29

885 Words

MAYROONG tahimik na digmaan ang puso at isip ni Hector. Pigilin man niya ang kanyang sarili ay hindi niya magawa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang pinagsabihan ang sariling huwag nang sulyapan si Gemma na nasa katapat na upuan subalit hindi niya magawa. She was so beautiful. She was wearing an asymmetrical dress in summer yellow na siya ring color motif ng kasal. Malambot ang tela at medyo manipis na parang pantulog. She was not the usual sexy but she had the right curves in the right places. Ang hindi niya nagawa noong makita ito sa memorial park ay malaya niya ngayong nagagawa. Tinitigan niya si Gemma tutal rin lang ay hindi niya masaway ang sarili na patuloy itong sulyapan. Naging mabait kay Gemma ang mga taong nagdaan.Tila hindi ito nanganak. Tila hindi rin ito nawalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD