"This will be your assignment," saad ni Anna Madrina, boss ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Bonifacia Navidad o mas kilala sa tawag na Bonnie.
Kinuha niya ang naka-folder na dokumento saka niya ito mabusising tiningnan ang laman.
Isang r**e case ang ibinigay sa kanya na siyang tutukan niya upang makakuha siya ng sapat at tamang impormasyon tungkol sa krimen na siyang ilalathala niya sa pahayagan. r**e case ng isang inosenteng dalagang namumuhay nang tahimik sa piling ng pamilya nito kung saan matapos pagsamantalahan ay pinatay agad na parang isang hayop lamang.
Hindi madali ang kasong 'yon dahil involved ang anak ng isang taong kilala ang pangalan sa bansa. 'Yon kasi ang itinituro nang lahat na siyang suspek sa panggagahasa pero dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya ay nanatili na lamang itong tahimik at magpahanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin nakukuha ng pamilya ng biktima ang karampatang hustisya para sa anak na walang awang kinunan ng karapatang mamuhay nang matagal sa mundong ibabaw.
"Just get what is needed about that case. Kailangan din malaman ng lahat ang tunay na pangyayari sa kasong 'yan," dagdag pa ni Anna.
"Thank you, Ms. Anna. I will do my best to provide what is the truth behind this crime," wika niya habang nasa puso niya ang pagnanais na makakuha siya nang magandang impormasyon tungkol sa kasong 'yon at nang mapagdusahan na ng maysala ang nararapat nitong parusa.
"Don't disappointment me," sabi pa ni Anna sabay tayo. Inilahad nito ang kanan nitong palad sa kanyang harapan. "Malaki ang tiwala ko sa'yo," dagdag pa nito.
"Makakaasa po kayo, Ms. Anna. Thank you for trusting me," nakangiti naman niyang saad sabay abot sa nakalahad na palad nito sa kanyang harapan. Napangiti na rin sa kanya ang kanyang boss na para bang sinasabi nitong kailangan niyang ipakita kung ano ang kanyang magagawa para sa isyung 'yon.
Bonifacia Navidad is a 26-year-old maiden. She is known as Bonnie. A lovable and obedient daughter. She is 5'5 feet tall with an hourglass body figure. Her above-the-shoulder black hair always loosens. She is a simple woman, with no makeup, no expensive jewelry on her body.
Sophia ang pangalan ng kanyang ina na nakapag-asawa ng isang lalaking mayaman at negosyanteng si Kenneth Navidad.
Sa loob ng ilang taong pagsasama ng dalawa ay wala silang naging problema kay pareho namang magkakasundo ang kanyang mga magulang.
Nagtatrabaho siya bilang isang newspaper journalist sa isang sikat na publishing company.
Pangarap talaga niya ang magiging writer kaya kahit anong trabaho na may kinalaman sa pagsusulat ay talagang pinasukan niya dahil 'yon ang kanyang pangarap.
Marami na rin siyang isyung nabigyan nang linaw kaya naging bilib sa kanya ang kanilang boss at lalo pa itong bumilib nang biglang tumaas ng rating ng kanilang kompanya mula nang dumating siya.
Naging paborito na siya ng kanilang boss kaya hindi maiiwasan na may mga naiinggit talaga sa kanya. May mga kasamahan siyang pilit na hinihila paibaba ngunit, mabuti na lamang ay may matibay siyang paninindigan at paniniwala sa kanyang buhay kaua kahit na anong hila ng mga ito sa kanya ay nanatili pa rin siyang matatatag at unti-unting kumikinang.
"Seryoso ka rito?" nag-aalalang tanong ni Thea sa kanya matapos nitong basahin ang laman ng folder na kanyang dala mula sa loob ng opisina ng kanilang boss.
"Oo naman," mahinahon niyang sagot at lalo naman niyang nakikita ang pag-aalala sa mukha ng kanyang kaibigan.
Nagkakilala silang dalawa ni Thea Delon nang dumating siya sa kompanyang 'yon. Mabait ito at makatotohanan ang bawat kilos na ipinapakita nito sa kanya kaya hindi na nakapagtataka kung mabilis siyang napalapit dito.
"Delikado 'to. Alam mo naman 'yon. Malaking tao ang babanggain mo kapag nagkataon tapos walang sinuman sa atin ang walang alam tungkol sa dalawang journalists na namatay matapos i-cover ang kasong 'yan," pahayag nito.
Kahit hindi pa siguradong tama nga ang kumakalat na balitang dawit ang anak ng isang kilalang tao sa bansa sa nasabing r**e case ay talagang nagbigay na iyon ng takot sa ibang journalist para halungkatin ang nasabing krimen.
Naging tahimik na ito sa loob ng mahigit isang taon dahil sa makapangyarihan ang inakusahan at mapera pero alam nilang lahat na hanggang sa mga sandaling 'yon ay hustisya pa rin ang inaasam ng pamilyang binawian ng mahal sa buhay nang dahil lang sa tawag ng laman ng isang taong walang pakialam at mala-demonyo kung umasta nang dahil sa perang pagmamay-ari.
Gagawin niya ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang inosenteng babae.
"Hustisya ang kailangan natin para sa pamilya ng biktima at para na rin sa dalawang journalists kapag napatunayan na ang gumahasa kay Albie at ang pumatay sa mga journalists ay iisang tao at hindi takot," matapang niyang saad at mapailing naman si Thea na para bang sinasabi nitong hindi na nito alam kung papaano siya makukumbinse na bitawan ang kasong 'yon para sa kanyang seguridad at kaligtasan.
"Ano ang magiging halaga ng pagiging journalist natin kung magpapadala tayo sa takot at ibabaon na lamang sa limot ang hustisya na isinisigaw ng mga naiwan ng mga naging biktima?" tanong niya sa kaibigan at hindi naman alam ni Thea kung papaano siya sasagutin sa kanyang naging tanong.
"Bonnie, alam ko naman 'yang prinsipyo mo pero sana naman, isipin mo naman 'yong kaligtasan mo paminsan-minsan," saad nito habang siya naman ay muling nakayuko at nakatuon ang paningin sa mga papeles na nasa harap niya na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Marami namang pwede mong i-feature sa column mo. Pwedeng about sa foods, sa mga celebrities. Bakit kailangang ito pa?" mukhang depress na tanong nito sabay lapag ng may kalakasan kanyang folder na hawak-hawak nito.
Napaangat siya ng mukha saka niya tiningnan ang kanyang kaibigan. Alam niya kung gaano kabigatin ang taong maaari niyang banggain kaya ganu'n na lamang ang pag-aalala sa kanya ni Thea na siya namang labis niyang ipinagpapasalamat.
"Okay lang ako, Thea. Alam ko kung anong ginagawa ko," sabi niya sabay hawak sa kamay ng kaibigan.
"I'm just worried about your safety kung sakali mang mapatunayan na tama nga ang balitang anak ni Congressman ang gumahasa kay Albie and I'm sure, mag-aalala rin sa'yo ang mga magulang mo kapag nalaman nila kung anong klaseng kaso ang nakaatang sa'yo ngayon at sigurado ako, they will ask you to resign."
Sandali siyang natahimik sa naging pahayag ni Thea. Isa rin 'yon sa mga bagay na sigurado siyang mangyayari kapag nalaman ng kanyang mga magulang ang kasong hahalungkatin niya pero alam din naman niyang in the end, they will support her as long as masaya siya sa kanyang ginagawa.
"I'm home," maaliwalas niyang sabi nang nakapasok na siya sa kanilang bahay nang gabing umuwi siya na sa kanila. Agad din naman siyang sinalubong ng kanyang ina sabay halik sa kanyang pisngi.
"How was your work?" tanong nito sa kanya pagkatapos.
