pangalan ko pero pwede mo naman akong tawagin na ate Yi or ate Ina. Kung saan ka ma-" Before I can even finish my statement the young maid already rolled her eyes like she doesn't want to hear anything from me, I feel so offended so I tightly shut my mouth up. Tinikom ko na lang ang akin'g bibig at hindi makapaniwala tinitigan ang babae na ngayon ay padabog ng tinatapos ang trabaho niya. Ah hindi ko alam kung ano ang problema ng mga tao rito. Para yatang meroon silang kinikimkim na galit sa akin? "Ma-May problema ba?" Hindi ko na napigilang itanong sa bata. Mas lalong nalukot ang mukha nito. Ang mga kilay niyang nababahiran ng kulay itim na eyebrow pencil ay nagkasalubong habang bahagya naman'g nakanguso ang kulay itim na itim niyang labi. Imbes na sagotin ako ng bata ay marahas lang niyang inilapit sa akin ang tray bago siya padabog na lumakad palapit sa exit nitong malaki at nakakatakot na kitchen. "I've lost my appetite. I'll be back later," Masungit na paalam ng bata kay Lizzy na hanggang ngayon ay naka subsob pa rin ang mukha sa Ref. Napangiwi ako ng bago ito umalis ay tumigil pa muna siya para irapan lang ako. Ano ba ang ginawa ko? Napakamot na lang ako sa akin'g batok dahil sa pagtataka. Hindi pa nga ako nagtatagal dito sa mansion na ito pero bakit parang galit na galit na sa akin ang mga tao rito? Tila nababasa ni Lizzy ang nasa akin'g isip dahil matapos niyang makuha ang isang malaking pata ng manok ay muli siyang sumilip sa akin at nagsimulang ipaliwanag kung ano ang nangyayari. "Si Miranda 'yon. Mayaman dati iyang batang 'yan dahil bago mamatay ang mama niya ay meroon itong binigay na educational funds at kung ano-anong mga ari-arian pero..." Napasalampak si Lizzy sa kulay itim na sahig at nasisiyahang napakagat sa hita na nakuha niya sa loob ng ref. Napatigil din ako. Biglaang nawala ang pagtataka sa akin'g mukha dahil agad itong nakaramdam ng gutom. Hindi pa ako kumakain simula nun'g umalis ako sa bahay. Pinagbabantaan na ako ng sikmura ko... Hinimas ko ang kumakalam kong tiyan bago ko inalis sa tray ang isang baso ng wine. "Pero iniscam siya ni Silvia kaya hayan at nauwi sa pagiging katulong," Pagpapatuloy ni Lizzy. Bahagya akong napatango-tango habang nagtitimpla ng mainit na gatas para kayAtlan. Hindi dapat umiinom ng wine ang mga bata, ang dapat sa kanila ay mainit na gatas para mas lalong tumibay ang mga katawan nila. Abala man sa trabaho ay taimtim ko pa rin'g pinakikinggan ang mga impormasyon na walang kahirap-hirap na lumalabas sa bibig ni Lizzy. "Akala ni Mira ay mababalik sa kaniya 'yong pera niya sa pamamagitan ng pagra-rally pero napahamak lang siya. Nainis sa kaniya yun'g bruha kaya binalak siya nitong itumba," Mahina akong napahimig habang hinahalo ang mainit na gatas. Sabi ko na nga ba at hindi pangkaraniwan ang Silvia na iyon. Meroon siyang ginawa at sinabi kay mama upang ipdala ako ni mama rito pero ano ang dahilan? Bakit ako ang pinadala niya sa bahay ng pamangkin niya? Tumalim ang akin'g pagkakatingin sa isang baso ng gatas na nasa akin'g harapan. "Buti na lang at nakita siya ni Boss Atlan kaya niligtas siya nito at kinupkop dito." Hindi ko na narinig kung ano yun'g mga sumunod na sinabi ni Lizzy. Dala ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain ay tahimik at wala sa sarili akong naglakad palabas ng kusina. Sobrang lalim ng iniisip ko. Pilit kong inaalam kung bakit ako pinadala rito ng matandang 'yon. Meroon ba siyang ipapagawa sa akin na konektado sa pamangkin niya pagkatapos kong makapagtrabaho rito ng matagal? Kung iyon nga ang iniisip nila ay hindi ko magagawa 'yon. Hindi ko magagawang saktan ang isang musmos na bata. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tray at dahil nga libang na libang ako sa nga ideya at katanungan pumapasok sa akin'g isip ay hindi ko napansin na naka akyat na ako rito sa misteryosong second floor. Napatigil ako at blangko ang mukha na nagpalinga-linga ang akin'g tingin sa paligid. Meroon'g hallway sa kaliwa at ganoon din sa kanan. Punong-puno ng mga pinto ang bawat pasilyo at magkaparehong ang mga disenyo kung siguro hindi ako nakinig sa sinabi ni Lizzy kanina ay baka naligaw na ako sa parteng ito ng mansion. Ang sabi ni Lizzy ay nasa kanang bahagi ang kwarto ng amo namin kaya humarap ako sa kanan'g bahagi at nagsimula ng maglakad papunta sa pinaka loob nito. Pang limang pinto malapit sa pinaka dulo ng hallway. Sa gilid ng pinto ay meroon'g malaking painting ng isang anghel, iyon ang sabi ni Lizzy. Kaya binilang ko ang mga nadadaanan kong pinto, nang umabot na ako sa pang lima ay bumungad sa akin ang isang pinto na kulay puti at meroon'g malaking painting ng anghel sa gilid. Sigurado