“SANDALI nga Alejandro!” Medyo hindi patas ang ginawa ng kan’yang kaibigan. Nakalabas na sila ngayon sa bahay nila Adam—nandoon din ang sasakyan ni Xander. Binuksan niya ang pinto at pinilit pa siyang ipasok do’n. Wala na siyang nagawa. Pero sa totoo lang ay naguguluhan siya. Hindi niya maintindihan ang sinabi ni Adam tungkol sa ganti. Tahimik lang si Xander. “Bakit mo ba ako inalis do’n? Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Lola Quanda!” “Isipin mo na muna kung ano ang katangahang ginagawa mo,” seryosong saad ni Xander. Natahimik naman siya saglit. “I don’t think katangahan iyon. Iyon lang kasi ang tingin niyo pero ang totoo ay wala namang masama do’n.” “Hindi ka ba natatakot na baka makasira ka ng relasyon?” “Wala akong sinisira at wala akong nasisira. Imposible naman na mah

