Kim POV "Candice dito ka na muna ah pupunta lang ako sa faculty." Paalam ko kasabay ang pag kalas nang aking kamay na hindi naman ako nag tagumpay. Nakita ko ang pag kunot nang kanyang noo na ikinangiti ko dahil alam ko ang pinapahiwatig nya. "Promise mabilis lang ako." Akin pang pag kukunsinti sa kanya habang sinubukan ko ulit alisin ang kamay ko pero mas hinigpitan pa nya ang pag hawak dito. Ah, di ko ba nasabi na naudlot yung pag kalas ko dahil sa babaeng katabi ko na kanina ko pa tinititigan ang kanyang mataray na mata? " Why can't I go with you instead? " Agaran nyang dahilan na halata anag mataray na boses dito, oo nga naman bakit ayaw mo syang samahan ka? tanong ni mahaderang isip sakin. "Well, mas malamig kasi dito dahil sa simoy ng hangin

