NAGMAMADALI siyang tumakbo papunta lamang sa likod ng studio. Natunugan niya ‘to na kakapasok lang sa loob at hindi niya naabutan. Ano na ang gagawin niya ngayon? Hihintayin si Miss Eva hanggang sa lumabas ‘to? Paano pala kung dito na matutulog ang pakay niya? Ang studio na ‘to ay hawak pa rin ng DDMI. Ano nga ba ang ibig sabihin ng apat na letrang ‘yon? Drin Daisy Moda Bella Industry. Iyon ang pagkakatanda ni Fabella. That’s based on New York. Doon talaga ang pinakang-main. Wala naman siyang alam sa history ng mga DDMI, ngunit malakas ang kutob niya na konektado ang may-ari ng DDMI sa nagma-may-ari ng Zaminican Hotels. Napansin niya lamang no’ng minsan siyang napapunta sa condotel na ‘yon. Narinig niya sa elevator na Joemar daw ang may-ari ng Zaminican Hotels but she heard that name on

