—ANNA POV—
Makalipas ng ilang sandali ay nakarating kami sa address ng bahay. Luminga ako sa paligid ng tumigil si Emmit sa isang gate ng subdivision ibinaba nito ang salamin ng kotse at tinanong ang guard.
"Boss! dito ba ang address ng bahay na ito?" tanong nito ng makalapit ang guard sa sasakyan namin. Ipinakita nya ang picture at ang nakasulat sa likod nito.
"Yes sir! pinaka dulong bahay po yan dito sa subdivision na nag iisa" Sagot nito. "Ano po ang sadya ninyo don sir?." tumingin pa ito sa gawi ko.
"Ihahated ko lang itong kasama ko na titira doon". Saad ni Emmit. Nakita kong natigilan ang guard tila nag isip muna.
"A-ah!! sya yata ang itinawag nung katiwala noong nakaraang araw na may uupa raw ng bahay!" tila naalala nitong sabi. "Anu po ang pangalan ng kasama nyo sir!? .
"Anna Miller" Ako na ang sumagot. tumungo lang ito,
"Pahintay pang po muna sir!, ma'am!, tatawagan ko lang po ang katiwala ng bahay." tungo nalang ang isinagot namin dalawa.
Naglakad ito pabalik ng guard house at may tinawagan sa telepono, ilang sandali ay nakita kung pabalik na sya sa kinaroroonan namin.
"Sir! pwede na po kayong pumasok, Ito ang gatepass nyo," sabay abot kay Emmit, kinuha naman nito at ibinigay sa akin.
"Thank you!" saad nito. "Tuloy na kami."
Tuloy tuloy na kaming pumasok sa subdivision tumingin ako sa paligid puro nag lalakihang bahay at malalawak ang sakop ng bawat ito. makikita mo talaga na puro mga mayayaman ang nakatira dito, may ilaw na rin ang paligid dahil mag didilim na.
Nakarating kami sa pinaka dulo ng subdivision, ito na yata ang bahay ni Maxx. malaki rin ito at may dalawang palapag, itinigil ni Emmit ang sasakyan sa isang malaking gate, pinatay muna nito ang makita bago kami bumaba, dala ng bag ko ay lumakad ako palapit sa isang gate na meron doorbell at pinindot ito ng dalawang beses.
Habang nag hihintay ramdam kung may tumabi sa kinatatayuan ko. diko na kailangan pang lumingon alam ko na kung sino. Maya maya pa ay bumukas ang gate nakita ko ang isang may edad na babae nasa singkwenta na siguro ito.
"Magandang gabi po!" Bati ko dito. napatingin ako sa mukha dahil hindi man lang umiimik nakatitig lang sakin.
"Magandang gabi ho!" ulit kong nakangiti.
"Ay! Magandang gabi din Ineng! kayo ba ang sinasabi ng guard na tumawag dito?" tanong nito.
"Opo Ako po si Anna" pakilala ko.
"Pasok muna kayong dalawa, Nasaan pala ang bagahe mo.?" tila alam na alam nito.
"Nasa sasakyan po, kukunin ko lang po muna." akmang tatalikod na ako ng mag salita ang katabi ko.
"Ako nalang ang kukuha, pumasok kana susunod nalang ako!" saad nito, naglakad pabalik sa sasakyan.
Niluwagan naman ng katiwala ang gate para makapasok. nag lakad na ito papasok ng malaking bahay habang kasunod ako. Nang makapasok kami sa loob nito ay diko mapigilang humanga. Katulad na katulad ang design nito bahay ng mga Aston.
"Maupo ka muna ineng!, ilapag mo nalang ang bag mo dyan sa isang upuan." alok nito. "Teka maiwan muna kita at kukuha ako ng makakain ninyo, Hindi pa kasi luto ang hapunan na niluluto ko." Humakbang ito pabalik ng kusina.