ako na ito na 'yong kwarto ng amo namin. Inayos ko ang aking sarili at akmang ididikit ko na ang akin'g kamao upang kumatok ng bigla akong makarinig ng malakas na kalabog mula sa loob. Si Boss! Agad na nanlaki ang akin'g mga mata dahil sa takot, dala na rin ng pag-aalala para sa alaga ko na nasa loob ay hindi na ako nag-abala pa na kumatok. Pinihit ko ang doorknob ng pinto atsaka ito walang pakundangan na binuksan. Kumakabog ito dahil sa pwersa na aking nilikha at tumambad sa akin ang maayos at madilim na itsura ng kwarto. Malaki ngunit napaka dilim ng buong paligid. Konti lang ang gamit na bumungad pero sa pinaka gitna ng kwarto ay meroon'g malaking kama na napapaligiran ng maninipis na kurtina. Pilit kong inaninag kung nasaan ang taong nasa loob nitong kwarto ngunit wala akong makita kaya naglakas loob akong pumasok at kapain ang light switch na dapat ay nakapakat lang sa pader. May narinig talaga akong kumalabog. Pero bakit parang wala naman'g tao? Kapa na ako ng kapa sa pader upang hanapin ang switch ng ilaw, pumakat na ang lahat ng alikabok sa kamay ko pero wala pa rin akong nakakapang sindihan ng ilaw. Napasimangot ako sa inis. Huwag mong sabihin na magic ang ilaw sa lugar na ito?! Nang mabwisit ay galit kong nilapag ang tray sa maliit na tukador na nasa tabi nitong pinto. Gamit ang dalawang kamay ay pursigido kong hinanap ang sindihan ng ilaw. Wala pa rin akong nakikitang hanggang sa makarating ako sa tabi ng isang tumpok ng makakapal na libro na nagkumpol-kumpol. Kung sino man ang may-ari ng kwartong ito ay sigurado ako na napakahilig niyang magbasa. Dahil abalang-abala ako sa paghahanao ng paraan kung paano isisindi ang ilaw sa buong kwarto ay aksidente kong nasipa ang isang tore ng libro, nahulog ang mga ito at lumikha ng malakas na tunog sa sahig. Agad naman akong lumuhod at akmang ibabalik na sa dati'ng ayos ang mga ito ng bigla akong makarinig ng mahinang tunog mula sa malaking kama na nasa gitna ng kwarto. Napatigil ako. Meroon'g kumakaluskos sa kama. Parang tunog iyon ng nagkikiskisan na mga tela. Napakunot ang akin'g noo atsaka ako dahan-dahang napalingon sa gawin kung nasaan ang kama. Ganoon na lang ang panlalaki ng akin'g mga mata ng makita ang isang pigura na naka-upo sa pinaka gitnang parte ng kutson. May tao... "Who are you?" Tanong ng napakalalim ngunit malamig na boses ng isang lalaki. Nang marinig ko lang ang boses nito ay pakiramdam ko parang meroon'g kung anong humaplos sa akin'g batok. Sino siya? "Klara?" Tawag ng lalaki sa pangalan ng matandang mayordoma. Dahil sa manipis na kurtina na nakapaligid sa kama ay hindi ko makita ang itsura ng taong naka upo sa kama. Ngunit alam ko at nararamdaman ko na bata pa ito. Siguro ay sampung taon ang tanda sa akin. Nagtataka at curious. Dahil sa lamig at banayad na boses na nanggaling sa taong ito ay hindi ko na napigilan ang kagustuhang silipin siya. Binitawan ko ang libro na nasa akin'g kamay. Habang nakadikit pa rin ang akin'g mga mata sa pigura ng lalaki ay tumayo ako at dahan-dahang lumapit palapit sa kama. Sobrang lakas ng kabog ng akin'g puso habang papalapit ako ng papalapit sa kulay itim na kama. Nagiging malakas at kapansin-pansin na rin ang napakabangong amoy na nanggagaling sa humidifier na nasa tabi nito. Amoy mint na hinaluan ng matapang na amoy ng rosas. Meroon din akong naamoy na pinaghalo-halong gamot ngunit hindi iyon gaanong kapansin-pansin. Sunod-sunod ang aking naging paglunok ng sa wakas ay tumigil na ako sa mismong gilid nito. Gamit ang nanginginig kong mga kamay ay hinawakan ko ang malambot na kurtina. Balak ko na sanang hawiin ito upang makita ang taong nasa loob ng bigla kong maramdaman ang pagpalupot ng matigas at napakalamig na kamay sa akin'g pala pulsuhan. Napasinghap at napatalon ako sa gulat. Sobrang bilis ng mga pangyayari, sa sobrang kagustuhan kong makita ang lalaki na nasa loob ay hindi ko man lang napansin at naramdaman ang mabilis na paggalaw ng kaniyang kamay upang pigilan ako. Rinig ko ang mahinang pag-angil ng lalaki. "You're not Klara..." Madiing wika nito, kasabay niyon ay ang paghigpit ng pagkakapalupot ng kaniyang kamay sa akin'g pala pulsuhan. Impit akong napaingit dahil sa sakit na dulot niyon. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak ng lalaki. Ang napakaputi at mahahaba niyang daliri ay mas lalong pumalupot sa maliit kong kamay dahilan upang mamula ang paligid niyon. Sino ba ang taong ito? Dala ng konting liwanag na nanggagaling sa naka bukas na pinto ay nakita ko ang dahan-dahang pagharap sa akin ng pigura. Hindi ko alam kung ano ang meroon pero agad akong nakaramdam ng takot at kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD