SHE wants to have a coffee now with this guy. Tinitigan niya lang si Xander na parang naghihintay siya ng sagot sa bagay na hindi niya pa tinatanong. Obvious naman kong ano ang gusto niyang malaman. “Wala akong sasabihin sa iyo, Fabella. Let’s not just talk about it.” “I want to know.” “Then talk to him. Siya ang tanungin mo,” saad ng kaibigan. Nakaramdam naman siya ng lungkot, lalo nan ang maalala niya ang huli nilang naging pag-uusap. Hindi iyon maganda at wala na siyang ideya kung paano niya na ‘to muling lalapitan. Siguro kailangan niya na lang sumuko—ni-reject na siya nito, ano pa ba ang gusto niyang malaman ngayon? Natahimik na ang magkaibigan dahil doon. Pareho nilang in-ubos ang kape nila tapos ay pareho na silang nagpaalam sa isa’t isa. Umuwi na rin muna si Fabella at