"Okay lang po, Ma. Si Papa?" tanong niya rito nang hindi niya napansin ang kanyang ama sa loob ng kanilang sala.
"Your father is in his office. Abala rin sa trabaho niya kaya pati dito sa bahay, dala-dala pa niya."
Nababasa ni Bonnie sa mukha ng kanyang ina ang pagiging helplesa nito dahil sa naging busy na ang buong pamilya nito. Siya, laging nakatuon ang atensiyon sa kanyang pagiging newspaper journalist habang ang kanyang ama naman ay sa magpapalago ng kanilang negosyo kaya ang nangyayari, madalang na lamang sila nagkakaroon ng pagkakataong ma-enjoy ang company ng bawat isa.
"Ma, hayaan niyo na lamang si Papa, okay?" pag-aalo niya sa kanyang ina habang bahagya siyang nakaakbay dito at wala namang nagawa ang ginang kundi ang intindihin na lamang ang kanyang pamilya.
"Pa, busy ka na naman."
Napahinto si Kenneth sa paghahalungkat ng kanyang hawak na mga papeles nang marinig niya ang boses ng kanyang anak na nasa kanyang likuran.
"Nandito ka na," saad niya nang lingunin niya ang kararating lang niyang anak.
"Mano po," magalang na sabi ng dalaga sabay abot sa kanang kamay ng kanyang ama. "Pa, nasa bahay po kayo, dapat nagpapahinga kayo hindi 'yong gugol na gugol pa rin kayo sa trabaho niyo," saway niya rito.
"I really need to finish this tonight para bukas, iba naman ang magiging trabaho ko."
Napabuntong-hininga na lamang siya dahil alam niyang kahit anong gawin niya ay talagang hindi niya ito mapapahinto sa ginagawa nito hangga't hindi pa nito natatapos.
"Basta, don't force yourself kapag hindi na talaga kaya, huh?"
Parang bata namang napatango ang kanyang ama sa kanyang naging pahayag at nang lalabas na sana siya sa opisina nito para makapagbihis na ay siya namang pagpasok ng kanyang ina na nagpupuyos sa galit.
"Ano 'to, Bonnie?" tanong nito sa kanya at ganu'n na lamang ang kabang biglang bumundol sa kanyang dibdib nang makita niya ang folder na dala niya galing sa kompanya kung saan kalakip nito ang iilang impormasyon na kakailanganin niya para sa r**e case na nakaatang sa kanya.
"Ma?" aniya habang kumakabog ang kanyang dibdib.
"Sagutin mo 'ko? Ano 'to?!" galit na galit na tanong sa kanya ng kanyang ina.
Ang kanyang amang nanahimik lamang ay agad na tumayo para alamin kung ano nga ba ang ipinuputok ng butse ng asawa nito.
"Ano ba 'yan?" tanong nito. Nanlaki ang mga mata ni Bonnie at napaawang ang kanyang mga labi sa takot na baka malaman ng kanyang ama ang tungkol sa case na nakaatang sa kanya kaya dali-dali niyang inagaw mula sa kanyang ina ang folder pero bago pa man niya nagawa iyon ay naging maagap naman ang kilos ni Kenneth para kunin sa asawa ang isang bagay na halos ikinasabog na nito matapos nitong malaman.
"Pa!" takot na tawag ni Bonnie sa kanyang ama at kahit na agawin pa niya ang folder mula sa kanyang ama ay wala na siyang nagawa dahil nandidilim na ang paningin ni Kenneth nang napatingin siya sa anak matapos basahin kung ano ang laman ng folder na 'yon kung bakit ganu'n na lamang nakapag-react ang kanyang asawa.
"We supported you, Bonnie diyan sa pangarap mong maging writer dahil ang sabi mo safe ka sa trabahong 'yan, but what is this? Did you know how crucial this case is?!"
Napapiksi na lamang si Bonnie nang biglang ihinampas ng kanyang ama ang kanyang folder sa sahig ng office nito.