“I AM so thankful talaga, Xander,” saad ni Fabella. “Hindi pa nga talaga ako makapaniwala na nagpunta tayo ng Hawaii—nagpunta ng aba tayo?” pabiro pang sabi nito. Kinunotan naman siya ng noo ni Xander. “Hindi, anong pinagsasabi mong pumunta tayo sa Hawaii? Hindi totoo ‘yon,” sabi nito sa kaniya. Kunwari naman ay nagulat siya. Alam niyang nagbibiro lang ang binata. “Good night na lang, Xander.” Napairap pa sa kaniya si Fabella. Alam niya naman na nagbibiro si Xander at isa pa nga ay kakagaling lang nila do’n. Nandito sila ngayon sa tapat ng bahay nila Misael. Hinatid siya rito nila Xander at Adam na dapat naman talaga. Napatingin siya sa direksyon kung nasaan si Adam. Nakadungaw lang ‘to sa bintana ng sasakyan ni Xander. Ito rin naman ang sinakyan nila matapos nilang marating muli a

