GEMMA wasn’t back to her old self yet pero napansin na ng mga tao sa paligid niya ang pagbabago niya. Hindi na siya masyadong tahimik. Nagbibigay na siya ng opinyon sa pangkaraniwang bagay. at nakikihalubilo na siya sa mga pinsan niya. Isang linggo na lang at kasal na niya. Nakikipag-cooperate na rin siya sa mga pahabol na plano. Nagsasalita na rin siya kung ano ang palagay niya ay makagaganda sa gagawing kasal. Hinayaan niyang mapalapit pa sa kanya si Greg dahil alam niyang iyon naman talaga ng dapat dahil magiging mag-asaw na sila. Diniktahan din niya ang sarili na pag-aralang mahalin si Greg. Hindi madaling gawin. Hindi pa niya mahal si Greg subalit malaking bagay na ngayon na naturuan na niya ang sarili na tanggapin ito. Tumawag ang kanyang papa upang batiin siya sa nalalapit niyang

