Chapter 1: Bully

1852 Words
Kim POV Ringgggg* Ringgg* Ringgg* Rin— Argh! This alarm clock again, gusto ko pa matulog. Ten minutes p--... *Thud* Tsk, sabi ko nga hindi na pwede. "Kim, Kim, ang mahal kong pinsan, wala ka na bang balak gumising? Pag hihintayin mo na naman ba ako nang matagal sayo? Bumangon ka na nga dyan." Sino ba naman kasi nag sabi na mag hintay sya? Bagot kong litanya sa isang lalaki na nagkuha nang atensyon ko, habang wala sa oras napahikab at napakamot sa namu-mungay kong mga mata. "Who told you na pwede ka pumasok sa room ko?" "It doesn't matter. Even if I don't have a permission coming from you, kailangan mo na mag gayak, come on!" "Ayaw kong pumasok." Agaran kong pag-amin sa naka-ka-irita kong boses. "Ah ganun, sige inform ko na lang kay tita na pina-pa-bayaan mo na ang pag-aaral mo." "Gusto mo ba na samahan pa kita?" "Kim naman, bumangon ka na dyan. Bat ka ba tina-tamad? Maayos naman ang performance mo sa school ah?" Marahan nyang pahayag dahilan upang pumintig ang aking tenga sakin narinig, imbis na masiyahan. Ano naman kasing connect nun sa kagustuhan kong hindi pumasok? At kailangan ba talaga na gawin dahilan ang magiging reaction nang aking magulang, kapag hindi ako naging mabuting anak nila? "Sana nga kuya himdi ko na lang inayos, panira sa buhay ko eh." Aking walang gana na dugtong habang taimtim kong pinag-masdan ang kanyang reaksyon na halatang hindi nito ina-asahan ang kanyang narinig. "Kim...Ah an—" "Hintayin mo na lang ako sa labas mag aayos lang ako." Marahan kong putol sa kanya pang sasabihin nang maisipan kong gumayak na lang dahil wala naman akong choice. Mas pi-piliin ko pa rin kasi sa huli na sa school tumambay kaysa sa pinsan ko na nag sisimula na naman mag tanong nang madami. ********* "Uhm kim, nag text pala si tita na good luck daw sa school mo." Pahayag nito na tanging isang tango lang ang aking binalik. Tuluyan na kaming nasa gitna nang pag b-byahe at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naisipan imikan ang aking katabi. kahit mga ilang segundo na ang naka-kalipas, hudyat upang hindi ito mapakali sa kanyang pwesto. Alam ko naman kasi na may gusto syang sabihin pero wala talaga akong gana makipag kwentuhan at sumagot-sagot sa tanong nya. Dahil simula rin kanina or let say nang ako’y magising at malaman pasukan na naman, eh isang scenario na lang ang tuma-takbo sa isipan ko hanggang ngayon... Hays, pang ilang buntong hininga ko na ba ito? Oh well, I don't mind though, mas priority pa rin sa utak ko ang mangyayari mamaya sakin. Kung bakit ba kasi hindi normal ang school days ko katulad nang iba, edi sana hindi ako ganto na parang walang pangarap dahil sa sobrang kinamu-muhian ko ang school na pina-pasukan ko. "Thanks for the ride, kuya." I said nang mapansin kong nakarating na kami sa harap ng school, at balak na sanang buksan ang pinto para makalabas na, pero... "Ganun pa rin ba paki-kitungo nang lahat sayo?" Bigla rin akong napahinto saking gagawin nang mapalingon ako sa tanong nang aking kasama at kita ko ang pag a-alala sa kanyang mata. "Kim bakit ayaw mo mag report, pinag bantaan ka ba nila?" Dagdag pa nya, na as if may mag b-bago sa kanyang suggestion. Buti sana kung ganun lang kadali ang lahat. Pero para saan ba’t prestigious school ang pina-pasukan ko? Isang pakita lang nang isang katerba na pera. Solve, solve na agad. Subalit, hindi ko naman ito nila-lahat, syempre meron din kasing case na kapag pinag laban mo ang iyong pag panig sa batas. Hindi na imposible na isang bangkay na lang