18

1269 Words
GISING na si Hector nang sunduin ni Raf ang kanyang mama. Tingin niya ay bumata si Barbara ng sampung taon. Orange na pedal pants ang suot nito at bulaklaking blouse na kakumbinasyon ng pang-ibaba. At tuwing ngingiti ito ay lalong bumabata ang anyo. “Ma, baka pag-uwi mo, mukha ka nang twenty-five years old,” tudyo niya dito. “Tumigil ka. Naiilang na ako sa panunukso mo,” sabi nitong hindi nabubura sa mga labi ang ngiti. Binitbit na nito ang bag nang makitang nasa tapat na ng bakuran nila ang kotse ni Raf. Bumaba din si Raf. At ipinagpaalam pa nito sa kanya si Barbara. “Talaga bang ayaw mong sumama?” Nakangiti siyang umiling. “Kung magbabago ka ng isip, itawag mo lang. Welcome ka doon,” sabi nito. “Thanks. Dito na lang muna ako.” Sinulyapan niya ang ina. “Ma, magkikita-kita kami nina Nate.” Kilala ni Barbara ang mga kaibigan niya sa ampunan. Si Nate ang kumontak sa kanya matapos itong umalis sa La Casa. At mula noon ay tiniyak nila sa isa’t isa na ipapaalam ang kinaroroonan nila upang hindi na muling maputol ang kanilang komunikasyon. Hindi rin nila nakalimutan sina Dio, Joaquin, Pedro at Gani. Kahit na may mga panahong abala sa trabaho at ibang bagay ang bawat isa, gumagawa sila ng paraan upang magkita-kita kahit paminsan-minsan. At hindi naman siya pinigilan ng mga magulang sa pakikipagkaibigan niya sa mga ito. Iyon nga lang, kapag kaharap si Barbara ay napipilitan ang mga kaibigan niyang Matt din ang itawag sa kanya kahit na nga ba mas madalas kaysa hindi ay nadudulas ang mga ito sa pagtawag sa kanya ng Hector. Sinadya ni Hector huwag munang sabihin kay Barbara ang tungkol sa gagawing party kina Nate. Ayaw niyang mag-alala ito ng tungkol sa kaso niya. Pero nakapagdesisyon na siyang pagkatapos ng bakasyon nito ay sasabihin na rin niya ang tungkol sa balak niyang paghahanap sa tunay na mga magulang. “Ikumusta mo na lang ako sa kanila,” anito. “Tara na, Barbara, para hindi tayo masyadong tanghaliin sa biyahe.” Sumulyap si Raf sa kanya. “Sige, Matt. Aalis na muna kami.” Mabilis siyang tumango. “Ingat sa biyahe. Enjoy yourselves.” Tumawag si Hector kay Nate nang makaalis ang kanyang ina. “Ano, darating ba ang tropa?” tanong niya agad nang sumagot ito. “Oo naman,” sabi nito. “Ikaw lang naman itong sa kabilang dulo pa ng daigdig nanggaling.” “Bakit, sina Pedro? Di ba nasa States siya? Si Gani? Jetsetter iyon, ah?” “Akala mo lang iyon. Nandito sila ng asawa niyang si Sari. At pati si Gani, nandito din. All set na bukas. Pupugutan ng ulo ang hindi darating.” “Sige, darating ako. Itaga mo sa bato.” Tumawa si Nate. “Tatalab ba ang itak sa bato? ‘Tado.” Humalakhak siya. “Seryoso na ito, Nate. Pagkatapos ng party, mag-usap tayo. Kailangan ko ng tulong mo.” “Shoot. Tungkol saan ba iyan, pare?” “Tungkol sa akin. Hahanapin ko ang tunay kong mga magulang.” “Oo, sige. Walang imposible, Hector. Tingnan mo ako, nahanap ko ang nanay ko.” At nahimigan niya sa boses ni Nate ang kaligayahang nararamdaman nito. “Sige, sabik din akong makilala siya. Ikumusta mo na rin ako kina Hannah at Maggie.” Matapos ang kanilang pag-uusap ay gumayak siya. Gaya ng nakasanayan niya buhat nang mamatay ang kanyang papa ay dinadalaw niya ito sa puntod nito basta bagong dating siya buhat sa ibang bansa. At mas lalo na ngayong wala naman si Barbara, walang dahilan para hindi siya makadalaw agad. Kinuha niya ang susi ng kanilang kotse at papasakay na siya sa kotse nang may humintong taxi sa tapat ng gate. Si Irene ang bumaba doon. “Hi!” maluwang ang ngiting bati sa kanya