SUMAKAY si Fabella sa kotseng dala-dala ni Xander. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala namang ideya si Fabella kung saan sila pupunta. Kung saang coffee shop ang gusto ni Xander. Hindi na rin naman siya nagtanong. Tahimik lang ang dalawa hanggang sa mapansin ni Fabella na marami na silang nadaanan na coffee shop ngunit hindi naman itinitigil ni Xander ang sasakyan. Nang lingunin niya ang binata ay nakangiti lamang siya kay Fabella. “Saang coffee shop ba?” Fabella asked. “Be specific na nga.” “You’ll see,” sagot nito. Napakibit-balikat na lang si Fabella at tumango-tango. May tiwala naman siya kay Xander kahit na sira ulo siya. Okay lang din. Halos same vibes din naman sila. Sira-ulo rin naman si Fabella at puro kalokohan kahit noon pa. Kilala rin siya bilang evil witch.

