TUWANG-TUWA na naman si Fabella sa mga nangyayari, baka naman na nananaginip lang siya. Okay lang na magising. Pagkatapos nilang kumain ay nagbukas si Adam ng isa sa mga cabinet na nakalagay sa pader. Napataas ang kaliwang kilay niya nang makita niyang punong-puno ‘to ng box of teas. Napansin niyang tsaa kaagad iyon dahil sa kung ano ang nasa mga kahon na iyon. Kulay green at mayroong nakalagay doon do’n na teacup na larawan. “That’s a lot.” “Sinabi ko na sa iyo, ‘di ba. And I can give you all of it. You can take these all home,” sabi ni Adam na naging dhailan upang manlaki ang mga mat ani Fabella. “Hindi puwede, uy! Hindi ko ‘yan kayang maubos dahil sobra-sobra iyan,” sagot naman ni Fabella. Umuha na muna ‘to ng ilang pirasong tsaa at saka inilagay iyon sa lamesa na nandoon. “