ang masa-salubong nang araw sa iyo kina-bukasan. "How about mag transfer na lang ako sa ibang school? Sa tingin ko mas magandang suggestion yun." Anas ko, dahilan upang aking masilayan kung paano naging malumanay ang tingin nito saking sinabi at maya-maya lang ay napa-iling na sya. "You know, we can't do that kim." "Because of my father's will. Walang katapusan na will, na ni kailanman hindi ko sya main-tindihan sa gusto nyang mangyari." I sarcastically said kahit na halata rin ang pag-uyam saking boses. Napa-buntong hininga na lang ito saking sinabi at hinagod ang aking ulo, dahil kahit rin naman sya ay walang magawa. "Hmm, ingat ka na lang kim, nandito na tayo eh, basta kapag may nangyari masama sa iyo, wag ka matakot mag sumbong sa akin ah, and I will do my best para hindi ka nila gambalain pa, take care." Determinado nyang suhestyon na akin na lang iki-natango, hanggang sa tina-naw ko na lang ito sa kanyang pag alis bago lumingon sa malaking gate kung saan naghi-hintay ang katakot-takot na mangyayari ulit sa akin. Pero sana lang wala syang gawin ngayon... **** After a few minutes, napag desisyunan ko nang pumasok sa loob. And as usual, hindi na ako nag duda pa na ang tingin nang mga kapwa ko estudyante ang bumungad sa akin, na may kasama pang mga ngiting naka-kaloko. At tila'y hindi pa nakuntento, dahil kung mag bulungan ang mga ito ay para silang bubuyog saking paligid. The school is known, VERGOLD UNIVERSITY As I said, it is a prestigious school, kaya ganito na lang ang mga ugali nang karamihang students, lalo na sa mga taong katulad ko na simple lang at ang tanging gusto ay katahimikan. Although hindi dapat namin nara-ranasan ang ganitong pag trato, dahil meron rin naman kaming mai-pa-pakita. Pero dahil sa hindi naman ako pala-away or let say kami ay tahimik na tao lang, hindi tuloy maiwasan na ganitong paki-kitungo ang sinasapit namin. Subalit, kumpara sa iba. Isa lang naman ang may kaya gumawa nito sakin, yung laitin ang presensya ko which is pinag-pa-paliban ko na lang din. Also, this kind of treatment is not new to me, kaya nakasanayan ko na rin. Halos dalawang taon rin kasi na ganito ang aking sitwasyon dahil sa isang babae— b***h na babae rather. However, as I say, sya lang naman ang may kayang gumawa nito kaya… I'm not thankful pa rin... Akin na lang na-isipan iyuko ang aking ulo upang hindi sila mapansin at maka punta na sa room nang walang masa-salubong na disgrasya, and just to make sure na mangayari iyon sinadya ko na rin sa gilid mag lakad. Subalit, ang akala ko lang pala yun. Hindi kasi ako inform na may magnet pala ako, at sa dinami-rami na estudyante na akin masa-sagi dito ay yung isang tao pa na kinamu-muhian ko ang aking na bangga. Wala akong alam kung ako ba ang bumangga o siya? Kaso, dahil sa kilala ko syang b*tch ako na lang ang a-ako... Parang gusto na lang tuloy lumabas nang aking puso saking katawan at tumakbo sa sobrang takot. Kung bakit ba naman kasi ang bulag nung hallway, sinadya talaga ako banggain, hindi naman ako ganun kaliit para di makita ah. Sisi ko sa walang kamuwang-muwang na hallway. Habang lantad na lantad saking mata ang mala demonyo nyang ngiti, kasama ang dalawa nyang kaibigan na ganun din ang naka plastar sa mukha, tsk! "Good morning nerdy ang aga-aga ang lampa mo kaagad, imbis na maganda ang araw ko sinira mo pa." Nakangiti nitong litanya, pero sa bawat salita na binigkas nya ay literal nag pa-pitlag saking katawan. Ewan ko ba, napaka-amo naman nang mukha nya, pero yung ugali ay akala mo may menstrual period araw-araw. Isama mo pa ang ngiti nyang naka-kamatay. Napa estatwa na lang ako sa aking kinata-tayuan at tila'y inunahan pa ako nang aking lakas makatakas. Kaya kahit gusto ko man mag dahilan ay wala akong magawa, hindi dahil sa ako ay duwag ah kundi dahil sa matapang ako! A-ayaw ko lang talaga mag sayang nang p-pagod sa kanya, ganun nga! "Well, wala akong magagawa dahil ipina-nganak ka nga pala na ganyan, bakit ba kasi pinabayaan ng school na ito na maka pasok ang isang b*bong katulad mo?" Tsk, di na ako nag salita at pinabayaan na lang syang dumakdak, wala rin naman mag ba-bago eh, masyado syang perpekto sa sarili. "Gusto mo ba ng gatas?" Tanong nito sakin, pero iba ang kahulugan yun, kaya bago pa ako maka atras ay may naram-daman na akong malapot na umagos sa aking ulo, at hindi pa sya na kuntento, sapagkat binato pa nya sakin ang lalagyanan. "Ayan~ you’re welcome nerdy~" Sabay nagsi-tawanan ang kasamahan nya, kahit ang mga nakakita. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nag mga tao sa paligid ko. Talaga bang naka-katawa ang sitwasyon ko ngayon? O sadyang nakatira lang talaga sila sa ibang planeta kaya baliktad ang takbo ng isip nila? Nang mawala na ang salarin saking paningin, eh mabilis na rin ako pumunta sa shower room at nag linis. Mabuti na lang talaga nag da-dala ako ng extrang damit, reserba lang para sa mga ganitong okasyon. Pero sino ba ang niloloko ko? Halos gawin ko na ngang drawer ang aking locker dahil sa dami ng reserbang damit, at special lang yun sa bwesit na babae na yun. Matapos kong linisan ang aking katawan ay mabilis na ako umalis, dahil mala-late na rin ako. Hindi ko na nga na-abutan ang aking first subj. kaya hindi rin pwede na sa second subj. din, kahit naman ayaw ko pumasok ay kailangan ko pa rin sulitin dahil sayang ang pag gising ko nang maaga. Patuloy lang ang aking pag takbo papunta sa aking room dahil wala na rin naman nang masyadong studyante sa labas. Pero nang ako’y papaliko na sana, ako'y napahinto rin bigla, sabay napatingin sa malapit na storage room, dahil sa narinig ang mga… "Ah~AHH~ oh baby f*ck! I'm cu*ming~ baby!~" Na literal nagpalaki saking dalawang mata, kahit alam kong hindi ito ka-aya-aya, sa pandinig lalo na at eskwelahan ito. Ano pa bang ine-expect ko sa taong laging guma-gawa nang ganito? Pero dahil na rin sa pagka curious ko at masigurado na sya nga, upang hindi na rin ako makonsenya dahil sa pag judge ko sa kanya, ay dahan-dahan ko binuksan ang pinto na hindi man lang binalak isarado. At doon sa iras na yun, dito ko nasabing tama nga ang hinala ko, gumagawa na naman siya nang milagro, pero iba na ang kanyang partner. Umalis na lang ako agad dahil na nigurado lang naman ako at ayaw ko na patagalin pa dahil baka akalain akong nambuboso. Pero, ano ba talaga ang gustong mangyari nang babaeng yun? Hindi nya ba alam na sa ginagawa nyang pag tatalik sa iba ay posibleng wala nang taong mag s-seryoso sa kanya? Mabuti na nga lang at may kagandahan syang taglay, pero kung iha-hambing mo sa ugali. Swerte na lang sya kung may papatol pa sa kanya na matinong lalaki. Kung gusto nyo sa makilala, sya lang naman din naman ang nag buhos sakin ng gatas sa ulo, at ang one and only na nambubully sa akin. si Candice Greenmily, ang kilala kong babae na mas masahol pa ito sa brat and b***h o ano pa man tawag sa mga hypocrite na taong katulad nya. Kaya avoid nyo sya ah, dahil baka madamay ka sa pagka-suklam nya sa mundo. --------------- mashiro99~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD