Kathy's PoV
Katatapos lamang namin kumain at maligo ni Shanice. Naghanda na din ako ng aking uniform para sa part time job namin bilang waitress maaga kami ngayon dahil biyernes ngayon.
"Kathy, ano nakaayos kana ba dyan? Tapos na Kasi ako"pasigaw na sabi ni Shanice dahil nasa kabilang kwarto siya, bale tig isa kaming kwarto pero magkalapit naman.
" Oo, nakuha lang extra shirts." Ani ko. Kapag uwian na Kasi nagpapalit ako ng damit. Ganon Naman Kasi dapat talaga, galing sa trabaho at napawisan kaya mas mabuti ng magpalit ng damit para iwas din sa sakit.
" Sige sige, intayin na lang kita sa baba ok?" ani sakin ni Shanice. Di ko na lang siya sinagot at binilisan ko na lang ang pag gagayak ko para maka alis na din kami at makapunta ng sakto sa oras sa resto.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa jeep, ano pa ba sasakyan namin kotse? di kami ganon kayaman para dun sumakay diba? pag yumaman lang talaga ako nako di lang kotse masasakyan ko pati tao sasakyan ko de joke lang wala nga akong jowa eh.
"Hoy kathy may pera ka pa dyan? di ko pala dala wallet ko hehehe pwede makahiram muna? " may pag pikit pikit pang nalalaman nag papacute pa di naman cute.
" Alam mo naman na di ako ganon kayaman diba? " ani ko dito, meron naman akong sobrang pera dito para kung may kailanganin man ako eh magagamit ko, tulad nga nitong si Shanice kailangan at di na dala ang wallet.
" wala ba ikaw extra dyan be? " yawa pa-cute amputa di naman cute
" meron, ako na mag aabot ng pamasahe mo pero ang balik mamaya eh doble ha."ani ko dito sa babaeng ito
"buti naman meron, di ka pala bobo na inaakala ko hahaha." taenang babae to makabobo, akala mo naman matalino eh siya nga itong bobo pati sa pag ibig bobo pa
" ikaw bobo, pati sa pag ibig bobo din dzuh dimo ako katulad no. Matalino pa ako sa unggoy na kagaya mo." ani ko dito sa tangang ito.
Nakababa na kami ng sasakyan at dumaretso na kami sa resto para maghanda at makapag simula na ng aming trabaho, bukas ibang oras naman ang aming pasok dito sa resto may pasok na kami sa school bukas e. Pag may pasok naman kami 6pm pasok namin at ang uwi naman ay 10pm na, pagka-awas galing school daretso na kami dito. Minsan tuwing friday dala na namin ang uniform para sa susunod na araw at iiwan na lang namin dito sa resto may kaniya kaniya naman kaming locker eh, responsible kasi manager namin, kesyo nga daw estudyante kami mas mabuti kung mag iiwan na lang kami ng damit dito para pagkatapos ng klase daretso na dito at magpapalit na lang. Tulad ngayon di lang extra pampalit ang laman ng bag ko kundi ilang uniform dito sa resto pang trabaho.
"Kathy pwede ba na ikaw muna dito sa counter? may emergency lang sa bahay, nasabi ko na din naman kay ma'am Crista" Si Denise isang ka-trabaho namin dito sa resto "Ha kathy, mabilis na naman sayo itong trabaho na ito, Financial Management course mo e, ha kathy. Salamat. " Pagkatapos niyang humingi ng pabor ay nagasikaso na siya ng mga gamit niya para makauwi
" Sige sige, ingat na lang. Baka madapa ha, wag sana sa machong lalake, sa tae ng aso pwede. jok lang. " Pagkasabi ko dito eh pumunta na ako sa may counter.
Andaming costumer ngayon, siguro biyaya talaga ang mukha ko dito sa resto na ito charr. Habang naghihintay ako na may magbayad dito ay may nagkakagulo sa isang table kaya nilapitan ko ito. makikichismis lang char syempre kailangan ko ding kumilos dito employedo ako dito e.
" Oy Sharlotte ano nangyayari dito?" tanong ko sa ka-trabaho ko na naka assign dito sa table, para siyang kinakabahan e may nagawa ata ito sa costumer. Pero ito namang costumer kung maka awra akala mo model, pero pwede din model ng iskinita kapal ng meyk ap eh
" Good day ma'am, ano po ba ang nangyayari? nakaka istorbo po kasi sa ibang costumer. " Inirapan pa ako dukutin ko mata mong clown ka, puro paganda di naman maganda, mas makinis pa ata pwet ko sa pagmu-mukha nito.
" Walang good sa araw na ito, look. Kung ikaw natapunan ng juice sa damit mo, magiging maganda araw mo? at pwede ba wag ka makialam dito! sino ka ba para makialam di hamak na magkasintulad lamang kayo na mabababa ang uri! No class! ang dudugyot! " wow ha sakit naman nitong magsalita
" ma'am siguro tama nga na mababa kaming uri o dugyot dahil sa trabaho namin at kung paano kami manamit. Pero mataas naman IQ namin kumpara sayo. Simpleng natapunan ka lang ng juice manghuhusga ka ng kapwa, ay mali iba nga pala kami mataas IQ namin kumpara sayo. Simple lang po niyan e, pwede naman pong magpalit diba po? if ever man na wala kang dala na extra shirts responsible po namin yan." ani ko dito sa babaeng to, natitimpi lang ako sa mga sinasabi ko dito. Pero pag inubos niya pasensya ko at sinagad ako syempre heaven char makukuha niya hinahanap niya di lang juice matatanggap nitong babaitang ito.
" What? me? Matataasan niyo ng IQ? wow ha, responsible nyo? wag na lang girl, baka katulad lang ng mga damit niyo ang ipapalit niyo sakin, yuck." inuubos nito pasensya ko
" Alam mo ma'am, kung ayaw niyo po mag palit pwede naman po siguro tumigil na ano po? nakakaistorbo na po sa iba -" Di ako pinatapos
"Oo nga miss, kita mo naman na may ibang kumakain dito diba? ang ingay mo e at ang arte mo pa, konti lang yan oh aarte kana? kung buong katawan mo ang basa maiintindihan kita kung bakit bunganga ka ng bunganga diyan. " ay ang gwapo naman nito para siyang anghel na bumaba sa langit para tulungan ako sa clown na ito na mapaalis. " Aray ko naman! " binangga ba naman ako sakit non sa braso ha, parang napadali sa lamesa. Sakit huhuhu
" Miss? you ok? " aishhh bat ang gwapo naman nito, napa tango na lang ako dito habang nakatitig sa maganda niyang mukha.
" Sige, balik na ulit ako sa table ko."
"Sakin kana lang umupo hehe" amp natampal ko na lang ang aking bibig dahil sa nasabi ko at humingi ako ng pasensya dito
" it's ok hahaha, btw I'm Clark Willson and your are? " gooshh
" your future wife. char I'm Kathy De Guzman sir Clark. " mga nakatingin na sa akin mga ka-trabaho ko e kaya nag "sir" thing na lang me.
" ok ok, I gotta go. I'll eat my food first." tumango na lamang ako dito
Habang pabalik ako sa counter sa loob loob ko e para na akong sinasaksak sa tiyan dahil sa kilig hihihihi
" Hoy kathy, salamat nga pala kanina. Di ko alam sasabihin dun sa costumer na yon e mukang yayamanin. " Epal naman tong si Sharllote dinadama ko pa ang mga salita ni Clark hihihi
" Wala lang yon, sino pa ba magtutulungan edi tayo tayo lang mga empleyado dito diba. " totoo naman kasi di naman tulad ng teleserye na may magtatanggol sa mga empleyado
" Sigee, linisin ko lang yung natapon ko kanina, salamat ulit. " tumango na lamang ako dito. Pinagmasdan ko ulit ang pwesto kung saan ang table ni sir Clark heheheh gwapo kasi na love at first sight ata ako. Ay tapos na ata nag iimis na siya ng gamit niya e, so lalapit siya sakin huhunes pakibiles, ayan na nga siya palapit ng palapit ang aking mapapangasawa
" Hey miss, this is my bill. " mukhang may iniintay siya, palinga linga kasi siya e siguro may jowa na huhunes paano ako bb Clark
" Ok na ba miss? " ayy hindi ko pa pala nascan ang kaniyang card, ayan kasi kathy e kati Kati mo, trabaho muna bago lande para umasenso.
" Ok na po sir, salamat. Balik po ulit kayo para makita ko po kayo at makita niyo kagandahan ko. Joke lang" napatawa na lang siya at napailing huhunes may jowa na nga ata siya, lumbay aking kipay.
hays sana wala siyang jowa, kanina ko pa siya pinagdarasal huhunes ang aking kipay lumbay
"hoy kathy, inuungot mo diyan? yang nguso mo parang pwet ng manok. " aba himala ngayon lang ako nilapitan nitong babaeng to
"Lumbay ang aking kipay beh, char bat ngayon ka lang lumapit Shanice? " pagkukunwari kong nagtatampo
" Siraulo ka talaga alangan naman na lagi ako didikit sayo? ayokong maging kamukha ka dzuh. Pati may trabaho tayo no, trabaho muna bago chika. " sabi ko nga may trabaho kami
" as if naman na gusto kong maging unggoy katulad mo no, alis kana nga ulit dito, shuu shuu." pagtataboy ko rito
Alas singko na ng hapon ngayon at isang oras na lamang ay tapos na ang trabaho namin ni Shanice.
Ferdus's Pov
Kasalukuyan akong nagiinom kasama ang mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan dito sa hide out namin kami lang ang nakakaalam sa lugar na ito HIDE OUT nga diba.
" Uhm Ferdus nga pala yung taong naging karibal mo kay Luciana asan na yun ngayon?" Isa sa mga kaibigan ko si Theo Wilmer isa sa mga matataas na ranggo ang pamilya nila sa katunayan sila ang pumapangalawa.
"Idunno only my Father knows about that." Wala akong kaalam alam sa nangyari tanging si ama lang ang nakakaalam ng lahat, inamin lang sakin ni Luciana na totoo ang sinasabi ng aking ama tungkol sa relasyon nya sa isang tao. Otherwise wala na akong alam, di ko nga alam kung ano ang ginawa ni ama sa taong yon, tanging si Luciana lamang ang alam kong pinarusahan, ni hindi ko nga nakita ang mukha ng taong naging karelasyon ni Luciana.
" Wala ka bang balak alamin?" Si Valir Escueta pangatlo sila sa matataas na ranggo.
Nagkibit balikat na lamang ako sa tanong nito. Wala din Kasi akong idea kung aalamin ko ang tungkol sa lalaking nanira sa amin ni Luciana, hindi ko nga alam kung ano ang ngalan nito. Tanging galit na lamang ang aking nararamdaman sa dalawang nanakit ng damdamin ko.
"Sabagay, sinaktan ka na nga tas aalamin mo pa. Baka mas lalo ka lang masaktan if makita mo man siya at inalam ang lahat lahat" Dave Rodriguez siya ang nag iisang tao na naging kaibigan ko/namin, kami lang ang nakakaalam nito. Kaming limang bampira ay hindi dapat makipag kaibigan sa tao dahil pinagbabawal ito sa mundo naming mga bampira. Naging kaibigan namin si Dave dahil siya ang tumulong sa kapatid ni Rod noong nagkakagulo ang mundo ng mga bampira, siya ang nakakuha at nag alaga sa kapatid ni Rod. Baby pa lamang ang kapatid ni Rod noon at kamiy nasa disisyete pa lamang bali 3years ago nangyari yon, may kumuha sa kapatid niya at iniligaw ito. Mabuti na lamang at nakita niya ito sa isang ilog. Nalaman na lang namin na ito ang kapatid niya dahil sa balat ng paahan nito at sa hugis pangil na balat nito. Sinabi lahat samin ni Dave ang pagtulong niya sa kapatid ni Rod, laking pasalamat namin dahil nasa mabuting kamay napunta ang kapatid ni Rod. Simula noon naging kaibigan na namin si Dave sa taglay nitong kabutihan, ngunit ang pagkakaibigan naming lahat ay isang sikreto dahil sa tao si Dave at kaming lima ay bampira.
" Tama si Dave bro, baka masaktan ka pa lalo kung aalamin mo ang lahat. " Rod Stewart ika-apat na ranggo ang kanilang pamilya.
"Bro, wag mo na din isipin si Luciana, madami ka pang makikilalang babae. Tamo ako nakakailan na haha. " Grey Wilson ang babaero sa aming magbabarkada, ang pamilya naman nila ay ika-limang ranggo.
" Nako, igagaya mo pa si Ferdus sa tulad mong babaero. Nako nako tingnan lang natin kung may makatapat ka, ewan ko lang sayo kung luluhod ka sa isang babae." Pang asar na saad ni Rod
" Nako din sa tagal ko ng nambabae, makakatapat pa ba ako? Malabo yan. " Sagot naman ni Greg kay Rod
" Tsk. Ingay nyo." Siguro nga tama sila, huwag ko na lang kaisipin ang nangyari tungkol sa amin ni Luciana, huwag ko na lang isipin ang pananakit na pinaramdam niya/nila sa akin. Siguro nga marami pa ang nakapaligid dyan, kung dumating man ang nakatakda sakin huwag sanang maging katulad ni Luciana.
"Btw. Ferdus mukhang tahimik ata ang mga gustong kumuha ng posisyon natin, hindi nagpaparamdan eh o baka naman nagpaplano na ang mga yon at lusubin tayo." Pag papaalala ni Theo
" Oo nga, wala na rin akong balita sa mga yon ni hindi ko na nga nakikita sa tuwing may pagpupulong. " Saad naman ni Rod
Kahit ako nagtataka sa mga kinikilos ng mga nais kumuha ng ranggo o posisyon namin. Siguro nagpaplano sila kung paano nila maaagaw ang aming ranggo. Ilang beses na nilang tinangka ito ngunit hindi sila nagtagumpay, kahit nga ang ika-limang ranggo ay di nila makuha.
" Don't worry, we're always prepared. Just don't forget our plans. " May naging plano naman kami kung lulusubin kami ng mga kalaban, at sa mga nag nanais makuha ang ranggo namin. Kaming lima ang pinagkakatiwalaan ng aming mga magulang at sa amin na din binigay ang mga dapat ayusin sa lahat, matanda na kami at may alam na sa mundo kaya natural lang na humawak na din kami ng ganitong problema lalo na sa amin nakasalalay ang pamamahala at pag iingat sa aming position. Bilang ika unang ranggo o pinakamataas na ranggo, nakasalalay sa amin ang pamamalakad at kung paano mamuhay ang mga bampira. Kung sa mga masasamang bampira napunta ang pinakamataas na ranggo ang pamumuhay ng bampira ay hindi tulad ngsyon na tahimik at hindi nanggugulo sa mga tao kundi malaya silang makapanakit ng kung sino man.
" Yeah, Ferdus is right. Wala tayong dapat alalahanin tungkol sa kanila, malalakas tayo kumpara sa mga yon. " Grey.
" Oh right shottt! " Valir.