Umupo ako sa isang mahabang sofa at isinandal ko ang aking likod, ngayon ko lang nardaman ang pagod mula kanina. Habang hinihintay ang katiwala ng bahay ay saglit ko muna ipinikit ang aking mata.
Napamulat ako ng maramdaman kung may umupo sa upuan. nakatingin lang ito sa akin, kanina ko pa ito na papansin mula sa airport na panay ang titig nito.
"Is there a problem?" tanong ko,
"Nothing!" umiling ito. umayos ito ng upo at tahimik na pinag masdan ang bahay.
"Oh kumain muna kayo, alam kung nagugutom kayo sa haba ng byahe." alok ng katiwala kalalabas lang mula sa kusna. "Dito muna rin pakainin ang boyfriend mo ineng!" nakangiti itong nakatingin sa gawi ni Emmit.
Nagkatinginan kaming dalawa, nakita ko ang pamumula ng pisngi nito. Tumikhim muna sya bago nag salita.
"H-hindi po ako boyfriend nya, hinated ko lang po sya dito dahil hindi pa nya kabisado ang lugar!" tila nahihiya ito.
"Pasensya na iho! akala ko boyfriend ka nya." paumanhin ng matanda. "Ako nga pala si Lourdes, ako ang katiwala dito ni sir Maxx."
"Ako po si Emmit, Assistant po ako ni Don Alejandro sa De Guzman company" pakilala nito.
********"""*
Pagkatapos ng hapunan ay nag paalam na rin si Emmit na aalis. sinabi nito na susunduin sya bago mag seven, May pupuntan pa raw ito bukas para turuan ang anak ni Don Alejandro. Nag paalam na rin ito kay manang Lourdes.
"Ineng pumanhik kana muna sa itaas para maka pag pahinga ka, malinis na rin ang kwarto doon, nalinisan ko na yon ng tumawag kahapon si sir Maxx." sabi nito ng dalawa nalang kami. "Sasamahan na kita, ako na mag dadala ng bagahe mo."
"Ako nalang po manang kaya ko na po!" tanggi ko, dahil may kabigatan din ang bag ko, baka hindi nito kayanin.
Umakyat kaming dalawa sa ikalawang palapag ng bahay. Nakarating kami sa kanang bahagi ng isang kwarto, binuksan ito ni manang, pumasok ako sa loob. may isang malaking kama na naroon katabi ng bintana.
"Maiwan na muna kita ineng!, para maka pag pahinga ka" paalam nito ng nasa loob na kami. pero maya maya pa ay lumingon ito. may kinuha ito na kung ano sa bulsa ng palda nya.
"Sya ipina bibigay pala ito ni sir Maxx sayo" inabot nito sa akin ang isang susi. nangunot ang noo kung kinuha ito. "Susi yan ng basement sa ilalim. bilin nya ibigay ko raw ito pag dumating ka. ituturo ko nalang sayo bukas kung saan ang daan patungo doon, Mag pahinga ka muna. Maiwan na kita ineng nasa baba pang ako kung may kailangan ka!" humakbang na ito patungo sa naka bukas na pinto.
"Salamat po manang" inilagay ko nalang sa mesa ang susi na bigay ni manang ng makaalis ito narinig ko ang pag sara ng pinto.
Kinuha ko ang aking dalang maleta kumuha ako ng damit at underwear, mag sa shower muna ako bago matulog. kanina pa ako nan lalagkit, dala ng towel lumakad ako pa puntang banyo. dina ako na bigla sa laki at lawak ng loob nito, alam ko ang kalidad ng isang Aston.
Pagkatapos kung mag shower ay pinatuyo ko muna ang buhok ko na lagpas balikat. nakabihis na din ako ng pangtulog, nilapitan ko maleta na may lamang damit at ibang gamit inilagay ko sa closet na naroon.
Nang matapos sa pag aayos, bumalik ako sa kama bitbit ko ang dalang bag kanina para kunin ang mahalagang personal na kagamitan, tinago ko sa ilalim ng unan ang handgun na regalo sakin ni kuya Marcus nung birthday ko.
ang iba ay inilagay sa drawer ng mesa na katabi ng kama. Nakita ko ang isang ballpen na naka suksok sa bulsa ng bag, kinuha ko ito at gagamitin ko bukas sa office ayaw ko gumamit ng ibang ballpen dahil ito ang paborito ko.
nilinis ko ang ibabaw ng kama para maka pag pahinga. bukas na rin ako tatawag sa Washington bibili pa ako ng simcard. humiga at ipinikit ang aking mga mata at nakatulog.
Kina bukasan alas singko palang ay gising na ako. bumangon ako mula sa higaan, nag hilamos at nag toothbrush,
bumaba ako pa kusina gusto kung mag kape sa umaga, papasok palang ako ay naamoy ko na ang mabagong niluto ni manang Lourdes, parang nagutom ako.
"Good morning manang" bati ko dito, tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Magandang umaga ineng! ang aga mo naman yatang nagising!?" masayang bati nito. "Kamusta naman ang tulog mo?"
"Ayos naman po!, di naman ako namahay, pakiramdam ko po kasi parang nasa Washington din ako, halos parihas ang desinyo ng bahay walang pinag kaiba" saad ko. hinila ko ang isang upuan mula sa mesa kampate akong umupo doon.
"Pwede po ba akong mag kape!"
"Oo naman Ineng!, ipag titimpla nga sana kita ng gatas akala ko ay dika nag kakape" tuwang tuwa ito habang kumukuha ng isang tasa para timplahan ito.
"Ako nalang po ang mag titimpla para sa sarili ko manang!, tapusin mo nalang ang niluluto nyo, bigla po kasi akong nagutom sa amoy" kinuha ko sa kamay nya ang basong hawak hawak.
"Nakakahiya naman sayo Ineng, ang bilin sakin ni sir Maxx pag silbihan kita.!"
"Wag nyo na pong intindihin ang sinabi nya, at saka pag titimpla lang po ng kape dina man na kailangan iasa pa sa inyo." paliwanag sa kaharap.
"Nga po pala, pwede po ba ninyo akong bilhan ng simcard, gusto ko po kasing tawagan sana ang kaibigan ko" nakatingin ako dito habang nag lalagay ng plato sa mesa.
"Wag ka ng bumili Ineng, may inutusan sir noong nakaraang araw na selpon, yun daw ay ibigay sayo pag dumating ka, naroon sa basement," itinuro pa nito ang sahig sa ilalim.
Nangunot noo ako dahil kagabi ko pa narinig dito ang salitang yon, anu bang meron don,
"Pag katapos mong kumain mamaya ay sasamahan kita, ituturo ko sayo ang daan, hindi ko pa rin ito nakita ayaw na ayaw ni sir na may papasok doon kundi sya lang, tuwing nag babakasyon ito" paliwanag nito pag katapos lagyan ng pag kain ang plato ko. "Kumain kana muna,"
"Sabayan nyo na po ako manang!," Alok ko dito.
"Mamaya na ako kakain Ineng pagka tapos mo!" tanggi nito.
"Kain nalang po kayo, para po may kasabay ako, dalawa lang po tayo dito, tapos di pa kayo sasabay ng pag kain sa akin." pinalungkot ko ang boses ko.
"Sige na nga!," natutuwa nitong sagot, kumuha ito ng isang plato saka sabay kaming kumain.
"Akala ko kahapon ay masungit ka!," pag kukwento nito. "May mga naging amo ako noon na ubod ng sungit at matapobre,, hindi katulad mo na hindi tumitingin sa labas na kaanyuan."
Nakikinig lang ako dito habang nag sasalita ito, masaya kausap si manang Lourdes kaya nag tatawanan kami habang kumakain.