ni Irene. Mabilis itong humalik sa kanya nang pagbuksan niya ito ng gate. “Nakapagpahinga ka na?” tanong niya. “Medyo.” Ikinawit nito ang braso sa kanya habang papasok sila ng bahay. “Humihirit pa ng kuwentuhan si Auntie kaya lang sabi ko inaantok na ko. Nasaan si Mama? Dala ko na ang pasalubong ko.” Itinaas nito ng bahagya ang malaking paper bag na may tatak na Marks and Spencer. “Nag-out of town siya. Kaaalis lang.” “Ha? Sayang.” Pero mayamaya ay nagliwanag ang mga mata nito. “Matt, tayo lang dito?” pilyang tanong nito. Napangiti siya at tumango. “Bakit?” pilyo ring tanong niya. Lalong dumikit sa kanya si Irene. Ikiniskis nito ang malusog na dibdib sa tagiliran niya. At lalaki siya upang kagyat na tablan sa ginawa nito. Hinapit niya ito sa bewang at mariing siniil ng halik. Mas mainit ang halik na iginanti sa kanya ng babae. Para silang tuyong dayami na nasulsulan ng apoy. Naging mabilis ang pagkilos ng kanilang mga kamay. Naglakbay sa katawan ng bawat isa at gumawa ng masarap na pagpisil sa maseselang bahagi. Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ni Hector nang bumabad ang kamay ni Irene sa kanyang p*********i. Halos bumaon ang daliri niya sa braso nito sa naging pagdiin niya. mabilis niyang dinala si Irene sa pinakamalapit na silid. At nang makapasok doon ay nagmamadali nilang hinubaran ang bawat isa. Para silang hindi na makakapaghintay pa. Magkayakap ang hubad nilang katawan na bumagsak sa kama. He kissed her hot. Irene squezzed him again at napaungol siya. He touched her between her legs. She was moist and ready. He entered her in one swift move. “Matt!” impit na tili ang pinakawalan ni Irene. Yumakap ito sa bewang niya. at naramdaman niya ang diin ng mga kamay nito na naggigiya sa kanya ng tiyempo ng kanyang paggagalaw. Pinagbigyan niya ito. He moved slow and the fast. It was an agony but he wanted to please her. At naramdaman niyang niyakap siya ng mga binti nito. “Matt, faster,” pakiusap nito. Musika iyon sa kanyang pandinig. Masunuring tumalima siya. He moved fast. At ilang sandali pa ay impit itong umungol. She was squeezing him. Napigil ni Hector ang paghinga. And then he couldn’t control himself anymore. He took a deep plunge and let himself go. Ibinigay niya kay Irene ang buong bigat niya. Hindi pa gaanong humuhupa ang damdamin niya. mabilis pa rin ang t***k ng kanyang puso. Pero pagkaraan ng ilang saglit ay bumaba na rin siya sa tabi nito. “I love you, Matt.” Humilig sa dibdib niya si Irene. Tila nagkaroon ng bikig sa kanyang lalamunan. “I love you, too.” Kumilos na siya at dinampot ang nagkalat nilang damit. Inabot niya kay Irene ang damit nito at mabilis na siyang nagbihis. “May lakad ka ba?” tanong ni Irene. Hindi pa ito kumikilos sa higaan. “Panlakad pala iyang damit mo.” “Papunta sana ako sa memorial park nang dumating ka,” amin niya. “Dadalaw ako kay Papa. Gusto mong sumama?” Umiling ito. “Bakit hindi na lang muna tayo mag-stay dito? Solo natin itong bahay ninyo.” Nginitian niya si Irene. “Nakasanayan ko nang dumalaw sa puntod ni Papa basta bagong dating ako.” Sumimangot si Irene at kumilos na rin. “Okay. Sige, sasabay na lang ako sa iyo. Nag-aaya si Auntie na mag-duty free kami. Sabi ko lang, dadalhin ko muna dito ang pasalubong ko.” “Ayaw mong sumama? Ipapakilala kita kay Papa,” pabirong sabi niya. “Please don’t take me wrong, Matthew. Naasiwa lang kasi akong pumunta sa sementeryo, kahit sabihin pang memorial park.” Mabilis siyang tumango. “All right.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD